Chapter 44 "Hindi ka pa ba napapagod? Kanina pa tayo lakad ng lakad dito." Inis na sambit ng kasama ko. Hindi ko naman sinabi na samahan niya ako, pero ang kulit baka daw malunod ako sa dagat o di kaya mawala. Kanina ko pa din naririnig ang pag bunting hininga niya sa tabi ko dahil sa iinis na hindi ko pinalagyan na takpan ang sugat, at baka daw ma infection ng hanging dito sa dagat. Natatawa ako sa tuwing naalala yun. "Van, sabihin mo nga ang totoo sakin. May galit ka ba sa maputi kong balat kaya gusto mong kulayan ng berde?" Tanong ko habang nag lalakad at nasa likod ang dalawang kamay. "Anong ibig mong sabihin? Mahal ko ang lahat ng magmamay-ari mo. Kahit na yung mga kulangot mo sa ilong." Kikiligin na sana ako. Kaso napa hinto ako sa paglalakad dahil sa huli niyang sinabi. "Kadir

