Nagising ako sa mahinang tapik sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko tumambad saakin ang napaka gwapong mukha ni Luther. "Nandito na tayo" Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Matataas na puno at mga talahib ang nakikita ko. Mga lumang bahay. "Nasaan tayo?" Tanong ko sakanya habang naka tanaw sa labas. Malilim lahat ng bahay dahil sa puno na naka palibot. Iilan lang ang bahay na nakatayo at ang mga tao. "Potrero Bacolor Pampanga" Sagot nya bago sya lumabas ng sasakyan. Nanatili ako sa loob, kung di pa nya kinatok ang bintana ng kotse ay di pa ako lalabas. "San tayo titira dito?" Medyo naiiritang tanong ko. Malay ko ba kasi kung saan nya ako dadalhin. Medyo mag didilim na kaya natatakot ako sa maaaring mangyari saamin dito. "May bahay si mama dito" Maikling tugo

