Cassiopeia POV Kinahapunan, muli naming pinagplanuhan ang isa na namang lakad. Isang lakad na walang kasiguraduhan kung may mapapala na ba kami o kagaya no'ng mga nauna ay wala pa rin. Wala rin naman kaming magagawa kundi ang magsikap sa paghahanap dahil may mas malalaking bagay pa ang nakasalalay sa amin. After no'ng nangyari sa amin ni Ace, hindi ko na siya nagawang kibuin ulit. Maging sina Allyson ay nangingiti sa akin kada magtatagpo ang mga mata namin. Sinasamaan ko naman sila ng tingin kada ngingisi sila. "Wait lang, ha," paalam ni Ace sa akin. Nang umalis siya sa tabi ko ay saka ko lang nagawang huminga nang maayos. Hindi na rin kasi siya umalis sa tabi ko pagkatapos naming mag-usap. Kung saan ako pepwesto, naroon din siya. Mukhang sineryoso niya ang sinabi niyang aalagaan at p

