Kabanata 8

4367 Words
Naalimpungatan si Raven nang maramdaman niya ang sikat ng araw na tumatama sa kan’yang mukha. Babangon na sana siya ngunit napasinghap siya nang mapansin niya ang pares ng mga matang nakatitig sa kan’ya. “Ba’t nandito ka?!” gulat nitong tanong at lumayo ng kaunti. “This is also my room, woman,” sambit ni Zane na nakasandal sa may headboard ng kama. “O-Oo nga. P-Pero…” “I should be the one asking that. What are you still doing here in my room? Nawala ako ng ilang araw, akala ko pinili mo nang sumama at makitulog kay Helius?” Napakagat-labi si Raven at nayuko. “E-Eh k-kasi, mas komportable ako rito. M-May mga kasamang tauhan si kuya roon sa kuwartong tinutulugan niya k-kaya mas pinili kong dito na lang.” “Good choice. Just stay here,” sabi ni Zane at mahinang tinapik ang ulo ni Raven. “P-Pero nandito ka naman na kaya doon na lang ako kay kuya mamaya at---” “You’ll leave your husband here?” “H-Huh?” nagulantang na tanong ni Raven. “Sleeping here in my room is much safer. Stay here as this is also your room..” “A-Ano bang sinasabi mo? ‘D-Di ba nga pumayag ka nang pumirma tayo ng annulment? K-Kaya aalis din ako---” “I changed my mind. There’ll be no annulment to be processed. And you’ll stay here as my wife.” “H-Huh? Pero sinabi ko naman na sa ‘yong ayoko rito---” “Puwede mong gawin ang mga ginagawa mo rati. Go to school, modelling, go out with your friends---” “Talaga?” natutuwang tanong ni Raven. “However, you’ll stay as my wife.” “A-Ano?” Tumayo si Zane mula sa kama bago lumingon kay Raven. “Fix yourself. I already talked to your brother earlier while you’re sleeping. Mamaya ay ihahatid ng mga katulong ang mga damit at gamit mo.” “A-Anong ibig mong sabihin?” “You’ll go to your school today.” Nagulat si Raven sa kan’yang narinig. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero hindi niya pa rin matanggap na hindi pa rin siya malaya sa pagiging asawa niya. Gusto pa sanang kausapin ni Raven ang asawa nang tuluyan na itong nakalabas. Maya-maya lamang ay may pumasok na mga katulong bitbit ang mga gamit niya sa eskuwela at uniform niya. “Ma’am Raven, ito na po ‘yong mga damit at gamit niyo. ‘Wag kayong mag-alala dahil inayos at nilabhan na namin ang mga ‘yan,” sabi ng isang katulong. “Ito ‘yong bag at mga notebook ko, ah? Nandito rin ‘yong laptop ko. Ito rin ‘yong mga uniform ko. Pa’nong napunta itong mga ‘to rito?” gulat na tanong ni Raven habang isa-isang hinahawakan ang mga gamit niya. “Inuwi po ni Sir Helius kagabi at pinaayos sa amin.” “Si Kuya? Ibig sabihin, bumalik siya sa bahay namin para kuhanin ‘tong mga ‘to?” Ngumiti lamang ang mga katulong bago sila umalis. Napangiti si Raven habang pinagmamasdan ang kan’yang uniporme. Ngunit hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng kaba lalo na’t hindi nila alam kung saan nagtatago ang kanilang ama. Pinilit niyang ngumiti at pagaanin ang kan’yang loob bago siya tumayo’t nagsimulang mag-ayos ng sarili. Makaraan ng ilang minuto ay natapos na itong nakapagbihis suot ang kan’yang uniporme. “Oh my! Parang ilang taon akong nawala. Na-miss kong isuot ‘tong mga ‘to,” sambit ni Raven sa kan’yang sarili habang pinagmamasdan ang kan’yang kabuuan sa harap ng salamin. Maya-maya ay pumasok ng kuwarto si Zane dala-dala ang isang paper bag. “Get this.” “Ano ‘yan?” “Your new phone.” Tinanggap naman ni Raven ‘yon at inilabas ang isang cellphone mula ro’n. “Talaga? Ibibigay mo sa ‘kin ‘to? Mahal kaya nito.” “It’s yours. Nilagay ko na ang contact ko d’yan. Always call me when there’ll be a problem.” “Thank you. Sa wakas, matatawagan ko na ang mga kaibigan ko.” “Finish up. Your brother’s waiting for you downstairs. Eat your breakfast since you haven’t eaten anything last night.” “Sige, susunod ako,” masayang sambit ni Raven. Lumapit naman sa kan’ya si Zane at natuod siya dahil sobrang lapit nila sa isa’t isa. Ang buong akala niya’y may gagawin itong masama sa kan’ya pero inayos lang nito ang butones ng kan’yang uniporme at kuwelyo. “You look great,” komento ni Zane sa kan’yang asawa. Namumula namang napatalikod si Raven mula sa kan’ya. “T-Thank you.” “I need to go. I’ll see you later at dinner.” “Aalis ka?” “Yeah. I have some important business to do.” “B-Babalik ka?” “As I told you, I’ll see you later at dinner. Don’t worry, I’ll be back.” “S-Sino namang nagsabing mag-aalala ako sa ‘yo? Kahit ‘wag ka nang umuwi, d-do’n ka na lang sa babae mo,” nauutal na sabi ni Raven. “What are you talking about? You’re like your brother. Wala akong ibang babae,” kalmadong sagot naman ni Zane. “Anong wala? Sinabi na nga ng tatay mo na iniwan mo raw ‘yong babae mo kahapon.” “What?” “Pinapirma mo pa ako ng marriage certificate tapos may iba ka naman pa lang kinikita. Bakit hindi ‘yon ‘yong niyaya mong pakasalan? Baka sakaling sa simbahan pa kayo at mas bongga pa. Tapos ayaw mo pang ituloy ‘yong annulment natin, ano bang nangyayari---” Hindi na natuloy pa ni Raven ang sinasabi niya ang hapitin siya ni Zane at walang ano-ano’y siniil ito ng halik. Gulat na gulat si Raven at natuod sa kan’yang kinatatayuan hanggang sa bitawan siya ng asawa niya. “Don’t suspect me like that. You’re my only woman and wife.” Nagtama ang kanilang paningin dahilan para pumintig nang napakabilis ng kan’yang puso. Muling hinalikan ni Zane ang kan’yang asawa ngunit sa kan’yang noo na lamang. “Good luck in your school. Don’t forget to call me.” Umalis na si Zane habang nananatiling tulala si Raven. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Natauhan na lamang siya nang kumatok ang isang katulong upang sabihin na hinahanap na siya ng kan’yang kapatid. “S-Sandali lang, susunod ako.” Pilit na isinawalang-bahala ni Raven ang nangyari bago niya kuhanin ang kan’yang mga gamit at tuluyang bumaba. Naabutan naman niya ang kan’yang kapatid na kumakain sa may hapag kasama ang ilang tauhan. “G-Good morning.” “Good morning, ba’t ba ang tagal mo? Eat your breakfast bago tayo umalis.” Umupo na sa si Raven sa tabi ng kan’yang kapatid. Bumati rin sa kan’ya ang ilang mga tauhan. Tahimik lang din itong kumakain ng kan’yang almusal. “Anong problema? Kanina ka pa tahimik. Pansin ko rin na namumula ka. Nilalagnat ka ba? Kung gano’n, kahit ‘wag ka nang pumasok at---” “Papasok ako, Kuya. N-Naiinitan lang ako.” “Sigurado ka?” tanong ni Kian at tumango naman ang kan’yang kapatid. Wala namang problema sa kan’yang may mga kasabayan sila sa almusal lalo na’t nasanay na rin siya. Nakilala niya rin ang iba rito at nakasundo. Pagkatapos nilang nag-almusal ay kaagad din silang umalis. Kinakabahan ngunit masaya si Raven dahil muli na naman siyang makakalabas sa ilang araw niyang nanatili sa mansyon. “Kuya, ba’t nga ba pumayag ka na pumasok muli ako? Lalo na’t ‘di pa natin alam kung nasaan si Dad,” tanong ni Raven sa kapatid. “I want to see you on stage, receiving your high school diploma. It’s your stepping stone to achieve your dream, right?” Natuwa si Raven sa kan’yang narinig. “Thank you, Kuya. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya dahil makikita ko na rin ang mga kaibigan ko. Tiyak kong hinahanap na nila ako. Pero magiging ligtas naman, ‘di ba?” Natahimik si Kian ng ilang segundo kaya naman nakaramdam ng pag-alala si Raven. “Yes, you will. We will be your shadows. Walang makakapanakit o makakagawa sa ‘yo ng masama,” seryosong sabi ni Kian. “Lalo na ngayon na alam ko na kung saan nagtatago si Dad.” “Y-You know? Nasa’n siya ngayon?” Napabuntong-hininga si Kian at ngumiti. “You don’t need to know. Focus on your school. Ako na ang bahala sa kan’ya.” “P-Pero…” “Huwag kang gagawa ng bagay na ipag-aalala ko, Raven. Pumayag ako rito dahil may karapatan ka pero ‘wag kang lumapit sa gulo kahit na kailan. Dad can’t do anything to you anymore, so just focus on your studies. Kami nang bahala sa kan’ya.” Sa buong biyahe ay tahimik lamang si Raven at malalim ang kan’yang iniisip. Naiisip niya kung ano na ang kalagayan ng ama niya at saan na ito ngayon. Idagdag pa ang pananatili niyang kasal kay Zane. “Raven, we’re here. Ayos ka lang ba?” Nagising ang diwa ni Raven at napatingin sa may labas. Bumalik ang tuwa sa kan’yang mukha nang muli niya masilayan ang naglalakihang gusali ng kan’yang pinapasukang paaralan. Kinuha niya ang kan’yang bag at kaagad na bumaba mula sa kotse. “I’ll come with you. I need to talk to someone else.” “Sino naman, Kuya? ‘Yong dean ba namin?” “Yes. May kailangan lang akong sabihin,” sagot naman ni Kian at tumango naman ang kan’yang kapatid. May ibang hinala si Raven pero mapagkakatiwalaan niya ang kapatid niya. Sa nagdaang araw na sila lamang ang nagkasama ay unti-unti niyang nalaman ang koneksyon ng kapatid niya sa pamilya Fuentes. Isa na roon ang malalim na pagkakaibigan nito kay Zane at pananatili niya sa pamilya sa loob ng mahigit limang taon. Nalaman niya rin na may mga pinatay din ang kan’yang kapatid na talagang ikinatakot niya. Pero unti-unti ay tinanggap pa rin ito ni Raven kahit na nangangamba siya sa kahihinatnan ng kan'yang kapatid. Sa kabila ng kanilang pag-uusap ay nagulat si Raven nang may biglang yumakap sa kan’ya. Na-alerto ang ilang tauhan na kasama nila pero sinenyasan kaagad ito ni Kian. “Oh my gosh! Raven! You’re really back! I miss you!” “Kyla!” natutuwang sigaw din ni Raven at niyakap ang kaibigan. “Na-miss din kita!” Lumuluhang tumingin si Kyla sa kan’ya. “A-Akala ko nagjo-joke lang ang Kuya Kian mo pero totoo pala talaga. At masaya akong makita kang ligtas.” “Nagka-usap kayo ni Kuya?” Pinunasan ni Kyla ang mga luha niya. “Oo, pinuntahan niya ako sa bahay namin kagabi just to inform me about you.” “T-Talaga?” “Yeah. Ang weird nga eh kasi---” “Girls, I think you need to go bago pa kayo ma-late sa klase niyo,” pagsingit ni Kian sa kanilang dalawa. “Oh gosh! Oo nga, baka ma-late pa tayo. We need to go, Raven. I’m pretty sure na magugulat ang mga kaklase sa pagbabalik mo lalo na ‘yong isa do’n,” sabi naman ni Kyla at hinila na si Raven. “Bye, Kuya Kian.” Hindi na nakapagpaalam ng maayos si Raven dahil hinila na siya ni Kyla. Nawala naman ang ngiti ni Kian at napamasid bago ito naglakad papasok sa gusali kung saan niya makaka-usap ang dean ng eskuwelahan. Sinenyasan niya ang mga kasamahan niya na huwag maging kahina-hinala at umakto ng maayos. Nang makarating na sila sa opisina ng dean ay kaagad itong kumatok. “Come in.” Pumasok na si Kian sa loob at iniwan ang mga kasamahan niya sa labas upang magbantay. Prente siyang umupo sa may harapan ng dean. “You’re here. It’s been a while, Mr. Fontana.” “Good day. Ikaw rin, Dean Adler. You still look good with your iconic bald head,” sarkastikong pagbati ni Kian sa Dean. Nawala ang ngiti sa mukha ng Dean. “You haven’t change, Mr. Fontana. So, what brought you here? Wala ka naman dito para manggulo lang, ‘di ba? By the way, nasa’n na ‘yong matalino mong kapatid? Nahanap na ba? Balita ko ay nadakip daw siya. Totoo ba o tumatakas lang sa eskuwela kagaya mo?” “Of course she’s doing great. In fact, pumasok na siya ngayon.” “Really? Then I need to talk to her. She was supposed to be a candidate for being the valedictorian of her batch. Pero dahil sa one week absence niya, nasira ang class standings niya according sa mga instructors niya. We were shocked when we learned about her being involved in the abduction case, however, it was said that it was fake news to make a reason for her not to come to school. Bagsak na siya at ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang last examination,” sabi ng Dean. Sarkastikong natawa naman si Kian at pinagsaklob ang kan’yang mga kamay. “Really? That is too sudden. Hindi ko alam na ikababagsak na pala ng kapatid ko ang pag-absent ng isang linggo.” “Of course it is, Mr. Fontana. She had a lot of missed activities, projects, researches, and quizzes. Sa tingin mo, pa’no pa makakahabol ang kapatid mo sa rankings?” Mahinang natawa si Kian at napatayo mula sa pagkakaupo. “Oh, really? Then I want to hear from the instructors personally and not from someone like you. Kilala ko ang mga nagtuturo rito at hindi sila basta-basta nangbabagsak ng kanilang estudyante. Hindi sila basta-basta nabubulag sa pera kagaya mo. They are chosen personally by the school owner. But I really still can’t believe that Mr. Macario still trusting someone like you.” “Don’t be rude, Mr. Fontana. Of course, I’m the most trusted man of Mr. Macario. He’s sick and needs to be treated on the other country. At sa akin niya ipinagkatiwala ang paaralang ito,” matapang na saad ng Dean. Ngumiti ng malawak si Kian at biglang inilabas ang baril bago itinutok kay Dean Adler na nagulat. Ikinasa nito ang baril at mas inilapit sa kaharap niya. “W-What do you think you're doing, Mr. Fontana?” “I just wanna test my new gun on you,” sarkastikong sagot ni Kian. “Oh, by the way, gusto kong sabihin sa ‘yo na magaling na si Mr. Macario mula sa ginawa mong panglalason sa kan’ya and he’s back in the country, kicking alive.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Dean Adler. “W-What do you mean? W-What are you even talking about?” Napatingin sa kan’yang relo si Kian bago itinago ang kan’yang baril. “I need to go. They’re here.” “W-What? Sino? Hey! A-Anong nangyayari?” “It’s nice to see you again, Dean Adler. Hindi ko makakalimutan ang mga kahayupang pinaggagawa mo no’ng ako ang estudyante rito. Hindi lang sa ‘kin, kun’di pati na rin ang ibang estudyanteng ninakawan mo ng dangal at pangarap. Ngayon, hindi mo na ulit magagawa ‘yon sa kapatid ko,” sabi ni Kian bago niya tinalikuran ang matanda. “Hey!” Napatigil si Kian bago muling humarap kay Dean Adler. “By the way, Hawkeye is watching you. Don’t do something unnecessary and reckless actions kung ayaw mong magkalat ang utak mo sa opisinang ito. Be obedient and surrender yourself.” Tuluyan nang umalis si Kian at naiwan ang Dean doon na takot na takot. Nakasalubong nila ang hinihintay nilang si Mr. Macario na nagmamay-ari ng prehistiyosong paaralan kasama ang ilang kalalakihan. “Where’s that bastard?” “That bald bastard is in your office. He might gonna pee his pants anytime,” natatawang sambit ni Kian. Tinapik ni Mr. Macario ang balikat ni Kian. “Ako na ang bahala sa kan’ya. Ako na ulit ang humihingi ng pasensya sa ginawa niya sa ‘yo noon. I really had no idea. Don’t worry, I’ll make sure that your sister will graduate safely.” “Thank you, Mr. Macario. I really appreciate it.” “And also thanked Zane for me.I hope to meet him again for a cup of coffee someday. Kung hindi dahil sa kan’ya, hindi ko pa malalaman na matagal na akong minamanipula ni Adler.” “Kilala mo naman ang isang ‘yon. He’ll do anything to help someone important to him,” sabi ni Kian. “I need to go. Take care of my sister. I know she won't be bothered if she isn't already at the top of her class. She understands what it means to be fair and square.” Ngumiti si Mr. Macario. “I know. She’s just like you.” Sa kabilang dako naman ay tuwang-tuwa si Raven na makita ang mga kaklase at iba pa niyang kaibigan. Sinalubong siya ng yakap at pagbati mula sa mga ito. “Grabe! Isang linggo kang nagbakasyon,” sabi ng isang kaklase niya. “Wala pang graduation pero napaaga ang bakasyon mo, girl!” sambit naman ng isa pa niyang kaklase. Naguguluhang napatingin si Raven sa kaibigang si Kyla. Lumapit naman sa kan’ya si Kyla at bumulong. “They don’t have any idea about your kidnapping case. Ang alam nila ay nagbakasyon ka lamang. Ang tanging nakakaalam lang ng totoo ay ang mga dumalo noon sa debut mo.” “G-Gano’n ba? Mabuti na ring gano’n para hindi na sila gaanong mag-isip,” sabi ni Raven. “Nasa’n na nga pala—” “Raven ko!” Natigilan ang lahat nang pumasok ang isang lalaki na akmang yayakap kay Raven kung hindi lang humarang si Kyla. “Apollo!” natutuwang pagtawag ni Raven sa lalaking dumating. “Ba’t ngayon ka lang nagpakita? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala sa ‘yo? Pinaghahanap din kita sa kahit saan. Wala ka na rin sa bahay mo. Sa’n ka ba nagpunta? Kumusta ka na? Hindi ka naman siguro sinaktan ng mga hayop—” “Apollo, calm down. ‘Wag mong ungkatin ang bagay na ‘yan dito,” sabat ni Kyla. “Oh, yeah. Sorry…” sambit ni Apollo bago muling napatingin kay Raven. “Ayos ka na ba?” “Thank you sa pag-aalala. Maayos na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala.” “Nagugutom ka ba? Ito oh, may binili akong sandwich sa cafeteria.” “Thank you pero busog na kasi ako,” sabi ni Raven at ngumiti. Natigilan naman si Apollo at pinagmasdan ang kabuuan niya. Napangiti si Apollo at pinagmasdan siya. “I’m glad to see you again. I really missed you. P-Pero sana nga ay nasa mabuti kang kalagayan ngayon.” Napansin ni Raven ang biglang pag-iiba ng mukha ni Apollo. Napansin nitong nakatingin siya sa suot niyang singsing kaya naman kaagad niya itong tinakpan. “U-Upo na tayo. Baka dumating na rin ang instructor natin,” sabi ni Raven. Pagkaupo nila sa kanilang mga upuan ay may pumasok muli sa kanilang classroom at binati si Raven. Pero ang kaibahan lang ay ngayon niya lang nakita ito. “Yo! We met again…” saad ng isang bagong pasok na babae. Nanlaki ang mga mata ni Raven nang makilala niya ito. “Y-You…” “Magkakilala na kayo?” tanong ni Apollo. “A-Ah, k-kasi…” “Hindi ko alam na magkakilala kayo nitong transfer student,” sabi naman ni Kyla. Nangunot ang mga noo ni Raven. “T-Transfer student? End of school year na, ah?” Natawa naman ang babae. “Actually, we just met in an unexpected place. Hindi talaga kami magkakilala. But I already know her because of my twin brother.” “T-Twin brother?” “Oh, you didn’t know?” nagtatakang sabi ng babae. “Hey! Why didn’t you tell her about me?” “H-Huh? Eh kararating ko lang, hindi ko naman alam na magkakilala kayo,” sagot naman ni Apollo. Naguguluhang napatingin si Raven kay Apollo. “K-Kambal mo siya? H-Hindi ko alam na may kapatid ka pala.” “S-Sorry, babes. H-Hindi ko naman inaasahan ang pag-transfer nitong babaeng ‘to eh. Ipapakilala ko rin naman talaga siya kung nagkataon pero…” “Babes? The hell, brother? What kind of endearment is that? As far as I know, ilang beses ka na niyang binusted.” “Shut up! It’s none of your business.” Napasinghap ‘yong babae bago mas lumapit kay Raven. “Mukhang ayos ka na kumpara sa huling kita ko sa ‘yo. By the way, I’m Artemis. I’m Apollo’s twin sister. It’s nice to see you again, Raven. Or should I say Mrs. Fuentes?” Nagulat si Raven sa huling linya ni Artemis. Hindi niya lubos akalain na may nakakaalam ng tungkol sa bagay na ‘yun. Napalingon siya sa iba nilang kasama pero laking pasasalamat niya nang hindi nila ito narinig. Magsasalita na sana si Raven nang biglang dumating ang instructor nila kaya naman nagsi-upo na ang lahat at nawalan siya ng tsansang maka-usap si Artemis. Sa nagdaang mga klase ni Raven ay binati siya ng mga instructors niya na ‘tila walang nangyari. Normal at wala ring kakaibang nangyayari sa paligid niya. Pati ang mga kaibigan niya ay nananatiling kalmado. Pero hindi niya pa rin maiwasang mapasulyap sa puwesto ni Artemis na para lamang isang normal na estudyante. “Babes! Lunch na, tara na cafeteria. Nagugutom na ako,” pag-aya ni Apollo. “Stop calling her that nga. Nakaka-cringe kaya. Ilang beses ka na nga niyang binusted, hindi mo pa rin siya tinitigilan,” sabat naman ni Kyla. “Eh ano bang paki-alam mo? Kahit ilang beses ko pa siyang tanungin ng tanungin, hindi ako magsasawa.” “Bahala ka sa buhay mo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. At isa pa, alam mo namang may nanliligaw na sa kan’ya.” “Sino? ‘Yong model na ‘yon? ‘Yong escort niya no’ng debut? Sus! Hindi naman uubra sa ‘kin ‘yon. Mas guwapo pa paa ko sa pagmumukha niya,” mayabang na sabi naman ni Apollo. “Napakayabang mo talaga.” Nakikinig lamang si Raven kila Apollo at Kyla ngunit hindi niya maalis ang tingin niya kay Artemis. Gustong-gusto niya itong kausapin pero hindi niya alam kung papaano lalo na’t kasama niya ang mga kaibigan niya. “Raven, ano? Tara na?” tanong ni Kyla sa kan’ya. “P-Puwedeng mauna na kayo? Susunod na lang ako. Ipag-order niyo na lang din ako,” sabi ni Raven. “Kung gano’n, ako na ang bahala sa pagkain mo. Bibilhin ko ‘yong pinakamahal at pinakamasarap. Libre ko na ‘yon sa ’yo, babes,” sambit naman ni Apollo. “Susunod ka, ah?” “Oo, may aayusin lang ako,” sagot ni Raven kay Kyla. Nang makaalis na sila Apollo at Kyla ay napatayo si Raven at naglakad palapit sa puwesto ni Artemis. “Puwede ba kitang maka-usap?” “Sure. Dito ba?” “Hindi, do’n tayo sa rooftop.” Nagpunta ang dalawa sa rooftop. Pinapakiramdaman nila ang isa’t isa at nananatili lamang na tahimik. “Didiretsuhin na kita, anong ginagawa mo rito? Anong binabalak mo?” kaagad na tanong ni Raven pagkasara niya ng pintuan ng rooftop. Natawa naman si Artemis. “Oh, you look brave. Hindi gan’yan ang huling pagkakita ko sa ‘yo.” “I know you’re up to something. It will be the end of the school year in a few weeks, but you still enrolled here. Pa’no ka natanggap sa school namin? Anong binabalak mo?” matapang na tanong ni Raven. Napatitig si Artemis kay Raven bago ito ngumiti. “You’ve changed. The last time I saw you, you were like a helpless bird in a cage. Ang pananatili ba sa mga Fuentes ang bumago sa inosenteng katulad mo?” Napakuyom ng kamao si Raven. Hindi niya lubos akalain na muli niyang makikita ang babaeng naka-usap niya noong siya’y nadakip at ginawang pa-premyo sa isang underground fight. “Ano pang alam mo? Bakit ‘tila alam mo ang mga nangyari sa buong linggong pagkawala ko? Sino ka ba talaga?” tanong ni Raven. “Actually, wala naman talaga akong balak sa ‘yo eh. I just came here for my brother.” “May alam ba si Apollo?” Napabuntong-hininga si Artemis. “None. He knows nothing about the mafia or other criminal organizations. That is why I have come. I'm sure Apollo will be more attached and attentive to you once you return, especially since you're now the wife of the Fuentes family's heir. Ayokong madawit ang kapatid ko sa mundong ginagalawan natin.” “Pero bakit alam mo ang bagay na ‘yan? Sino ka ba talaga? Alam kong hindi lang ang kapatid mo ang pakay mo rito.” Natawa si Artemis at tinapik ng mahina ang balikat ni Raven. “You got me. I’m not here just for my brother. I know that he can protect himself.” “Kung gano’n, ano ngang pakay mo rito?” “Ikaw…” “A-Ako? Anong binabalak mo sa ‘kin? Papatayin mo ba ako?” “Supposedly yes.” Nagulat si Raven at napatitig kay Artemis. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I was sent here to kill you, but I can’t do that right now. Mukhang naunahan ako ng kapatid mo.” “A-Ano?” “Sa mga oras na ito, maraming nakamanman at nakabantay sa ‘yo. And anytime, I’ll be shot dead by now.” Napamasid si Raven sa paligid pero wala siyang makita o maaninag na kahina-hinala. Wala rin siyang ideya na may nakabantay sa kan’ya. “Sinong nag-utos sa ‘yo na patayin ako?” “Oh, it’s my Dad.” “D-Dad? Anong ibig mong sabihin?” “I thought you were smart. You already know my brother, but you are still unaware of his family,” natatawang sabi ni Artemis. “Okay, I’ll introduce myself again. My name is Artemis Donato. Apollo’s twin sister. And the mafia boss’ daughter of the Donato family. Nice to meet you, Mrs. Fuentes.” “A-Ano? Donato…” naguguluhang sambit ni Raven at bigla niyang naalala ang ilang beses na pagbanggit ng pamilyang ‘yon ng kan’yang asawa. “T-Then, you are…” “Yes, that’s right. We are the sworn enemy of your new family, Raven.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD