Chapter 11.11

1543 Words

Huminga muna ng malalim si Danielle bago naglakad palabas sa sala kung saan naroon sina Lucy at Drewner. Hawak niya sa dalawang kamay ang isang tray na may laman na dalawang baso ng malamig na juice at dalawang hiwa ng egg pie na nasa dalawang platito. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na kanyang nararamdaman para sa kanila. "Puwedeng huwag na muna nating pag-usapan ngayon ang business? Iba naman ang pag-usapan natin," narinig ni Danielle na sabi ni Lucy kay Drewner. "Ito na po ang meryenda ninyong dalawa," mahina ang boses na sabi niya kaya biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa. Nakita niyang tinapunan siya ng masamang tingin ng kanyang pinsan ngunit ignignora lamang niya ito. "Ano naman ang pag-uusapan natin?" nakakunot ang noong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD