Ciao! Gezielda's POV PANSIN KO ang 'di pagpupunta ni Sixto sa mansyon at mas lalong 'di na rin siya nagpapakita sa'kin. Medyo nag-aalala na rin ako dahil do'n. Ano ba'ng nangyari? Naguguluhan ako dahil medyo ilag na rin sa ‘kin ang kaniyang mga kasamahan sa bar. Ngunit nakahinga naman ako nang maluwag na hindi rin naglalagi siya do'n. Natatakot pa rin ako dahil wala akong alam kung saan ba siya naglalagi. Why he's giving me a cold shoulder? Tinatawagan ko ang cellphone nito pero out of reach. s**t! Nafru-frustrate na talaga ako. Napahawak naman ako sa'king tiyan bigla. I calm myself, and I do breathing exercises. Nakita ako ni Mommy kaya naman nag-aalalang pumunta agad ito sa ‘kin. "Ano'ng nangyayari? May masakit ba sa 'yo, Anak?" tanong nito kaya nama'y humawak ako sa kamay ni

