NEW MOMMY

1393 Words
MARIA'S POV "No, ate Maria, I don't like that! eww.." nandididiri na sabi ni Mia ng isubo ko sa kaniya ang cut vegetables na carrot, cucumbers with a ranch dip. Siyempre hindi ko alam ang mga pagkain na ito, ang snack na ito. kailangan ko pang mag -google para lamang malaman ko ang mga kinakain ng mga bilyonaryong tao at mga bata na anak ng bilyonaryo. Malinaw kasi ang sinasabi ni Mr. Montemayor sa akin na under observation pa ako, na akala mo naman ay nag-ojt ako sa city hall. "You tricked me!" Sabi Niya sa akin ng malingat si Mia. Siyempre hindi na ako nakasagot. Malinaw ko namang narinig na ayaw Niya sa akin. Hindi ako pasado na maging yaya ng anak Niya. Pinilit ko lang naman ang aking sarili na makapasok dito dahil una, napasubo na ako sa pinagkautangan ko sa probinsya namin. Ginigipit na nila sina lolo at lola. Pangalawa, malaki ang pasahod ni Mr. Montemayor. Naaalala ko pa ang pag-uusap namin ni Aling Naty doon sa probinsya. "Ho, magkano ho, Ginang Natividad ang sahod bilang yaya?" ulit Kong tanong Kay Aling Natividad, ang kapatid ni Ginang Narcisa. Si Ginang Narcisa ang naghahanap ng yaya para magtrabaho sa Maynila, kapalit Niya. Pero, dahil nagkasakit si Ginang Narcisa, hindi na ito nakabalik sa aming bahay. Si Aling Natividad na ang kumausap sa akin. " Tumataginting na Twenty thousand pesos a month! Malaki hindi ba? Saan ka makakita ng ganiyan, sobra ka pa sa nagtrabaho sa opisina. Mas malaki pa ang kita mo kesa clerk ng city hall..naku kung bata lang ako, ako na ang papalit Kay ate ko. Kaya lang, hindi na pwede." "A-ang laki.." namilog ang aking mata ng marinig ko muli ang malaking sweldo kapag tinanggap ko ang offer na ito. "Kumpleto sa benepisyo, libre ang pagkain siyempre kasi doon ka titira sa mansion.." Kinuha ko ang aking cellphone na binili ng aking lola bago siya nagkasakit. Regalo Niya ito sa akin dahil masipag ako sa pag-aaral at matalino. Nag-google naman ako ng average monthly salary ng Isang yaya sa Maynila. Depende pala sa lokasyon at kaalaman ang magiging salary ng Isang nanny. Sa Maynila ay nag range lamang ng ₱6,500.00 hanggang ₱12,000 .00 ang sweldo ng yaya with complete benefits "Opo, Aling Naty, tinatanggap ko po ang trabaho." excited Kong sabi. Pagkakataon ko na ito para mabayaran si Aling Estrella sa utang namin ng maospital si Lola Daisy ko. Ginigipit Niya kami. Kaya nga nasangla ang lupa ni lolo sa bukid dahil na rin sa panggigipit Niya. At ang Isang pagkakamali na hindi mabantayan namin ni lolo ay ang porsyento ng hiniram naming pera na ginamit namin sa pag-pa hospital at pag-opera Kay lola. Triple ang tubo nito. Naiiyak nga ako sa sama ng loob. Kaya nanlumo ako ng tanggihan ako ni Mr. Montemayor noong unang araw na ini- in- terview Niya ako. Mabuti na lamang at tila panig sa akin ang pagkakataon, kinausap ako ni Mia. Mia likes me, at iyon ang simula kaya nanatili ako sa mansion. Staring at the little girl in front of me. I smiled at her tenderly. " Alam mo gusto kita Mia." malambing Kong sabi sa kaniya. Sinulyapan ako ni Mia. " I still don't like that, and I won't eat that, ewww!" she pouted and shook her head. "But you like me, hindi ba? Kaya nga gusto mo akong tawagin na ate, ayaw mo akong tawagin na yaya, mas gusto mo ang ate, because you like me." kinikiti ko siya. " And because you like me, you're gonna eat those veggies.. because I like veggies too ." She giggled." Stop, ate..it tickles." tumawa siya. "Hindi ako titigil hanggat ayaw mo itong kainin.." "But I don't like the taste.." "Pero, this is nutritional supplements. Kailangan mo ito. Ganito na lang, pagkatapos mo itong kainin, kahit mga tatlong subo lang. Basta matikman mo lang ito..after this..payag na akong maligo tayo sa pool." kumislap ang mga mata ni Mia. Parang mga pamangkin ko noon, Pag ayaw kumain, yayain ko lang na maligo sa ilog, Uubusin ang pagkain kasama halos ang plato na kinakainan. I smiled triumphantly. " Good girl.." ginulo ko ang buhok Niya. "Do you know that you have beautiful hair?" kinakausap ko siya para maaliw at ma divert ang attention Niya. Nakita ko kasi na napangiwi siya, an indication that she doesn't like her snack. Sino ba naman ang gustong kumain ng cut veggies for snack. Talagang eww. " You have beautiful hair, too." she said, as she struggled to chew the cut vegetables. "You know, baby. You are so lucky." "Why?" "Dahil hindi naman lahat ng bata ay nakakain ng mga pagkain na kagaya nito.." "Hmmn, that's sad. "Teka, baby..can you tell me why you like me?" tanong ko pa sa kaniya. Lihim naman akong napangiti ng makita ko na tatlo o dalawang subo na lang, nauubos nan Iya ang kaniyang snack. Kailangan Kong gawin ito dahil pinapalista ni Mr. Damon Alexander ang mga kinakain ng anak Niya. Lahat naka record. Mula sa pagkain at iniinom ng bata. Kahit na ang oras at detalye ng mga ginagawa namin. Everything is recorded. Sinisiguro ni Mr Montemayor na sulit ang ₱20,000. 00 na sahod ng yaya. "I like you because you're young and pretty.." "Oh ." hindi ko sukat akalain na sa murang kaisipan ng four years old ay marunong ng kumilatis ng hitsura. "Thank you baby, that's so sweet of you. You're pretty yourself too." nakangiti Kong sabi sa kaniya. Hindi ko maiwasan na hindi mapa-english kasi ang sabi ni Mr Montemayor. They converse in English. Englisera si Mia. Nag -aaral ito sa nursery sa Isang private school, as expected. Kadalasan naman sa mga mayayaman at bilyonaryo ay english ang kanilang conversation kapag nag-uusap. "Yehey..! tingnan mo baby, naubos mo ang pagkain. Very good." pagkatapos niyang inumin ang yogurt ay excited na itong nanumbat. "Now, it's your turn to fulfil your promise, Te Maria." Tumango na lamang ako Kay Mia. Inubos Niya ang cut vegetables kahit napapansin Kong hindi Niya ito gusto iyon ay dahil sa pangako ko na maligo kami sa pool. "Sure, baby..come, magpalit ka ng swimwear." "Do you know how to swim ate?" "Yes.." "Can you teach me?" "Hindi ba ito ang ginagawa natin ngayon?" nakangiti Kong tugon sa kaniya. "You mean splashing and blowing bubbles?" parang nayayamot na sagot ni Mia. Ang gusto yata ay diretso na tatalon sa pool. I laugh. "Baby relax, this is part of your training already. Hindi naman pwede na diretso na tayo sa tubig. Sundin mo na lamang ang gagawin ko, okay?" Dahan- dahan kaming lumusong sa pool at hanggang tuhod ni Mia. Ako naman ay nakaluhod sa pool. " Wait, do you understand and speak tagalog, right?" Tanong ko sa kaniya. "Hmn..a little." she shrugged her shoulders. "Okay.." mabuti na ang sigurado. Binigyang diin kasi ni Mr. Montemayor ang bilin Niya na kailan na English ang usapan namin ni Mia. Si Ginang Narcisa ay Isang guro, English rin raw ito makipag-usap kay Mia. "Sige pa, practice kicking your Kailangan mo iyan mamaya. Okay, stop and watch me. Ito ang tinatawag na arm strokes halimbawa ang ganito ay freestyle, ito naman ay breaststroke" Tinuruan ko pa siya ng body position at breathing technique. "Come on.." naging kampante na si Mia sa pool. Sa isip ko, siyempre, nandito lang sa loob ng kanilang mansion ang swimming pool. Kaya, hindi na nanibago ang bata sa tubig. Unlike me and my poor relatives, kailangan pa namin ang magpainit at maglakad sa bukid para makarating sa ilog upang maligo. After one hour, inaya ko na siyang magbihis. "Gusto ko pa ate, mamaya na lang.* "No baby..kailangan mong sundin ang sinabi ko. One hour is enough. Bukas ulit.." "But why, nandito lang naman tayo sa bahay.." she began to throw tantrums. "Oops, the young lady is angry..ano nga ba ang sabi ko kapag mabilis magalit ang bata?" "An old maid." "Right, gusto mo bang tumandang dalaga?" "Nope.." Tumawa ako." Then come on.." Bago siya nakasagot ay kinarga ko siya at dinala sa gilid ng swimming pool. "Whew! mabuti na lang at kaya pa kitang buhatin.." "Hmmn.." Mia hugged me tight. "Promise, bukas ulit?" "Sure. Binuhat ko siya hanggang sa banyo na nasa harap ng swimming pool. "Ate.." "Hmnn.." "Sana, ikaw na lang ang Mommy ko. I want you to be my new Mommy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD