Ilang sandali pa lamang ay mula sa malayo ay natanaw niya ang isang may kalakihang antique na bahay. May kalumaan man ito ngunit alam niyang matibay ang pagkakagawa lalo na ang kalidad ng kahoy na ginamit sa pagpapatayo nito. Hindi niya maipagkakailang hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng isang matandang lalaki na nakalahad ang kamay nito. Bumalik lamang siya sa reyalidad ng magsalita ito. "Maaari mo bang ipakita sa akin ang iyong selyo upang makapasok ka rito. Bago ka lamang ba rito bata?!" Seryosong saad ng nasabing matandang lalaki habang hindi nito mapigilang magtanong sa huling pangungusap nito. Natigilan na lamang ang binatang si Evor sa kaniyang kinatatayuan na halatang nagulat ito sa paglitaw ng matandang lalaki na halos pinaglipasan na rin ng panahon. Lumang-luma na

