"Asan si JC?" Tanong ni Brent nang makapasok ako sa loob ng room ni mommy na hindi kasama iyong kaibigan niya. "Nag-CR," mahina kong tugon at inilapag ang paperbag ng pagkain sa mesa. "Gumising ba si mommy?" "Yeah," he replied. "Hinahanap ka nga eh. Eh ayan nakatulog na lang ulit kasi ang tagal niyo. Saan ba kasi kayo galing?" I gestured Brent to lower down his voice. Masiyadong malakas na ang boses niya kahit malapit lang naman kami sa isa't isa. "Saan pa, e'di bumili ng pagkain" I said and sat down. Hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko kanina. I stared down at my wrist. The mark and the glowing was no longer there. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Nasaan na 'yon? Imposible namang bigla na lang 'yong mawawala. Pero baka guni-guni ko lang 'yon. Masiyado na ata akong nadadala

