Chapter 50 Familiar sakin ang lugar kong saan kami pumunta nila Mike at Van. Ito ang lugar kong saan ko nakitang masayang masaya si Miko noon kong saan niya sana edi-date ang babaeng pinupusuan niya kong hindi lang tumawag si tita belle. Dito ko rin ipinakilala sa kaniya si Arthur. Pero bakit dito? Malapit ito sa paaralan namin noong collage dito kami madalas pumupunta ni Miko at nag tatambay. Sa malapad na damuhan ay may isang nakatayong bahay bahayan namin noon. Kami ang gumawa ng bahay diyan ni Miko. Naalala ko pa ng pag gawa namin ay nasugatan si Rain sa kamay. Nataranta si Miko at sinugod ang kapatid ko sa hospital kahit na maliit na sugat lang naman ang natamo. Walang ingay kaming nag lakad sa damuhan. Nasa una ko si Mike tapos nasa likod ko naman si Van. Hinahawakan niya ang kam

