María... "How are you sweetheart?" mula sa likuran ay niyakap ni Damon si Maria. Isinubsob Niya ang kaniyang ulo sa leeg ng dalaga. Pumikit si Maria ng maramdaman ang mainit na hininga ng lalaking iniirog. Hindi Niya sinagot ang tanong ni Damon. Hindi Niya kayang iwaksi ang mga sinasabi ni Robert sa kaniya sa Library. Higit sa lahat, hindi Niya kayang magbulag-bulagan sa kaniyang nakita sa library. Ang mga naglalakihang portrait nina Damon at ng kaniyang asAwa na si Carmela Baltazar. "Hey.." niyakap pa ni Damon ng mahigpit si Maria ng hindi ito kumibo. Akala Niya ay nagtatampo ang dalaga dahil ginabi siya ng uwi. Nangako pa naman siya na sabay silang mag-dinner na tatlo. Siya, si Maria at Mia. Mayroon kasing emergency meeting with the board ukol sa bagong proyekto ng kumpanya. D

