Why? Gezielda's POV MAKALIPAS ang ilang mga araw ay nag- ibang bansa raw si Dylan para sa medikasyon habang ang ex-girlfriend nito ay mabubulok sa bilangguan. Malungkot ako dahil wala na’ng aking kaibigan. Dapat sila na lang ang nawala sa mundo kung puwede lang kasi mga salot silang dalawa. Napabuntonghininga na lang ako at kinalma ko ang aking sarili kaysa sa isipin ko pa ang mga ulupong na ‘yon. Maya-maya pa’y may kumatok mula sa ’king pintuan at hindi ko nilingon ‘yon dahil baka si Amy lang. "Ang tagal mong nawala rito. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita parati," sabi ng tinig at hindi ko napigilang pumikit. Isa pa sa bumabagabag sa isipan ko kung sino ba siya talaga. Kaboses niya si Sixto. Hindi ko alam kung nililinlang lang ba ‘ko ng panahon. "May nangyari lang. Namatay ka

