Kabanata 4

1537 Words
" Isang kalokohan ito Henry!! buhay pa nga ako ay dinalhan mo na ako ng babae rito! sobrang kapal ng pagmumukha mo Elisse!! alam mo na ngang may asawa si Henry, pero heto sumama pa rin kayo dito ng anak mo!!" Galit na galit niyang sabi at sabay sinugod si Elisse at kinalmot niya ito. Mabilis naman siyang inawat ni Henry at nanlilisik ang mga mata nito sa galit na tiningnan siya. "Huwag mong sasaktan si Elisse!! alam mo nang siya talaga ang babaeng gusto Ko! kaya hindi mo ako mapipigilan na dito ko na sila pa titirahin ng anak ko! at kung naiinsulto ka, pwedi kang umalis na dito Ciamara at mag file ng annulment natin para maging malaya na tayo sa isat- isa!!" Singhal sa kanya ni Henry. Halos maiiyak siya sa sinabing iyon ni Henry sa kanya. "Anong sabi mo? napaka walang hiya mo Henry!" Muling asik niya rito dahil sa kanyang nag-uumapaw na galit lalo na sa babae nito. Tingin niya'y demonya ang babaeng ito na handang gagampanan at ipaglaban nito ang pagiging isang Kabit. "Yes, Henry is right. huwag mo nang ipagpipilitan pa ang sarili mo hanggang ngayon Ciamara. Ako ang mahal ni Henry kaya ako ang may karapatan dito, at ikaw naman ay lumayas ka na lang dito mahiya ka namang manatili pa dito hindi ka naman itinuring na asawa ni Henry sa dalawang taon mong pamamalagi rito sa mansion nila oh diba? so, kung ako pa sa'yo, tumabi ka na lang sa buhay namin ni Henry. Is that clear?" Taas-kilay na wika ni Elisse sa kanya. At mas lalo niyang ikinagalit ng husto ang mga sinabing iyon nito sa kanya. Siya ang asawa, pero heto, siya pa ang palalayasin ng isang kabit? "Ang kapal ng mukha mo! wala ka sa katinuan mo dahil sa sinabi mong 'yan! kahit kailan ay hindi ako aalis dito! at hindi kita hahayaang magmaligaya sa piling ng asawa ko! idedemanda ko kayo!" Namumula sa galit na asik muli ni Ciamara. Hindi siya magsawang singhalan ang mga kupal na ito. Siya si Ciamara Briones, isang maganda at mayamang babae na pinapangarap ng mga kalalakihan. At hindi siya papayag na habang buhay nalang siyang naging talo dahil sa pang rereject sa kanya ng asawa niya. "Oh, sige, magdemanda ka! hinding-hindi ako natatakot Ciamara! at haharapin kita sa kurte!" Galit ding tugon ni Henry. "Babe, hanggang kaya man lang niyang magtiis dito kasama sa atin ay hahayaan na lang natin siya.." Matamis na ngiting Sabi pa ni Elisse. Gigil na gigil siya dahil sa ginawang iyon ni Henry sa kanya at hindi ito nagrespeto man lang sa kanya-sa kanyang pagiging asawa. Kahit sabihing hindi siya mahal nito at mapipilitan lang sila dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Mas lalong inaapakan ni Henry ang kanyang pagiging isang asawa. Nasanay na nga lang siya na kahit hindi siya nagiging ganap na asawa nito dahil walang namagitan sa kanila sa loob ng dalawang taon. At okay na nga lang siya na kahit nagka anak ito kay Elisse dahil nauna naman si elisse sa buhay nito kumpara sa kanya at minsan narinig niyang dumalaw ito sa bata, iniintindi parin niya iyon. Pero ngayon, ay hindi na talaga ito tama. Nang mailibing ang ama nitong kamamatay lang ay dinala na talaga ni Henry Si Elisse sa mansion at ang anak nito. Ngayon niya napag isip-isip na palihim lang ang mga itong magkikita dahil natatakot si Henry sa ama nito. Pero ngayon, heto na at lumabas na talaga ang lahat ng kalokohang ginagawa ng asawa. Patuloy lang pala ang relasyon ng mga ito. Gustong-gusto ni Ciamara na gagantihan ang mga ito dahil sa ginagawa ng asawa at ng kabit nito. Subalit hindi niya alam kung paano magsimula at kung paano niya ang mga ito gagantihan. Nakipag-usap si Ciamara ng sarilinan sa Ina ni Henry at dito niya ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya sa anak nito. "I know from the start mommy, na mahirap talagang ipinagkasundo lang kaming ipakasal ni Henry. Pero sumusobra na itong ginagawa niya sa akin, hindi niya iniisip na habang nagpapakasarap sila ay may tao silang nasasaktan. Pakiramdam ko'y parang basahan nalang ako sa paningin niya dito sa pamamahay niyo at parang palamuti nalang ako. Kahit sabihing walang namagitan sa amin at walang pagmamahalang nasa gitna naming dalawa ay tinapakan niya parin ako sa ginagawa niya ngayon!! dinala niya ang kabit niya dito! ni hindi nalang siya bumili ng bahay upang doon patirahin ang babae niya! dito pa niya talaga dinala sa mansion niyo kung saan narito din ako! " Ani Ciamara at di na napigilang humagulhol ng iyak sa harap ng Ina ni Henry. "I'm sorry iha, I'm sorry. Maging ako din ay hindi ko alam kung paano ko kokontrahin ang anak ko sa gusto niya. Hinding-hindi ko rin nagugustohan ang ginagawa niyang ito,." Tugon ng Ina ni Henry. At nakikita naman niya ang labis na konsensya nito dahil sa ginawa ng anak nito sa kanya. "But I know mommy, na may part sa puso mong natutuwa ka dahil sa apo niyo na nandito na ngayon sa pamamahay niyo.." Prangkang wika niya sa mommy ni Henry. natigilan naman ito. "Y- yes, hindi ko yan i-deny iha, pero hanggang sa apo lang ang gusto ko, hindi pa rin ako sumasang-ayon na pati si Elisse ay dinala na rin ng anak ko rito.. alam ko kung anong mararamdaman mo iha." Tugon muli ni Mrs. Lorenda. "A-anong gusto mo, aalis ka ba dito iha?" Dagdag na wikang tanong nito. "No mommy Lorenda, dito parin ako, ipaglalaban ko pa rin ang pagiging legal kong asawa!! at ipapakita ko yan kay Elisse at Henry! hindi ako patatalo sa isang kabit!! kahit na siya ang mahal ni Henry at siya ang nauna sa buhay ng anak niyo pero ako pa rin ang legal na A asawa! kaya hindi ako makakapayag at ipapakita ko sa kanila na hindi ako talunan!" Mariing wika ni Ciamara. Araw ng sabado ay sobrang nagngitngit ang kalooban ni Ciamara nang maaga pa lang ay umalis na sina Henry at Elisse kasama ang dalawang taong gulang na anak ng mga ito. Narinig niya ang pag- uusap ng mga katulong na mamasyal daw ang mga ito at sa sobrang sama ng loob niya ay umalis din siya papuntang mansion nila. Dadalawin na naman niya ang kanyang ina at gusto niyang ilabas roon ang sobrang sama ng loob niya sa kanyang mga magulang sa kanyang kalagayan ngayon. Ayaw niyang susuko sa pagiging asawa ni Henry dahil tiyak na ikakatuwa iyon ni Elisse at sisikapin niyang gagawing impyerno ang buhay ni Elisse at Henry! hindi pweding magmamaligaya ang mga ito habang siya ay nagdurusa. _____ Samantalang Si Gianna ay sumasakit ang ulo niya dahil sa laki ng problema niya ngayon, dinala sa hospital ngayon ang kanyang Ina dahil sa diabetes ay kailangang putolin ang Isang paa nito. Minsan kasi pag walang pera ay di mabibili ang mga maintenance ng kanyang Ina kaya lumala ang kalagayan nito ngayon. At heto siya ngayon sa isang plaza mart at nagmamatyag roon at naghahanap ng mayaman na pwedi niyang ma snatch ang bag nito dahil alam niyang may malaking pera iyon kapag mayaman. Naka motorsiklo siya at ipinarada niya iyon sa tabi. Naka suot siya ng sombrero, naka jersey na kulay yellow at naka jacket na kulay black na pinarisan ng jeans na kulay black din. Insaktong paparating naman sa kanyang kinaroroonan ang isang may edad na babae na mukhang donya at may bitbit na mamahaling bag na di gaanong malaki. Hinanda ni Gianna ang sarili, bahala na kung masama itong gagawin niya, ang importante ay may pang gastos sila sa hospital ng tatay Noey niya. Kulang pa kasi ang na scam niyang pera sa mga sss accounts na na hack nila ng kanyang mga kaibigan. Pagdaan ng matandang babae ay agad niyang inagaw ang bag nito at mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang motorsiklo! "Tulong!! ang bag ko!! snatcher!! snatcher!! tulong!!" Pagsisigaw ng matandang babae kaya mabilis namang hinabol si Gianna ng mga guard na na assign malapit sa plaza. Ngunit si Gianna ay malakas na pinatakbo ang motorsiklo na dala niya at nag-iwan pa s'ya ng mga alikabok dulot ng lakas ng pagpapatakbo n'ya rito. "Yes, may nakuha na ako!! patawad lord! kailangan ko ito, total mayaman naman sila, kaya akin nalang 'to!! para kay Nanay!!" Sabi pa ni Gianna at mas pinalakasan pa niya ang pagtakbo ng kanyang dalang motorsiklo. Mabjgat ang bag at alam niyang may maraming laman iyon. Natuwa siya nang makitang wala namang nakasunod sa kanya. Sumusuot kasi muna siya sa mga sulok na daanan bago siya nagpapa high way. Ngunit biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang may masalubong siyang isang kotse at tiyak na mababangga siya rito kaya kailangang niyang makapag menor agad para di siya mapurohan! Mabilis naman siyang naka menor ngunit bumangga parin siya sa kotse nito pero di gaanong malakas na banggaan dahil sa pagmenor niya pero natapon parin ang kanyang motorsiklo at natumba siya sa tabi. Mabuti nalang at mabagal lang ang pagpapatakbo ng kotse ng kasalubong niya at di siya gaanong napurohan at mabuti nalang ay naka helmet din siya. "A-aray!" Daing niya dahil naiipit ang kanang kamay niya sa ulohan ng kanyang motorsiklo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD