Chapter 1

1659 Words
Chapter 1 Lucylyn is an elementary teacher in their small barangay. She’s just a silent type and she never had a friend except to one of her co-teacher, Maje Ferrer. Her quiet and boring life changed when she met Jeremiah Benjamin Collins. The guy who made her heart pounds like crazy.  After 3 years of being in a relationship with Jeremiah, finally, he asked her hand in marriage. And they plan to get married after they have saved money for their wedding. After 1 year, she got pregnant with her first baby, Brielle Adalyn Romanova Collins. And now, Lucylyn and Jeremiah has been together for almost nearly a decade. Regardless, they still not married because of the reason that they don’t have enough money for their wedding. Ang naipon kasi nila na dapat ay pangkasal ay nagamit nila sa pagpapalaki ng anak nila dahil noong tatlong taong gulang si Brielle ay nagkaroon ito ng matinding sakit. “Good morning Ma,” bati ng kagigising lang na si Brielle. Sa lalim ng pag-iisip ni Lucylyn ay hindi niya napansin na pumasok ang anak sa kusina. Nilingon niya ito at ng makita na naupo ito sa silya sa harap ng hapag ay nilapitan niya ito. “Good morning, Baby,” ganti niya at pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang noo nito na palagi niyang ginagawa. “Kamusta ang tulog mo? Hindi ka ba napuyat sa panonood nyo ng Papa mo sa paborito niyong palabas sa telebisyon kagabi?” tanong niya habang tinutungo ang niluluto niya. “Hindi naman po, Ma. Agad naman po ako pinatulog ni Papa pagkatapos namin manood.” Her daughter answered while brushing her long and wavy hair na namana nito sa kanya. Lucylyn nodded. “That’s good to hear…” Pagkatapos ng maikling pag-uusap nila ng anak ay mabilis ang kilos na tinatapos ni Lucylyn ang niluluto niya. Any minute ay sigurado na papasok na sa kusina si Jeremiah dahil maaga ang pasok nito sa trabaho at ganoon din naman siya. “Ma,” tawag pansin sa kanya ni Brielle. She hummed. “Hm…” “What are you cooking?” Brielle asked. She looked at her daughter. Nakita niya na tumayo ito at nilapitan siya upang silipin ang niluluto niya. “You’re favourite, Meatloaf and eggs,” nakangiting sagot niya dito na siyang ikinatuwa ng bata. Her daughter giggle. “How about my fried rice, Ma?” When Lucylyn looked at her seven year old daughter, she could see her eyes twinkling waiting for her answer. Looking at her daughter like this makes her happy and content with what they have right now. Her daughter’s happiness was Lucylyn’s first priority. Mahinang natawa si Lucylyn sa reaksyon ng anak. “Of course, iyon pa ba makakalimutan ko.” Aniya pagkatapos ay ginulo niya ang buhok nito atsaka ibinalik ang atensyon sa niluluto nila. Magkatulong na niluto ni Lucylyn at Brielle sa agahan nila ng araw na iyon. Sakto naman na nayari silang mag-ina sa niluluto nila ng pumasok sa kusina ang asawa na busy sa pagsusuot nito ng polo nito. “Papa!” Agad na tumakbo si Brielle papunta kay Jeremiah. Binuhat ni Jeremiah si Brielle. “Good morning, Baby. Kamusta ang tulog mo? Ang aga mo naman yata nagising ngayon ah.” Anas ng asawa. Nginitian siya nito saka siya sinalubong. “Good morning, Hon.” Jeremiah greeted her. He also kissed her forehead before sitting in the dining.  “Good morning din. Saktong sakto ang dating mo, kakatapos lang naming ng anak mo magluto.” Inilapag ni Lucylyn sa hapag ang mga niluto niyang meatloaf, scrambled egg, at fried rice. “Coffee?” baling niya sa lalaki. Tumango ito sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagkain nito. Bumalik si Lucylyn sa maliit na kitchen counter ng kusina nila para ipagtimpla si Jeremiah ng kape nito at gatas naman para sa anak. Pagkatapos ipagtimpla ang mga ito ay bumalik siya sa hapag at inilagay sa harap ng asawa at anak ang inumin ng mga ito. “Brielle,” Lucylyn called her daughter’s attention. Brielle looked at her, “yes, Mama?” “Ikaw na ang magsubo sa sarili mo. Ano ba ang lagi kong sinasabi sa’yo?” Brielle pouted her pinkish lips. “I’m big na kaya dapat ay ako na ang nagsusubo sa sarili ko.” Lucylyn smiled. “Tama. Dapat ay masanay kana na magsubo sa sarili mo dahil hindi laging nandyan si Mama at Papa para subuan ka.” Pangaral niya sa anak. Tumango-tango naman ang bata sa kanya. “Opo, Mama, naiintindihan ko po.” “Sige na. Kumain ka na at maliligo pa tayo. Lunes pa naman ngayon baka mahuli tayo sa flag ceremony.” Ipinagpatuloy nilang mag-anak ang pagkain nila. Tahimik ngunit masasabi ni Lucylyn na masaya silang kumakain ng niluto nilang umagahan. Minsan ay nag-uusap-usap sila o hindi naman ay nagku-kwento ang anak nila tungkol sa pinanood nitong palabas sa telebisyon. Pagkatapos ng halos kalahating minuto ay nayari ang almusal nila. Iniligpit muna ni Lucylyn ang pinagkain nila habang ang anak naman ay pinaligo na. Naghuhugas ng pinggan si Lucylyn ng tawagin siya ng asawa. “Hon,” Jeremiah called her. She stopped what she was doing to face her husband. “Yes? Papasok ka na ba?” she asked. Jeremiah nodded. “Oo. Kailangan ay maaga akong makarating sa shop dahil marami-raming customer ngayon.” Tumango siya. Naiintindihan niya ito kung bakit ganito na lamang kasipag magtrabaho ang asawa niya. “Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka.” Jeremiah approached her to kiss her in the forehead. “Pasensya na at hindi ko kayo maihahatid ngayon sa eskwelahan.” Lucylyn smiled. “Ano ka ba, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Ako na ang bahala magpaliwanag kay Brielle kung bakit hindi mo kami maihahatid ngayon.” Agad nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. “Salamat, Hon. Pangako babawi ako sa inyo.” Masayang sambit nito. Hinatid ni Lucylyn si Jeremiah hanggang sa labas ng apartment nila. “Mag-iingat ka!” Pinanood niya ang asawa hanggang sa makalayo ito. Nang mawala sa paningin niya ang lalaki ay saka lamang siya bumalik sa loob para ipagpatuloy ang ginagawa niya. Pagkatapos maghugas ng pinggan sunod naman niyang ginawa ay pinaghanda niya ng susuotin na uniform ang anak. “Are you done?” tanong niya ng makalabas ang anak mula sa banyo. Tumango ito. “Opo, Mama.” Hawak nito ang kulay rosas na tuwalya nito na nakabalot sa maliit nitong katawan. Lumapit ito sa kanya para kunin ang hinanda niyang damit. Tutulungan na sana ni Lucylyn ang anak na si Brielle ng mabilis itong lumayo sa kanya. Nagtataka niyang tiningnan ang papalayo na anak. “Saan ka pupunta anak? Halika na dito ng mabihisan na kita.” Sunod-sunod na umiling ito sa kanya. “Mama kaya ko nap o magbihis mag-isa. Di’ba nga po sabi mo big girl na ako kaya kailangan kaya ko na magsubo sa sarili ko ibig sabihin po ay kaya ko na rin magbihis ng hindi mo ako tinutulunga.” Mahabang [aliwanag sa kanya ni Brielle. “Sigurado ka ba na kaya mo na?” Paninigurado niya. Nakita niya na ibinaba ni Brielle ang hawak nitong uniform tsaka lumapit sa kanya. “Kaya ko na nga po Mama.” May bakas ng pagkaasar sa boses nito pero natutuwa si Lucylyn sa ipinapakita ni Brielle sa kanya. Her baby girl is not a baby anymore. Bumalik sa sarili si Lucylyn ng maramdaman niyang may tumutulak sa kanya. Nang tingnan niya ang dahilan ay nakita niya ang anak na tinutulak siya papuntang banyo. “Mama… Maligo ka na, ako na po bahala sa sarili ko na magbihis. Okay?” Ani Brielle at sinilip ang mukha niya upang tingnan ang reaksyon niya. Hindi mapigilan ni Lucylyn na hindi matawa sa anak. “Okay. Okay.” Isasara na sana ni Lucylyn ang pinto ng banyo ng tawagin niyang muli ang anak. “Brielle?” “Yes Mama?” “Call me when you need help, understand?” Nakangiting sambit niya. Brielle nodded. “Yes Mama.” Sagot nito at bumalik na sa ginagawa nito. Lucylyn closed the door but she didn’t locked it if ever her daughter needs something for her ay madali lang para sa kanya na tulungan ito. Hinubad niya ang lahat ng saplot at agad na inumpisahan ang paliligo niya. Binilisan ni Lucylyn ang paliligo dahil baka mahuli sila ni Brielle. Pagkatapos maligo ay agad na nagbihis at nag-ayos si Lucylyn. Nang lumabas siya sa kuwarto ay nakita niyang maayos at nakabihis na ang anak. Pinapatuyo na lamang nito ang buhok habang nakaharap sa telebisyon. “Brielle, tama na iyang panonood mo. Patayin mo na iyan at kunin mo na ang bag mo sa kuwarto,” she said. Agad naman kumilos ang anak at pinatay nito ang TV. Habang siya naman ay bumalik sa silid para tapusin ang pag-aayos ng mukha niya. Nilagyan niya ng kaunting face powder ang mukha at kaunting blush on para hindi mahalata ang pamumutla niya. Pinahiran niya ng kulay rosas na lipstick ang labi, kaunti lang ang nilagay niya dahil ayaw na ayaw niya nang masyadong mapula ang labi niya. Matapos ay kinuha na niya ang lesson plan, bag at ibang gamit niya na naglalaman ng mga activity ng mga estudyante niya. Nang makalabas si Lucylyn ay naabutan niya ang anak na si Brielle naghihintay sa kanya sa sala ng apartment nila, suot ang bag nito at dala ang lunch bag nilang dalawa. “Tara na po Mama. Nakuha ko na rin po ang lunch natin sa kusina.” Anito at pinakita pa sa kanya ang asul na lalagyan. May kalakihan iyon pero hindi naman mabigat. “Ang bait naman ng anak ko,” nakangiting salubong niya sa anak. Balak sana na guluhin ni Lucylyn ang buhok ng anak ng agad na pigilan siya nito. “Not my hair Ma,” asik nito sa kanya. Lucylyn chuckled. “Fine. Let’s go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD