CHAPTER 3 - Controversy

1324 Words
Pakiramdam ko kulang ang dalawang linggo na ginugol ko para aralin lahat ng kilos ni Lexy at ang mga bagay na patungkol sa kaniya. Kulang na lang kasi halos maihi ako sa kaba habang ginigisa ng pamilya ng asawa niya! Sa dalawampu't tatlong taon ko sa mundo, maski sa hinagap hindi ko naisip na makakaharap ko ang presidente at COO ng W&W Network Inc. The great Treece Halter Hughes na asawa ko--este ng kakambal ko at ang mga magulang niya kasama pa ng mga kapatid niyang kung makatingin sa'kin akala mo isa akong kriminal na hinatulan ng guilty dahil sa pagpatay. Ano namang laban ko kapag pina-salvage ako ng pamilyang 'to? Sila lang naman ang nagmamay-ari ng W&W Network (Words for broadcasting & Works for media arts or simply W&W) Isa itong Filipino commercial broadcast television network na flagship property ng W&W Network Inc. Ito ang pinaka maunlad at mayamang television network sa bansa base sa revenues, assets at international coverage. Kompanya na hawak ng Hughes Group of Companies (A Filipino conglomerate founded by John Halter Hughes, Sr. - father of Cedrick Halter Hughes, the chairman and CEO and the great grandfather of Treece Halter Hughes, the president and COO. It has substantial holdings in the public service and utilities sector in the Philippines and serves as the Hughes family's publicly listed holding company for investments in major development sectors such as broadcasting and cable; telecommunications; power generation and distribution; manufacturing; and property development. It added to its portfolio investments in other basic service sectors but has also since sold its interest in banking, toll roads, information technology, and health care delivery.) Kung susumahin lahat ng impormasyong inaral ko tungkol sa pamilya nila, isa lang ang masasabi ko---bilyon-bilyon ang kayamanan ng angkan nila. Sa sobrang dami ng pera nila kahit yata hindi na sila magtrabago ng isang libong dekada ay mabubuhay pa rin sila. "I'm fighting myself not to slap you hard in the face so you better give as a damn explanation." Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng magsalita si Valerie. Siya ang pangalawang anak sa pamilya. Dalawampu't walong taong gulang, sikat at kilalang abogada. Asawa ito ng isang senador at mayroon ng limang taong gulang na anak. Suplada ito at masungit. Dalawang taon lang ang pagitan ng edad nito kay Treece. "No one's stoping you ate Val. She deserves it by the way." Segunda ni Venus. Sumunod ito kay Valerie. Dalawampu't limang taong gulang, artista, modelo at may-ari ng sarili niyang clothing line. Ito ang pinaka maldita at pinaka matalas magsalita. Naaalala ko sa kaniya si Lexy. Status nito, single. "Looks like there would be another catfight here." Pailing-iling na tudyo ni Velvet saka sumubo ng pagkain. Kasing edad ko ito, twenty three years old at bunso sa apat na magkakapatid. Nag-aaral ng abogasya at miyembro ng isang sikat na banda. Sa tatlong babae ay ito ang pinaka kalmado at seryoso. Ito lang din ang may lakas loob na kumain ng mga oras na iyon sa kabila ng tensyong namumuo sa buong hapag kainan. "As the queen of this house, for once I'll be civil." Sa unang pagkakataon simula ng dumating ako kaninang umaga ay kinausap ako ni Mrs. Hughes sa makataong paraan. Victoria Inares St. Benedict-Hughes, dating beauty queen at tinaguriang primera kontrabida noong kapanahunan niya. Mukhang dito nagmana ang mga anak niya. Kung ano kasi ang ugali nito sa harap ng camera noon ay siya ring ugali nito sa personal. "Tell us Lexy, saan mo itinatago ang kalaguyo mo?" deretsahan nitong tanong na lalong nagpayanig sa sistema ko. Sinasabi ko na nga ba! Bruha talaga ang kapatid kong iyon! Kanina noong ipinasok ako ni Treece sa kuwarto, sinubukan ko agad tawagan si Lexy. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit ganito na lamang ang galit sa kaniya ng mga tao sa bahay na ito. Pati nga mga katulong sinisiringan ako. Ang kaso, ang gagang iyon out of coverage buong maghapon! Maski si Georgia walang maibigay na matinong sagot sa'kin. Dahil doon kaya nagresearch na lang ako mag-isa, na sana pala hindi ko na lang ginawa. 'Who wants to marry a multi-millionaire?' drew more than 20 million viewers, but was nevertheless mired in controversy. The multi-billionaire bachelor, Vross Harris Devaughn revealed that no one of the female contistants has captured his attention. He even surprised the audience by tossing the bomb that he'll only embrace marraige if it's with the showrunner of the said program. Digged deeper to his statement, the name Lunexia Andrada Hughes appeared. Showrunner of the series and wife of the great Treece Halter Hughes. President and COO of Hughes Group of companies who owned the network W&W where the program was aired. To made this news more powerful, pictures of him together with Mr. Hughes wife inside a five star condominium appeared on social media. With these, the network decided to cancelled the program and deleted all the trace of the series as if the said controversy had never happen. -sheetshit entertainment- Nang mabasa ko ang balitang iyan sa internet, sa isang iglap parang gusto ko ng umatras sa napag-usapan namin ni Lexy. Paano ko paninindigan ang pagpapanggap bilang siya kung hindi ko alam kung alin ang totoo sa hindi? Oo't masama ang ugali ng kambal kong iyon pero hindi ko lubos maisip na kaya niyang magtaksil sa sarili niyang asawa. 'Siguraduhin mo na mapapanatili mo ang kasal namin hanggang sa makabalik ako. Si Treece ang buhay ko Lexy. Kapag nawala siya, guguho ang mundo ko.' Sa loob ng dalawang linggo, iyan ang paulit-ulit na pinapaalala sa'kin ng kapatid ko. Si Treece ang buhay niya kaya paano niya magagawa sa lalaki ang ganoong uri ng kasalanan? Pero may mga larawan, mga ebidensya. Hindi ko na alam kung saan ba ako maniniwala. "Devaughn has no where to be found. He was gone together with the palaver. My attorney already handled the case. If the pictures and rumors about it still be seen on the internet, we'll file a case against the website for the next month," pakli ni Treece na para bang wala lang sa kaniya ang aligasyon tungkol sa pagtataksil sa kaniya ng asawa niya. Napansin siguro nito na para na akong rebulto rito habang nakasalang sa hot seat. Kahit isa kasi sa mga tanong at panunuya ng pamilya niya ay wala akong inimikan. Ni hindi ako sumagot dahil una sa lahat, hindi ko naman alam ang isasagot. Wala akong ideya kung dapat ko ba silang sang-ayunan o itatanggi ko ang paratang. Alin man sa dalawa ay alam kong magagalit pa rin sila. Kaya naman ginawa ko ang pinaka akmang puwedeng gawin, ang manahimik at huwag na lamang magbigay ng opinyon. Pag wala akong sinabi, tiyak wala ring follow up questions. Nang dumating na sa hapag-kainan ang haligi ng pamilya, the mighty Mr. Cedrick Halter Hughes tuluyan na ngang hindi pinag-usapan ang paksa. Kanina bago ako pumasok dito sa dining area ay aksidente kong narinig na kinakausap nito ang asawa at si Venus. Pinagsasabihan niya ang mga ito tungkol sa nangyaring gulo kaninang umaga ng dumating ako. 'We already talked about it before I sent her on vacation two weeks ago. She denied the allegation and I had it investigated. Until we don't have the result, we should'nt be so harsh with her. Lexy is still part of this family and a family doesn't put a hand on each other the way you did to her this morning. I don't want this happening again. He's my son's wife though their marriage is in chaos.' Ito mismo ang sinabi ni Mr. Hughes sa dalawa. Pero kahit wala na roon ang usapan ay ramdam ko pa rin ang matatalim na titig sa'kin. Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang sa malamang kanina pa ako bumulagta rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD