Prologue ✓

466 Words
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers.  All rights reserved © Anjzel Ica 2019-2020 --- "ANAK, you need to provide or just let me see my apo from you. Ayaw kong maging malungkot ka kapag wala na ’ko sa mundo," sabi sa kaniya ni Mommy Gelly. "Mommy, you know that I can't, because nobody tried to make commitments with me," malungkot na pahayag ni Gezielda sa ina. "Anak, you're pretty and smart. May makikita ka n'yan. Just open your eyes, and make your heart search for it," nakangiting turan nito kaya't napabuntong hininga naman siya at napatango. "I hope so, Mommy. Sana nga po't magdilang anghel kayo," saad niya na tila may iniisip na kababalaghan. Napapailing nalang siya, she can't say no to her mom. She needs to follow her. Gezielda Suarez, nag-iisang anak ng Billionaire couple na Gelly Suarez at Zield Suarez. Patay na ang haligi ng kanilang tahanan kaya't pilit na pinag- aasawa ni Gelly ang anak. She's the "Fierce Prima Dona Lady Boss." ---- "ANAK ko, mawawala na ang ating kabuhayan," nanlulumong sabi ni  Tatay Tomas sa anak na si Sixto. "Tay, paanong nangyari 'yon? 'Di po ba naitabi natin nang maayos ang ating mga pera?" tanong niya na tila naguguluhan sa nangyayari. Nanlulumong tininigan naman siya ng kanyang ama. "Pasensya na anak, kinuha na naman yata ng Kuya mo ang pera natin..." naiiyak na sagot nito at agad naman siyang  napatulala.  Ang Kuya Joaquin niya 'y isang drug addict at may ibinabahay na babae. Wala na ang kanilang lupa na nagsisilbing sakahan nila dahil tinangay ng Kuya niya ang pera. Napatingin naman siya sa amang umiiyak. 'Di niya napigilan na makaramdam nang panghihinayang. Dahil ito ang ipinundar ng kanyang mga magulang no'ng bagong magkasintahan pa lang hanggang sa ikasal.   "Tay, tama na ho. Ako na pong bahalang dumiskarte para sa 'ting dalawa. Ayoko pong magkasakit kayo tulad ni Nanay na sumalangit na kasama si bunso," sabi niya dito habang nakayakap. Namatay ang kanyang ina at kapatid dahil sa isang kahindik hindik na krimen. Pinatay ito ng mga 'di kilalang mga lalaki. Sinaksak ito at kasamang namatay ang bata sa tyan nito. Kinuha rin ng mga ito ang pera ng kanyang ina.  Napabalik siya sa reyalidad nang tumunog ang mumurahin niyang cellphone at nag-text ang kanyang kaibigan na si Carlos, isang dancer sa club ng mga bakla at matrona. "Pre, punta ka na dito. May raket tayong bigtaym. Dali na." Agad naman siyang napabuntong hininga at kinuha ang kanyang bag at nagpaalam na aalis. Pumara siya ng tricycle papunta sa club para magkaroon ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD