Chapter 42 "Kain na po kayo." pag aya sa akin ng batang lalaki pagkatapos niyang ipaghanda ang mga pagkain sa mesa dito sa sala nila. "Salamat." Nginitian ko siya. Nakita kong namula ang pisngi niya at saka umalis sa harap ko, nag tungo sa lababo at hinugasan ang saging dinala niya kanina "Anong inisip mo?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko. Kanina ko pa sina sabi na kaya kong kumain mag isa ngunit mapilit talaga ang unggoy na to. At nakakairita sa tuwing mag sasalita. "Bakit ba parati mo nalang pinakikialaman ang iniisip ko, wala ka bang sariling isip?!" May kaunting inis sa boses ko tama lang na iparating sa kaniya na subrang napipikon na ako sa pinangagawa niya at kaunti nalang masasapak kona siya sa mukha. "Bakit kasi bigla bigla ka nalang ngumingiti." Inis niya ring sabi at sinubu

