Kaya kailangan niya munang dumistansya dahil sa sitwasyon. Kailangan niyang papasyal kunyari sa mansion nina Ciamara upang makaiwas siya kay Henry. "Manang Gloria, nasaan si Ma'am Ciamara niyo?" Tanong ni Henry. "Ahh.. naroon sa mansion nila Sir, dadalaw daw ito roon.." Ang sagot ni aling Gloria. "Hayaan mo muna ang asawa mo doon, anak. Baka nagulat lang siya sa mga ginagawa at sa mga desisyon mo." Ang sabi ni Mrs. Lorenda. Sinunod naman ni Henry ang advice ng ina kaya di niya nalang sinundo si Ciamara at hinihintay niyang kusa itong uuwi. Pigil-hininga si Henry sa galit nang magdadalawang araw na lang ay di pa umuwi si Ciamara kaya sa galit nito ay hindi nito napigilan sng sariling puntahan at sunduin ang asawa sa Mansion ng mga ito. "Sweetheart, thanks you are here!" Salubong pa n

