Chapter 4

1342 Words
PAGKATAPOS kong maligo bumaba ako para kumain. Malamang umuwi na si Rhine. Gabi na rin baka hinatid na sya ni Kuya Denviel. Pagbaba ko nabigla ako dahil nandito parin sya sa bahay at nag hahapunan. Dafudge. Ano pang ginagawa ng lalaking to dito?! "So. Are we clear now Mr. Waye? Ikaw ang magiging body guard ng anak ko. Wag na wag mo syang hahayaan na masaktan. Understand?" Nakita kong tumango si Rhine kay daddy. Ano ba tong pinasok ko. Imagine yung dating sunod ng sunod saakin magiging body guard ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko "Princess. Come here join us" Inirapan ko si Rhine dahil nakatitig na naman sya saakin. Tamad akong umupo sa tabi ni Kuya Denviel. "Bat di kapa umuuwi?" I ask him "Sweetheart don't be rude" Suway ni mommy Whatever. Imagine I am already 18 years old for pete's sake! I can protect myself. I dont need Rhine nor those bastard. But I think I have no choice. I sigh. My dad owns many 5star hotel and my mom owns many chocolate factory. I understand them why do they need to do this. Its for our own good sake. Maraming tao ang mag tatangka na saktan kami dahil sa yaman ng daddy at mommy ko. "Queeni I hope you understand it. I dont want to put your life in danger. So you need to be with Luther everytime you go out. Okay? Promise me. You will not be stubborn" I rolled my eyes. "Okay dad" Labas sa ilong na sagot ko Itinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko hindi na ako nag abala pang magsalita. Wala din naman akong magagawa. "Denviel will drive you home Luther" Napataas ng ulo ko sa narinig ko "Dad. Pwedi ba akong sumama?" I pout my lips para effective. "No Sweetheart. Stay here" Si mommy ang sumagot. Sumimangot ako ng bonggang bongga at tumingin kay Daddy. "Okay okay. Let her" Napangiti ako ng malapad. Hindi ako matitiis ni daddy. Sa ganda kong to. Haha "But hon--" Pinutol ni daddy ang sinasabi ni mom "Its okay hon. Kasama naman nya si Denviel" Napa buntong hininga nalang si mommy. Pag sinabi ni daddy wala ng makaka pigil pa sakanya. Lahat nang gusto ko nakukuha ko. That's why I love my dad so much. After namin kumain naghugas lang ako ng kamay at tumakbo palabas. Baka kasi iwan ako ni Kuya. Alam ko ang ugali nun -.- "Kailangan bang sumama kapa talaga?" Nainis ako sa tanong ni Kuya Denviel kaya kinurot ko sya. "Aray. Ang sadista mo talaga" Sumakay na si Kuya Denviel sa sasakyan kaya sumakay na ako sa Shot gun seat. Si Rhine naman ay kanina pa walang kibo sa likod. Hindi kaya bumabaho ang bibig nito? Sobrang dalang magsalita ang weird talaga nya. Nagtataka lang talaga ako kung bakit sunod sya ng sunod saakin nun. Ano pa ang ibang motibo nya kung hindi naman pala nya ako gusto kaya sinusundan nya ako. Hindi kaya isa din sya sa may balak na masama saakin? Im thinking about my dad too. How can he trust this man? Ni hindi man lang nya kilala. Nabigla talaga ako dahil hindi nya muna kinilala si Rhine. I know my dad, titignan nya muna ang background ng isang tao bago pagkatiwalaan. But the hell. Anong meron sa lalaki na to? Don't tell me kaya nya ako sinusundan dati because dad hire him? "Queeni. Kumusta na pala si Erica?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Kuya Denviel. Dont tell me hindi pa sya nagsasawa sa pag rereject sakanya ni Erica? Yes. May gusto kasi si Kuya kay Erica. But everytime he try to confess. Inuunahan agad sya ni Erica ng rejection. Poor him. "Dont tell me. You still like her kuya? Omgod. How many times do I have to tell you stop flirting my friend" "Hindi ko nilalandi ang kaibigan mo. Wala ka kasing alam sa love. Palibhasa bitter kapa din kay Third? Baby its been a year! Come on. Move on!" Sinamaan ko ng tingin si kuya at tinadyak sa paa. "KUYA SHUT UP!" Tumingin ako sa likuran. Nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Rhine saakin. "Aray. Totoo naman ah" "Kuya ano ba! Tumingil ka nga!" Tinakpan ko ang mag kabilang tenga ko dahil ayoko nang marinig ang sinasabi ng baliw kong kuya. Yeah. Its been a year since the day he left me hanging. He left me without a formal break up. Explanation or what. Damn him. Ayoko makarinig nang kahit anong bagay na tungkol sakanya. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila Rhine. Hindi na ako nag abala pang bumaba. Pinagmasdan ko ang mga bahay. Dikit dikit. Parang sa squatter area. Seryoso? Dito sya nakatira. He was from a poor family. Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan "Oy Luther! Hintayin mo ako! Hahatid kita!" Dinaanan nya lang ako ng tingin. "SANDALI LANG GAGO!" Sya pa ang mag susuplado. Ang tigas talaga ng mukha. Tumakbo ako papalapit sakanya. Iniwan ko si kuya alam ko naman na susunos din sya "Umuwi kana" Ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. "Hahatid nga kita. Gusto kong makita yung bahay nyo" Humarap sya saakin, seryoso ang mukha nyang naka tingin saakin. "Pangit lang ang bahay namin" Pinagmasdan ko sya. Ayaw ba niyang makita ko ang bahay nila? Oh ano naman kung pangit ang bahay nila. Hindi ba sya nahihiya saakin? Kababae kong tao ako pa ang mag hahatid sakanya. "Pwedi ba. Wala akong pakealam. Gusto ko lang makilala ang magulang mo" Napa buntong hininga nalang sya. Na estatwa ako ng bigla nyang hawak ng mahigpit ang kamay ko. "Wag kang lalayo saakin" Ako lang ba oh pati kayo naramdaman nyo na double meaning ang sinabi nya? Hinayaan ko nalang sya na hawakan ang kamay ko. Nangilabot ako sa klase ng pagtitig nang mga taong nadadaanan namin. Ganito ba talaga dito? Sobrang sikip at gulo Tumigil kami sa isang maliit na bahay na may bakod na kahoy. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang cute na batang lalake at babae. Sinalubong sila ni Rhine ng mahigpit na yakap. How sweet. "Kuya. May pasalubong ba ako?" Naka pout ang nguso ng batang babae habang nag tatanong kay Rhine "Sorry ah? Wala kasing dala si kuya eh" "Ano kaba Dana. Papasukin mo muna si kuya" Sabi naman ng batang lalake. Palagay ko ay masungit ang isang to. Oh baka weird din kagaya ni Rhine. Tumingin saakin ang dalawang bata. "Sino ka/Sino sya?" Sabay nilang tanong. Ngumiti ako sakanila at nag pakilala "Hi. Ako pala si Queeni. Kaibigan ako ng kuya Rhine nyo" Nabigla ako dahil inirapan ako ng batang lalake. Aba! Suplado din. "Oh anak! Nandyan kana pala. Napano yang mukha mo?" Iniluwa ng pintuan ang isang babaeng naka daster na kulay dilaw. Nasa katandaan na pero hindi mo matatago ang kagandahan nya. Malamang nanay ni Rhine to. "Napa away lang nay. Okay lang po ako" Iba ang personality na pinapakita nya pag naka harap saamin. Hindi sya ganito. "Iha. Girlfriend kaba ni Luther?" Napa awang ang bibig ko sa tanong ng mama ni Rhine. "Nay. Ano ba. Pumasok na ho kayo. Kayo din Dana at Tan tan. Pasok na. Hintayin nyo nalang ako sa loob" Wow. Yun na ata ang pinaka mahabang salita na narinig ko sakanya. Ni hindi man lang ba nya ako yayayain na pumasok sakanila? Wala talagang manners. "Papasukin mo yang bisita mo nak" Sabi nang mama nya bago pumasok sa loob Humarap sya saakin as usual dala nya ang seryoso nyang mukha. "Umuwi kana" Utos nya "Oo na uuwi na ako. Hindi mo man lang ba ako ihahatid kahit dyan lang sa kanto? Hm. Before that. Bakit ka pumayag sa offer ni dad?" Tanong ko sakanya "Ikaw ang nag umpisa nito" Walang ka emosyon emosyon nyang sagot "Alam mo ang hirap mong basahin. Hindi kita maintindihan. Alam kong may itinatago ka. Sana hindi ka katulad ng iba na may balak na masama" Tinalikuran ko na sya. Kaya kong lumabas sa lugar na to na hindi sya kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD