My Happiness Gezielda's POV PAGOD AKO mula sa trabaho. Simula kasi nang nakauwi na kami sa mansyon ay bumalik na rin ako sa kompanya. Kailangan ay mapatakbo ko ito ng maayos lalo na't para sa mga anak ko ito. My babies, agad ko silang naalala. They're my source of happiness. Kahit may mga oras na nagigising ako sa madaling araw para i-breast feed sila'y wala 'kong pakialam basta't malusog sila. Kayang-kaya ko namang magsakripisyo sa kanila. May mga oras din na pakiramdam ko'y 'di ko kaya ngunit pinapalakas naman nila ang aking kalooban. Nainggit din ako kay Veronica dahil mayro'n siyang napakasuportadong asawa. Paano kaya kung kasama pa namin si Sixto? Siguro'y masaya kami at paniguradong kasal na kami ngunit walang thrill kapag walang epal kaya't nagulo ang mga plano ko. Daratin

