Chapter Three

1429 Words
PAGKAGULAT ang masasalamin sa mukha ni Ganni ng mga sandaling iyon. Halos malunod siya sa dami ng impormasyon na ibinigay lang naman ni Crisostomo sa kanya. Lalo na ang sabihin nito na magkapatid sila! "U-ulitin mo nga ang sinabi mo, a-ako a-at i-ikaw---" Ngunit hindi na siya pinatapos nito sa pagsasalita. Dahil kaagad na sumbad ito. "Tama ka ng rinig, magkapatid tayo." Kasabay ng pag-iwas nito ng pansin ay ang tuluyan pagtayo. "Sige na pumanhik ka na sa itaas para magpahinga. Kung may gusto kang ipagawa, nariyan sina Manang Ameng. Sila ng bahala sa iyo rito," tugon ni Crisostomo. "Teka! saan ka pupunta, iiwan mo ako rito?" mabilis niyang wika na napalapit pa rito. Bigla siyang humawak sa braso ng lalaki na hindi man lang nag-iisip. Napagawi naman ang tingin ni Crisostomo rito, hindi nakaligtas sa babae ang malalim na buntong-hininga nito. Kaya dali-dali naman tinanggal ni Ganni ang kamay mula sa pagkakahawak dito. Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili, magmula kagabi ay takot na takot na siya. Nahihirapan siyang magtiwala kahit kanino. Dahil si Crisostomo lamang ang malapit na kakilala niya sa lugar na iyon ay naiinis man siyang dumipendi rito ay hindi niya mapigilan ang sarili. "Fine, kung gusto mong sumama ay magpalit ka na ng damit. Pupuntahan ko ang isa sa mga business para paghandaan ang pagpapakilala sa iyo sa darating na araw," wika nito. "Hindi na, okay na ako sa suot kong ito," sabi niya. "Sigurado ka na ayaw mong magpalit?" Pagkukumpirmi pa ni Crisostomo. Kaagad naman tumango si Ganni, kaya hinayaan na lang ito ng binata. Tuluyan na nga siyang pinasunod nito palabas ng bahay, bigla pang nagulat ang dalaga dahil pagkalabas niya ng mismong bahay ay nakita niyang napakadaming lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at may hawak-hawak na matatas na kalibre ng baril na nakalat sa buong paligid. Habang naglalakad sa malawak na lawn ay doon lamang napagmasdan ni Ganni na sobrang laki ng pamamahay na nanggalingan niya at sa isipin na may karapatan din siya roon ay nalulula na siya. May mga tanim na puno ng pine tree sa bawat panig ng bahay, kita niya rin ang maluwang na swimming pool at ilang mamahalin na sasakiyan nakaparada sa gilid. Nang dumako ang pansin niya sa kabila ay kitang-kita naman niya ang malawak na lawn na tinutubuan ng bermuda grass. Sa isip niya'y mukhang masarap mahiga roon at magpagulong-gulong. Natatawa na lamang siya sa naiisip. Dahil abala pa rin naman si Ganni sa ginagawang pag-uusisa sa bagong titirhan niya ay hindi na niya napansin na tumigil na pala sa paglalakad si Crisostomo. Dahil doon ay nabunggo niya ang likuran ng lalaki. "Opps! sorry!" kaagad niyang sabi at mabilis na napalayo. Hindi man magsalita ito ay alam niyang may sinasabi ito sa loob-loob. Typical sa mga katulad nito ang pananahimik, sa pagkakakilala niya rito sa University na pinapasukan niya ay strikto at masungit ito. Madamot din ito sa grades at nagbabagsak din ng estudyante. Kaya nga palagi siyang pumapasok dati sa subject nito dahil takot siyang ibagsak siya nito. Ayon sa mga kilala niyang nakakaranas ng ginagawa nito ay hindi basta-basta ang ibinibigay nitong removal project. "Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo, dahil gusto mo naman na ngayon mag-umpisa ay dito ko na uumpisahan. Lahat ng nakikita mo sa iyo, magkagayuman maging maingat ka palagi. Dahil isang pagkakamali mo lang maaring marami ang mapahamak," malamig nitong pangaral. Tumango na lang siya at muling sumunod na naman dito. Isang itim na kotse ang tumigil sa harapan nila. Nakita niya na isang maganda at sexy na babae ang bumaba. Medyo nagulat pa siya dahil sa biglang pagyakap at paghalik nito kay Crisostomo. Siya pa ang nahihiya sa ginawa ng babae, ngunit kataka-takang balewala lamang iyon sa lalaki. "Pasok na tayo sa loob," utos nito sa kanya. Muli ay sumunod na naman siya. "Akala mo matino, meron palang itinatagong kalandian sa loob!" tatawa-tawa naman sabi sa isipan ni Danni. Naging matagal-tagal ang biyahe nila, medyo inantok na nga ang dalaga. Ngunit hindi naman niya hinayaan na makatulog sa biyahe, dahil tila may sariling mundo ang mga kasama niya sa loob ng kotse ay inabala na lamang niya ang sarili mula sa pagmamasid sa dinadaan nila mula sa labas. Hindi na nga niya namalayan na nasa Maynila na sila, kitang-kita niya ang mga nagtatayugan na building mula sa magkabilaan. Hanggng sa napadpad ang sinasakyan nila papunta sa isang pagkataas-taas na building. Inaya na siyang bumaba ni Crisostomo, kasama pa rin naman ang babaeng nagngangalang Nemhea. Naunang tumaas ang binata, habang siya naiwan kasama ang babae. Nemhea Salvador pala ang pangalan ng babae, secretary ito ng Lolo nila. Kasalukuyan na kay Crisostomo ito nagre-report dahil naka-leave ang Lolo nila. Paano niya nalaman iyon, sobrang madaldal ito. Iyong tipong hindi naman nakakainis, kapag nagsasalita ito. Pang-iwas boredom pa nga. "Alam mo Ganni babes, hindi ko ini-expect na bataa ka na pala," patuloy pa ni Nemhea. "Bakit, ano sa tingin mo ang edad ko?" Naguguluhan tuloy siya. "Ang pagkakaalam ko kasi, mas matanda ka kay Crisostomo. You know, bata pa siya noong mawala ang Mommy at Daddy niya, kaya akala ko ikaw ang panganay. Huwag mong sasabihin kay Cris na ako ang nagsabi nito. Ikaw kasi ang legal heires ng familia." Muli ay nagulat na naman siya sa nalaman. Kaya ba abot langit kung paano siya protektahan nito dahil siya ang magmamana ng lahat. Kung tama man ang conclusion niya, bakit isasalba pa ba ni Crisostomo ang buhay niya kung maari naman na ito ang magmana sa lahat ng naiwan ng pamilya nila. Kahit paano ay tumaas ang tingin lalo ni Ganni sa lalaki. Tuluyan siyang natahimik at nangiti. Makaraan ang kalahating oras ay tuluyan lumabas sa nagbukas na elevator si Crisostomo. Napawi ang ngiti sa labi niya ng makita niyang may kasama ito, walang iba kung di si Aldwin Grendicio. "Hai! Binibining Ganni! nagkita tayo ulit," maluwang ang ngiti nito habang pinapasadaan siya ng tingin. Hindi naman siya naimik at naghintay lamang. Naguguluhan pa rin siya kung bakit magkasama ang dalawa. "Siya nga pala, kung hindi mo naitatanong ay kasosyo ng ama ko ang Lolo mo. Itinawag ng Papa na pakiharapan ko raw ang tagapagmana ng Golden Lion Mafia Familia. Kaya binabati kita ng magandang araw, patawarin mo ako sa naging asal ko noong nakaraan gabi. Kung alam ko lang ay ako pa mismo ang magbabalik sa iyo sa Lolo mo." Nakikinig lang naman si Ganni. Mukhang sincere naman ito sa paghingi ng sorry kaya tinanggap na lang niya. "For now, paghahandaan namin ang araw na pagpapakilala sa iyo. Kung gusto mong maglibot-libot, feel free to do it. May pupuntahan pa ako, hanggang sa muling pagkikita Binibining Ganni." Kinuha pa nito ang palad niya at hinalikan siya roon. Naiwan naman silang tatlo doon, sinundan naman niya ng tingin si Aldwin at napansin naman niya ang nakabendang kamay nito. Naalala niya na nagkabarilan kagabi, marahil doon ito natamaan. "Teka! sandali..." Pagtawag niya sa lalaki. Kaya upang matigilan ito. "Sa nangyari kagabi, hayaan mo babawi ako. Nasaktan ka tuloy ng dahil sa akin, s-sige iyon lang." Medyo nahiya na si Ganni dahil sa kakaibang ipinukol na titig lang naman sa kanya nito. "Wala iyon,you know the first time I saw you. Naiiba ka na talaga sa mga babaeng nakikilala ko, kaya nagustuhan kita, anyway see you again Binibini." Tuluyan na nga itong naglakad paalis kasama ang mga tauhan nito. Habang siya ay napapangiti sa naging huling pag-uusap nila nito. Sa totoo lang ay nagka-crush na talaga siya rito magmula ng gabing iyon. Bigla naman nakarinig ng pagtikhim mula sa likuran niya si Ganni, nang lingunin niya ay si Crisostomo pala iyon. "Halika na at marami pa tayong dapat asikasuhin, mamaya mo na namnamin ang naging pag-uusap niyo ni Aldwin. Payo ko lang sa iyo, kahit may gusto ka sa kanya ay huwag mo masiyadong ipahalata, mag-iingat ka rin dahil madulas sa babae ang isang iyon." Bigla-bigla ay pinamulahan si Ganni. Naiirita tuloy siyang sinagot ito. "Uy! hindi naman, si Kuya 'wag kang ma-issue!" Tuloy-tuloy na sa paglalakad si Ganni. Ngunit bigla siyang napabalik ng may sinabi pa ito. "Don't call me Kuya again, Crisostomo na lang. Mas mukha ka pang matanda sa akin para tawagin mong Kuya." Pagkasabi niyon ay ito naman ang tuluyan nang-iwan sa kanya. Malakas na halakhak na lang ang ginawa niya. Siya, mas ma-edad pa tignan! loko talaga. Kung hindi lang sinabi nito na magkapatid sila ay iisipin niyang pinagseselosan nito si Aldwin. As if naman magkakagusto ito sa kanya. Teka! bakit biglang sumagi iyon sa isip niya. Nawawalan na talaga siya ng bait!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD