WHAT ABOUT Lara? Bakit biglang nabanggit ng estrangherong ito si Lara?
"Yeah? What about her?" I asked him. Ayoko na sanang magtagal kasama siya, but he said something that piqued my interest.
"Well," nagkibit balikat ito. "Do you like Silver?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Wow, what an insult!
"Just tell me what do you want please? I need to go," pagmamadali ko dito dahil nakakairita na siya.
"I don't need money. I have tons of it!" He chuckled then.
Nagtatakang tinignan ko ito. Oh, he is starting to creep me out!
"Then what do you want? I don't make out with strangers," sabi ko agad sakanya para tumigil na. "I can only pay through money—"
"Help me," pilit pa nito.
Napairap ako. Hindi pa nga ako tapos magdamdam sa ibang bagay, then a stranger is asking for too much already!
"Hindi ba ay gusto mo si Silver?
"I don't like Silver," tanggi ko sa paratang niya.
"Oh, I saw the opposite... Mukhang gusto ka niya, at gusto mo rin siya—"
"Excuse me!? That person has a girlfriend!" Punto ko dito. "So please, kung ganito lang ang pag-uusapan natin ay mauuna na ako—"
"Take care of Silver... I will take care of Lara," he revealed what he wanted.
Napahinto ako sa sinabi nito at nagtatakang tinignan siya. What?
"What... what do you want me to do?" What does he mean by take care of Silver?
"You see... I like Lara," he confessed on me.
I was shocked. I.. didn't expect that he likes Lara! At bakit niya sakin sinasabi ito?
"Well... That's fvcked," I commented. "May boyfriend si Lara. A long time boyfriend."
"Then do something about his long time boyfriend," kibit-balikat nito sakin. "Let's help each other. Distract Silver, and I am going to steal Lara."
Lalo atang bumagsak ang panga ko sa gusto niyang mangyari. The hell!?
I am a b***h right now because I have the reason—hindi si Silver ang nandito ngayon! Pero ibang usapan si Lara!
Lara is commited to someone! Then Francis is going to steal her away?! Paano pagbalik ni Silver? Silver is my friend!
I like Silver—but I don't want his life ruined!
"You cannot do that!" Iling ko dito. "You're going to sulot Silver's girlfriend!"
"And you are going to sulot Lara's boyfriend!" Nakangising punto nito at sumandal sa pader.
He closed his eyes with a smile.
"Hindi ka ba pagod sa pagiging masokista? This is a perfect opportunity for us! When I saw how Silver looked at you... Then I knew, this plan will work well."
Inilingan ko siya. We have a different situation! Hindi ko maatim ang pinagsasasabi ng lalaking ito!
"I don't like your plan. I'm sorry..."
"Don't you like him, Cara? I am going to help you. Ilang taon na si Silver at Lara.... and I am so tired of this one sided love—"
"You sound so obsess," natatawang asar ko sakanya.
I remember Sebastian. Our past.
TWO YEARS AGO
NALUKOT ANG MUKHA ko noong magising na may tali sa katawan. My mouth opened in fear, hindi alam ang gagawin.
Gusto kong sumigaw—but it's obvious that I am kidnapped!
Kinakapa ko ang nangyari. I am with Silver at a party... Tapos... Hindi ko na alam!
Unti-unti kong ini-angat ang ulo para tignan ang paligid.. and I was horrified when I saw Sebastian in front of me!
"S-Sebastian..." I stuttered in fear.
He doesn't have any expression. Tahimik at diretso ang titig nito sakin. Heartless. Cold.
Nakaupo ito sa harapan ko. Parang konting kibot ko lang ay... may hindi magandang mangyayari.
I was in fourth year college when the worst happened between us. Pinatawad ko na siya sa pagpapanggap bilang si Silver! Akala ko ay may hiya pa siya, pero nagkamali ata ako! He have the audacity to kidnap me!
"Sebastian, ano na naman 'to? Akala ko lalayuan mo na ako? My dad will not like this!" Mabilis na banta ko sakanya.
Dumaan ang sakit sa mata nito. He looked so hurt that I felt guilty—pero bakit ko kailangan makaramdam ng ganon?! He should feel worst than me!
"Cara, bakit hindi ako?" Sebastian started.
Natahimik ako sa tanong nito.
"I am trying to contact you, Cara. Did you really forgive me? Kung napatawad mo na ako, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"
Wala akong naramdaman na kahit ano kay Sebastian kung hindi takot at awa. Takot sa baka kung ano ang gawin niya... At awa... dahil... sa nararamdaman niya.
"Did you see a doctor, Sebastian?"
"Wala akong problema sa utak, Cara!" Pilit pa nito, namumula na ang mukha. "I tried my best to get your attention! I am shooting my shot as Sebastian, pero bakit hindi mo ako pinagbibigyan? Magkamukha lang kami ni Silver—"
"Stop it!" I shrieked. Can he hear himself? "I am not responding Sevi because we are not friends anymore! You fooled me!"
Nakakatakot na ganito ang tono at pananalita niya!
"But you forgive me!" Aniya, tila hindi pa rin makuha ang punto ko. Sinabunutan nito ang buhok niya at yumuko.
He is moaning in annoyance. Para siyang bata na umuungot kaya muli akong nakaramdam ng panganib.
"Sebastian..." I muttered to calm him down. The last thing that I wanted to do is... piss him.
Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari dito... na kaming dalawa lang.
Maya-maya ay nag-angat na siya ng tingin, namumula ang mata nito.
"Paano ako babawi niyan kung iiwasan mo ako?"
"Babawi!? I am tied up here, Sebastian! Tapos bumabawi ka!?" Gigil na sigaw ko dito. "Gusto mo bang ipakulong kita!? I forgive you once, but if you repeat it—bahala na ang ama ko sayo!"
Dumaan ang takot sa mata ni Sevi, tapos maya-maya ay napailing.
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa kuya ko. He... is just him. But I am your classmate, Cara... I am your boyfriend as Silver. Lahat ng iyon ay hindi kaya ni Silver. I can do that—"
"Stay away from me!" Sigaw ko dito. "Kahit kailan ay hindi ka magiging si Silver, at kahit anong mangyari, hindi kita mamahalin bilang si Sebastian! Kaya ngayon, pakawalan mo na ako!"
I was horrified for a bit when he stood up and close the distance between us.
"Hindi... kita papakawalan. You... will love me, Cara. Kaya mo akong mahalin. Galit ka lang. Wag kang ganyan..." He said like convincing himself!
It was so creepy for me. Tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Hindi ka ba naaawa sakin?" I hope my eyes can make him soft! Ayoko dito!
Natigilan ang galit niya sa mata at saglit na lumambot ang ekspresyon–but it came back to his usual creepy eyes.
"Ikaw, hindi ka ba naawa sakin, Cara? I am tired loving you from afar," pagsusumamo nito. "Lingunin mo naman ako... I can love you better than Silver—"
"Are you sure that what you feel is love, Sebastian?"
IPINIKIT KO ANG mata at umiling. Hindi ko makakalimutan ang halos isang linggong pagkuha niya sakin para lang... mahalin ko ito.
Sebastian and I were friends from elementary to college. That much time. Wala talaga akong pakialam sakanya noong elementary dahil nga nerd siya—pero sunod ito ng sunod, and that's how we become close.
I consider him my friend when we are in high school.
Then when I step up in college, doon ko nalaman ang existence ni Silver. I am so crazy over him and made Sebastian everything para mapansin ako ng kambal nito na si Silver.
And I thought it happened! Akala ko ay si Silver ang dine-date ko! But it was Sebastian! Niloko ako nito for almost a year and a half acting like his brother!
After that, our friendship was ruined. Then he kidnapped me... and the worst happened.
"I am not obsessed," he said. "Paano malalaman ni Lara that there is a better man aside from Silver kung nakakulong siya sa relasyon nilang dalawa?"
Now, Francis is really obsess! His principle is... too much!
"Ayokong sirain ang relasyon ni Lara at Silver." I simply said.
"But Silver likes you," punto niya pa ulit. "And I know you like that man—"
"Sino ka para pangunahan ako? I don't like that man!" Sigaw ko dito. "Kung ano man ang binabalak mo, stop it. You can tell Lara about your feelings, pero huwag mo sirain ang relasyon nila..."
Ngumuso ito at tamad na tumayo.
He stood up in front of me and his lazy eyes insult me.
"Bakit? Hindi ka ba naninira ngayon?" Maanghang na tanong niya. "I saw you two in the garden. Shouting 'do you want to take me here,' and such. Ano iyon? Laro lang?"
Napaamang ang labi ko. Narinig niya iyon!?
"So please, don't act like a saint here. I just want to offer something that both of us... will have a benefit. You will distract Silver, at ako na ang bahala kay Lara—"
"Iba tayo ng sitwasyon, Francis..."
Si Sebastian iyon at hindi si Silver. Samantalang si Lara ay si Lara.
Tumaas ang kilay niya. "Paanong iba? Care to explain—"
"I am so done talking to you," I hissed in annoyance and pull out my wallet. "I mean, I'm sorry for what you feel, pero hindi ko gusto ang plano mo."
Walang pag-aalinlangan kong inilusot ang ilang libo sa bulsa niya.
He just chuckled.
"Maybe when you are desperate... Just call me..." he chuckled.
Iniabot nito sakin ang business card. I rolled my eyes on him and snatch the card away.
"Good bye then," paalam ko at mabilis na umalis sa harapan niya.
I thought money is the most powerful thing in the world. But I think, that is just a second.
Feelings... are way more powerful. Love is more powerful. It can ruin a lot—a person. People. Things. Pero pag-ibig din ang nagsasalba sa lahat.
Francis looked had it all. But he is just wreck... because of love... just like me.
HINDI KO ALAM kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Nasa highway na ako noon, and I am in the bus stop for almost an hour already!
Lumalamig na ang paligid. Hindi rin nakatulong ang malakas na hangin!
Mapuno pa rin ang lugar ngunit may patag na. Nasaan na ang mga bus? Wala? Out of stock!?
When I saw a black jeep coming, mabilis akong tumayo—dahil kanino pa ba yon?
Hindi na ako nagulat noong tumigil ang sasakyan sa harapan ko.
"Get in," si Sebastian.
"I don't like you," I said.
"I know," tango niya. "Get in," ulit pa niya sa sinabi.
"Ayoko," umupo ako sa waiting shed. "Francis will be here—"
"Bakit ba ang hilig mo hanapin ang wala?! Francis will not be here because he is staying on the farm!"
Ang hilig hanapin ang wala?
"May sundo pala ako," pagbabago ko sa palusot.
"Cara... Get in or I will enter you myself in the car!" Pangaral nito sakin.
Hindi ko siya pinansin at ipinatong ang baba ko sa kamay.
"Ayoko. I am waiting for someone."
"Who is it!?"
"I am waiting for Sebastian," I told him. Nilingon ko siya. "I am waiting for Sebastian Galliano. Nakita mo ba siya, Silver?"
His eyes soften. Kumalma ang ekspresyon nito at napapikit.
"Cara..." He sighed. "I'm sorry, but let's go home—"
Pagkatapos noon ay mabilis niya akong niyakap para ilagay sa balikat niya, at buhatin na parang sako ng bigas!
"Sebastian!" I hissed in annoyance. Pinagpapalo ko ang likod nito para manlang masabi ko na lumaban ako sa ginagawa niya!
I was shocked when he spank my butt!
"You are waiting for me now huh? I like that... Good girl."