Sabay kaming napalingon ni Luther sa isang magarang sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay ni Lola Penyang. "Sino kaya yun?" Tanong ko kay Luther habang naka tanaw sa magarang sasakyan na pumarada sa harapan "Malay ko" Tamad na sagot nya. Sinikmuraan ko ito dahil sa sagot nya. "Wala kang kwentang kausap!" Inis na sambit ko "Paano ako makaka pag hanap buhay kung lagi mo akong sinasaktan?" Kunwariy nasasaktan na sambit nya. Inirapan ko lamang ito. Napunta ang gawi ko doon sa gwapong lalaki na bumaba sa sasakyan. Naka shades ito kaya di ko masyadong nakita ang mukha. "Baka yan yung anak ni Lola Penyang" bulong ko sa kawalan Nabigla ako ng hatakin ako ni Luther paharap sakanya. Nasa balkonahe kasi kami at kumakain ng mga pinitas nyang duhat kanina. Inilabas namin ang isang papag sa la

