Wanted Gezielda's POV "FLASH REPORT, ipinaghahanap ng mga pulis ang lalaking nagngangalan na Joaquin Asuncion. Ayon sa mga kinauukulan, may kaso itong murder sa pag-m******e sa sariling pamilya sa Baryo Dos. Isa rin itong tulak ng droga at may pakana rin sa pagkasunog ng baryo. May patong ito sa ulo na sampung milyon. Ayon sa 'ming source ay may nakaligtas sa insidente at siya ang magiging witness ng kaso na ito. Kung sino’ng nakakaalam kung nasaan ang sinasabing suspek ay ipagbigay alam sa mga pulis.." ‘Yan ang headline ngayon sa TV. Hindi ako makapaniwalang kamukha ito ni Sixto. Napatakip ako sa bibig. Ibig sabihin ang Tatay lang ni Sixto ang namatay at nakaligtas naman ito sa sunog. "Grabe ang balitang ‘yan. Aba! Kamukha ni Sixto..." sabi ni Mommy. Pinatay ko na ang TV dahil masy

