Cassiopeia POV "Brace yourselves," ani Ace. Hindi ko alam kung para saan ang sinabi niya pero laking gulat ka nang may kung anong liwanag ang nagmula sa bitak ng dalawang pinagdugtong na mga bato. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakasilaw ang liwanag no'n. Nang mawala ang liwanag ay binalot kaming lahat ng katahimikan. Pare-pareho kaming nakiramdam sa mga nangyayari. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Paisa-isa ay namatay ang mga sulong nagbibigay ng liwanag sa lugar. Ang isang pinakamalaking sulo na naroon sa itaas ng mala-kwebang lugar na iyon ay nahulog sa saktong pinagdugtungan ng dalawang bato. Binalot kami ng dilim nang mangyari iyon. Napapitlag ako nang mag-umpisang gumalaw ang kinaroroonan namin. Dahil sa dilim ay wala kaming makitang liwanag. In a snapped, I can

