Gipit Sixto's POV NASA HOSPITAL AKO ngayon dahil isinugod si Tatay dito dahil nai-stroke. Nag-aalala na ko 't lutang sa mga nangyayari. Naupo nalang ako sa sahig habang hinihintay ang paglabas ng doktor. Nag-usal ako ng panalangin para naman maibsan ang aking nararamdaman. Mga ilang sandali pa 'y lumabas ang doktor mula sa ER at lumapit agad ako dito. "Dok, Kamusta po si Tatay ko?" tanong ko dito 't bumuntong hininga ito sa 'kin. "Pasensya na 't kailangan talagang maoperahan ng Tatay mo. Kung 'di ay baka ikamatay niya ito. Nai-stroke kasi ang Tatay mo at malaking halaga rin ang kailangan lalo na 't may sakit din siya sa puso," sagot nito 't nanlumo naman ako. Malungkot kong tinignan ang doktor. "Sige po, Dok. Gagawan ko po nang paraan. Salamat po," pasasalamat ko dito 't tumango naman

