Cassiopeia POV "Buti na lang at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala sa braso niya," ani ng doktor na tumitingin sa sugat na tinamo ni Ace. Private doctor siya nina tita Thea na talagang tinawagan pa nila para matignan agad ang tama ni Ace sa braso. Mahirap daw kasi kung patatagalin ang gano'n lalo pa't naiwan sa loob ang bala ng baril, gawa ng pagliligtas niya sa akin. "He'll be fine real soon." "Thank you, doc," ani tito Victor at saka nakipagkamay sa doktor na iyon. Agad ding nagpaalam ang doktor sa amin at saka umalis na. "Kung nasa atin lang ang abilidad natin, hindi mangyayari kay Ace 'yan," ani Doll. "I'll ripped their body in piece—ano ba! Bakit nantatampal ka ng bibig?!" asik ni Doll kay Claude. "Masyadong brutal ang sinasabi mo," ani no'ng isa. "Guys, quiet muna," pagsaw

