Madison POV
"Wag Kang bibitaw"banggit ko.
Habang patuloy ako sa paghahagulhul habang hawak hawak ang kamay ng Isang babae.
Habang ito'y Dahan dahang pinupunasan ang aking mga luha.
"Ma-di -son" dahan dahang Sambit niya.
tumango tango ako habang patuloy na pumapatak ang aking mga luha.
"ma-di-son "Sambit niya ulet
ma -ha..............
"RRrrrrngg Rrngggggg!!!"
Isang panaginip lang pala at nagising ako sa tunog ng aking alarm.
Thank you Lord !Panaginip lang pala.bulong ko
Akala ko totoo na pero bakit ako umiiyak?at bakit may babae?
"wahhhhh sobrangg samaaaa bakit ako umiiyak ang weird ??!!!"sigaw ko ng malakas
"Madison ,anong nangyayari jan??!!!"bumaba kana at late kana sa klase mo "sigaw ni Mom sa baba .
Ayy Oo nga pala! May pasok nga pala ako .
"Wala mom may nakita lang akong video.
Oo mom bababa na !!"sigaw ko rin.
Habang pababa ako may narinig akong naguusap sa baba kayat huminto Mona ako sa hagdan para pakinggan ito.
"Bakit ngayon ka lang at inumagahan ka ng uwi ? Saan kana naman natulog Albert?Tanong ni mom Kay dad
"Ano bang klaseng Tanong Yan?May trinabaho lang ako .okay? sagot ni dad
"Trinabaho?anong trinabaho mo ?Yung mga babae mo?yun ba? Kaya inumagahan ka kakatrabaho.?" Tanong Ulet ni mom
"Matanda na tayo Albert hindi ka parin nagbabago"dugtung ni mom.
"Masanay kana Jessica Hindi ko naman kayo pinapabayaan diba? ang mahalaga sainyo parin ako umuuwi." banggit ni dad.
"Hindi kana binata Albert .Oo sanay na ako Lalo na yung mga anak mo pero dalaga at binata na Yung mga anak mo Albert pero ganyan parin yung ipinapakita mo sakanila!" maluha luhang Sambit ni mom
"Anuba Jessica Tama na !"sigaw ni dad Kay mom
Agad agad akong bumaba at pareho silang nakatingin na saakin.
"Madison?"sabay banggit ng dalawa.
Hi dad ? Hi Mom? Goodmorning " bati ko sakanila na parang walang narinig.
Oo sanay na ako .Sanay na sanay sa ganitong buhay na puro pagtatalo ang naririnig ko sa bahay nato.Kaya sa halip na makipag sabayan ako sa kanila sa pagtatalo , ipinapakita ko na Lang na para bang Wala akong naririnig.
Yes,I'm Madison Flores at ito ang buhay ko na Hindi alam ng lahat.May Isa lang naman akong tatay na walang sawa sa pangbababae dahil nga naman mapera diba .At may Isa rin naman akong nanay na martir at Manhid dahil sa pagmamahal.