Cassiopeia POV Bumalik na kami ni Ry sa loob ng bahay. Nakakapagtaka naman na wala sina Ace at Doll doon. Hindi ko alam kung nagpapahinga na ba o may pinuntahan din ang dalawa. "Hinahanap mo si Ace?" tanong ni Allyson sa akin. "Bakit ko naman siya hahanapin?" "Edi, sino hinahanap mo at nalinga ka? si Doll?" Sinamaan ko siya ng tingin. Napatingin ako sa iba at naroon na naman ang nakakalokong ngiti nina Storm at Claude. "Wala akong hinahanap," pagtanggi ko. At some point, totoo naman. Hindi ko naman sila hinahanap, ipinagtataka ko lang na wala sila. Hindi ako nasanay na hindi kami kumpleto. "Cass, labas tayo," ani Ry sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakasagot. "May bibilhin ka ba, Ry? Samahan na kita," pagvolunteer ni Rain. "Si...Cassy sana ang gusto

