Carl James Para akong nabatobalani sa kagandahan ng asawa ko. Napangiti ako ng matitigan ang mukha nya, gulo ang buhok at nagkalat sa kanyang mukha ang kanyang make up.. Pero imbes na ma turn off, heto ako't walang kasawa sawa syang tinititigan.. "Why Ash... Bakit biglang bigla nakita ko nanaman siya sa katauhan mo?" Napahinga ako ng malalim.. Alam ko naman imposible iyon.. Lasing pa ata ako.. Minsan hindi kona rin maintindihan ang sarili ko, sa sobrang pagkakahumaling ko ba kay Ysha ko, kaya sa tuwing makakakita ako ng nahahawig nya o, may pagkakatulad sa kanya ay bigla nalang akong nawawala sa sarili? But no, ngayon palang naman ako nagkaganito, ngayon ko lang naramdaman naman ito bukod kay Ysha ko.. Naguguluhan tuloy ako ngayon kung kaya ko pa bang ituloy ang pakikipaghiwalay s

