Chapter 31 "Okay, everyone enjoy!" At saka sinakop ng palakpatan ang buong sulok ng kwarto. Uminom ako ng tubig dahil parang nakaramdam nanaman ako ng kaba papalabit kasi sa lamesa namin sila ni Van at Dailana. At parang may kong anong sakit ako sa lalamunan na naramdaman. Nang tumayo si Sir Dan ay agad akong sumunod sa kaniyang pag tayo. Nagkamayan sila ni Van. Pero kahit kaunting ngiti sa mukha ni Van ay wala akong makita kasalungat sa mukha ni Sir Dan na abot tenga ang ngiti. Pagkatapos nilang mag kamay ay sa akin inabot ni Van ang kaniyang kamay. Nag alinlangan pa ako nong una pero sa huli ay inabot ko parin. Parang bastos kasi pag hindi ko tatanggapin. Isa pa, siya ang may ari nitong building na kinatatayuan ko ngayun. Pano ko nalaman? dahil dito sa masayang taong nasa tabi ko.

