A/N Hello guys Happy New Year.❤ I hope everyone is well and I pray that your 2021 will be full of happiness, love and success! Also, as my beloved story readers, I recommend na sa website kayo magbasa. Mas convenient kasi doon kaysa sa app na maraming glitches Ingat kayong lahat! Don't forget to leave your comments❤ God bless you all❤ ************************* Nakaupo si JC sa kama at tahimik na nakatitig sa labas ng salaming bintana. Malamig sa loob na kwarto niya pero mas malamig ang pagmumukha niya. Hindi siya umimik ni lumingon man lang nang lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang maliit na stool sa tabi ng lamesa niya na may nakapatong na naka-pot na cactus. Medyo nag-alangan akong kausapin siya pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi ko rin siya masisisi sa naging reaksiyon niya. Kung ak

