Maria... "Rock-a-bye baby on the tree top, when the wind blows the cradle will rock, when the bough breaks the cradle will fall, and down will come baby, cradle and all.." "Hmmn..." patuloy ako sa pag humming ng lullaby Kay Mia habang pinapatulog ko siya. Minamasahe ko ang kaniyang likod para mas mabilis ang kaniyang pagtulog. Almost every night, kinakantahan ko siya. Kung minsan naman ay gusto niyang mag-basa ako ng libro habang pinapatulog ko siya. Gusto Niya ang mga fairytales story. A typical children's favorite. Nang mahimbing na ang kaniyang tulog ay tumigil na ako sa paghaplos sa kaniyang likod. Gustong -gusto Niya ang posisyon na bahagyang nakatirapa at nakatagilid dahil gusto Niyang minamasahe ko ang kaniyang likod at inaawitan ng lullaby. Bago ako lumayo sa kama ay

