Makalipas ang ilang segundo ay napatawa na lamang ang nasabing lider ng kalalakihan nang wala itong mapansing pagbabago o anumang paglitaw ng nasabing nilalang sa ere na siyang ikinahalakhak naman ng mga miyembro nito. "Hehehe... Mukhang hindi ka ata maalam gumamit ng summoner's ball mo totoy?! Ano'ng karapatan mong manggulo rito, ha?!" Sambit ni Demosthenes habang humahalhak ito ng malakas. "Tama nga ako ng hinala sa binatang iyan?! Isa lang pala itong kalokohan lalo na sa tila feelingerong bayani na ito!" Walang pakundangang wika ng isang miyembro ng grupo ng kalalakihang ito. Halatang parang meron itong instinct na hindi nito mawari ngunit alam niyang totoo ang mga impresyon niya. "Sinabi mo pa, masyado atang makapal ang pagmumukha niya upang i-delay tayo sa pagkuha ng pesting summo

