Tumakbo si Arabella pabalik sa labas, at agad namin siyang sinundan ni Taiden. Pero huli nang makarating kami. Nang maabutan namin ang lahat, halatang naguguluhan ang kanilang mga mukha, maliban kay Kuya. "What are you talking about, Ara?" ani Dale. Tinuro ako ni Ara at galit na galit ang kanyang mga mata. Papalit palit din sa akin at kay Taiden ang tinginan ng lahat. "I saw them... kissing. Niloloko ka ng babaeng yan, Keion!" binigyan lang ako ni Kuya ng isang lungkot na tingin. Habang ang lahat ay laglag ang mga panga at walang ni isa ang nangahas magsalita maliban kay Kuya. "Hindi niya ako niloloko." matamang sinabi ni Kuya. Naramdaman kong sasabihin na ni Kuya ang lahat, at hindi ko siya pipigalan. Kitang-kita ang hindi makapaniwalang mukha ni Arabella sa sinabi ni Kuya. "Wtf,

