'YOU'RE the only girl I'd ever want in my life.' ang sabi niya doon sa sulat.
Ayokong umuwi ng ganito. Ayaw 'kong mag explain sa kahit sino sa bahay. Gusto kong isipin buong gabi kung paano nangyari ang lahat, at paano humantong sa ganito.
"I want to stay with you, Ze. Pero may lakad kami. Babalik ako agad. Pangako." si Keion.
Dinala n'ya 'ko sa unit n'ya dahil ayokong umuwi. Baka magtanong lang sa akin ang mga tao doon kung bakit namamaga ang mga mata ko. Hindi rin ako nagpaalam kung nasaan ako.
Bahala na.
"Zella baby, babalik kami agad." ani Elton na sumama rin dito sa unit ni Keion.
"At sinong may sabi na sasama ka pa dito mamaya? Hindi mo 'to bahay, kaya hindi ka welcome dito." sikmat ni Keion at tinapunan siya ng masamang tingin ni Elton.
Dinala ako ni Keion sa isa sa mga guest room ng condo niya. Maganda ang unit niya pero wala na akong panahong ma-appreciate iyon. Masyadong lutang ang utak ko para bigyang pansin ang mga bagay-bagay.
"If you need anything, call me. Kahit ano pa yan. Uuwi ako agad." ani Keion at tumango ako.
Dati pa man alam ko ng mabuting tao itong si Keion. Isa siya sa taong, isang tingin mo pa lang ay malalaman mo ng mabait ito. Hindi kagaya ni Taiden na masungit ang mukha palagi, at doon pa talaga ako nahulog sa kanya.
"Bakit siya gano'n?" nanginginig kong tanong kay Keion at napatingin siya sa akin na may awa sa mga mata. His eyes are comforting, that's how I see it.
Napahawak siya sa labi niya bago sa batok niya sabay pikit ng mariin na para bang nahihirapan siyang magsalita.
"I'm not on the position to tell you what he is doing, Zella. Pero kaibigan mo 'ko. Ang tanging magagawa ko lang ay ang alalayan ka. I'm here, Ze. Always here for you."
Iyon ang nga huling sinabi ni Keion sa akin bago siya umalis. Hindi ko parin maintindihan. Wala siya sa posisyon? Sino ba ang nasa posisyon para sabihin sa akin ang lahat ng ginagawa ni Taiden? Simpleng katulong lang ako, pero ganito niya ginulo ang utak at damdamin ko.
Nahiga ako sa kama at nakatingin lang sa dingding. Napaisip ako. Bakit gano'n ko siya kadaling minahal? Bakit ang bilis kong nahulog sa kanya kahit nagsimula kami sa palaging pagbabangayan?
The worst thing here is, I opened up to him. I let him destroy my walls. Sinabi ko sa kanya ang buhay ko, ang mga kalungkutan at kasiyahan ko. I did trust him. Pero ganito ang ginagawa niya.
Tinatagan ko ang aking sarili. Bago ako mag desisyon kailangan ko munang marinig ang paliwanag niya. Minsan, hindi lahat ng nakikita at naririnig natin ay totoo.
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga nangyari kahapon. Ngayong gising na ako, pino-problema ko naman kung paano ako mag-eexplain mamaya sa mansyon.
"Good Morning." bati ni Keion pagkapasok niya ng kwarto ko. Umuwi na pala siya. Hindi ko man lang namalayan. Napagod yata sa kakaiyak ko kahapon. Kamusta na kaya ang batang nakidnap?
"Uh... kamusta ang lakad niyo?" tanong ko.
"Fine. Naligtas namin sila." aniya
Sabi ni Suzie ay mga racers sila. Bakit parang mga superhero naman yata? Hindi ko na lang din inusisa ang lahat.
"Let's go, breakfast na tayo." aniya at napangiti ako. Tumayo at nagpunta ng banyo para maghilamos at mag momog man lang. Nakakahiya namang makipag-usap kay Keion na kagigusing ko lang.
Napahawak ako sa noo ng ma reliazed na nakipag-usap na nga pala ako kanina. Medyo malapit pa naman siya sa kama. Baka naamoy niya bibig ko! Parang hinatak ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman.
Agad akong nagtungo sa kusina at nakitang nagtitimpla ng kape. Kanina ay nakadamit siya ng pinuntahan n'ya ko sa kwarto. Bakit ngayon wala na?
I can freely see his broad shoulders. Muscles in right places and his round perfect bum, na hulmang hulma sa suot niyang sweat pants.
Pinilig ko ang ulo ko. Masyadong naglalakbay ang mga mata mo Zella!
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.
"Sit. Tapusin ko lang 'to." aniya at nagpatuloy sa ginagawa habang naupo naman ko. Pagbaling niya may dala na siyang dalawang tasang kape. Inilapag niya ang isa sa akin.
Sa mansyon palaging si Nanay Helen ang nag-aasikaso ng agahan ko. Ngayon lang may lalaking gumawa nito para sa akin.
"Marunong kang magluto?" tanong ko ng mapansin ang mga niluto niya. Kadalasan kasing hindi marunong magluto ang mga lalaki, kagaya ni Taiden.
Nagtaas siya ng kilay sa akin at may ngiti sa labi.
"Of course Zella. Mag-isa ako sa US, so, I cook for myself." sabi niya at tumango ako.
Kumuha siya ng itlog at nilagay sa pinggan ko kasama ng fried rice. Nilagyan niya din ng sausage pagkatapos. Hindi ako umalma dahil namamangha akong panuorin ang ginagawa niya. Ang swerte ng magiging girlfriend ni Keion.
"Let's dig in?" aniya at agad na kaming kumain. Hindi namin pinag-usapan ang nangyari kahapon, sa halip ay nag kwento siya tungkol sa buhay niya doon sa US.
Nalaman kong sa US sila nag-aral na magkakaibigan. Kinwento niya din ang mga kalokohan na ginawa nila noon.
Sobrang gaan ng loob ko kay Keion, nakalimutan ko nga saglit ang tungkol kay Sofiya at Taiden.
"Hindi mo na sana ako hinatid." sabi ko ng makarating kami sa mansyon. Nagpupumilit siyang ihatid ako para tulungan akong mag-explain kina Madam. Medyo kabado ako ng kunti dahil ito ang unang beses na hindi ako natulog sa mansyon.
"It's fine, Zella. Wala naman akong gagawin, at mas matatagalan kang makauwi kong magco-commute ka." aniya at napailing na lang ako.
Pangalawang araw ngayon na wala si Taiden. Siguradong bukas pa 'yon uuwi. Kakausapin ko siya bukas tungkol doon sa picture na kumakalat.
"Jesus Zella. Nag-alala kami sayo kagabi. Tinawagan namin si Suzie at wala ka raw doon sa kanila. Hindi ka naman namin ma contact. Anong nangyari hija?" pag-aalalang sabi ni Madam.
Nahihiya ako sa ginawa ko pero hindi ko din naman pweding sabihin sa kanila na dahil kay Taiden kaya hindi ako umuwi.
"We hangout yesterday, Tita at biglang sumama ang pakiramdam niya kaya, dinala ko na lang siya sa condo ko, which is near from the shop where we had a little talk." si Keion
Mas lalo lang akong nahiya dahil nagsinungaling siya para sa akin. Nakakaabala na ako ng ibang tao. Sisiguraduhin kong sa susunod hindi na ako mandadamay ng ibang tao kahit ano pa man yan.
"Oh. How are you feeling? Are you alright? Let's go to the docto-."
'Okay lang po ako Madam. Okay na ako. Inalagaan po ako... ni Keion." sabi ko at ngumiti para mapanatag ang nag-aalang ginang. Sobrang bait talaga ng Madam sa akin simula noon.
"Okay. Pero magpapahinga ka ngayon. Huwag ka munang tumulong sa bahay." aniya at tumango na lang ako.
Nagsinungaling na rin naman kami. Lubus-lubusin na lang.
Abala kami sa pakikipag-usap kay Madam ng may dalawang tinig kaming narinig na papalapit sa amin.
"Ninang!" sabay takbo ni Sofiya kay Madam at halik nito sa pisngi. Napunta agad ang mata ko sa lalaking nakasunod kay Sofiya. Hindi niya ko tiningnan. Nasa kay Sofiya lang ang mga mata niya.
"Akala ko ba bukas pa uwi n'yo?" takang tanong ni Madam.
"Taiden got bored Tita kaya gusto na niyang umuwi, kaya ito." aniya at tumango ang ginang.
Nakatingin pa din ako kay Taiden pero hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. Ni hindi niya nga pinansin si Keion na nasa gilid ko lang.
"I see. I'm sorry for that Sofiya, pagpasensyhan mo na si Taiden. I saw your pictures! You two were so sweet!" masayang sabi ng Madam at bahagyang sumikdo ang puso ko doon.
"Ugh. Taiden was so clingy, Tita." at humalakhak ang Madam.
"Nagkagulo din kami kahapon kasi hindi umuwi si Zella. Mabuti na lang at kasama niya naman pala si Keion." saad ng Madam.
Saka pa tumingin sa akin si Taiden at galit na galit ang mga mata niya. Parang nanunusok ang mga titig niya sa akin.
"So, how's your time with him?" malamig niyang tanong habang madiin pa rin ang titig sa akin.
Magsasalita na sana ako ng unang magsalita si Sofiya.
"I'm going home, Taiden. Babalik ako mamaya." parang nahulog ang puso ko ng halikan niya si Taiden sa labi sa harapan ko at mas lalong sumikip ang paghinga ko ng humawak pa si Taiden sa beywang ni Sofiya habang nakatingin siya sa akin.
Buong lakas kong pinigil ang mga luha kong tumulo dahil nasa harapan ako ng lahat. Huminga ako ng malalim ng paulit-ulit, dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga sa sobrang sikip ng dibdib ko.
Hindi na yata namin kailangan mag-usap. Binigay na niya sa akin ang sagot sa mga tanong ko. Gago siya! Pinaglaruan niya 'ko!
Kung gaano kabilis akong nahulog, gano'n din kasakit ang pagkalagapak ko.