CHAPTER 2

1101 Words
Maaga na naman akong nagising as usual. Bago ko iwan sila inay ay ibinigay ko muna ang limang libo kong ipon kay inay para hindi na ako mag alala sa mga kakainin nila sa susunod na araw. Nakarating ako ng alas siyete sa mansyon sakto at nandoon na rin pala ang mga natanggap na maid kahapon. Buti nalang talaga at Naka abot pa ako. At swerte ko kasi ako ang panghuli na natanggap. Pinapasok kami ni mang Cario sa gate at habang papasok kami ay labis ang pagkamangha ko sa buong paligid. Ang daming ibat ibang bulaklak my fountain din. Pagpasok namin sa loob ay mas lalo akong namangha. Sobrang lawak at sobrang ganda din sa loob. Ang laki nung ilaw sa itaas kung hindi ako nagkakamali chandelier ang tawag doon ng mga mayayaman. Ang ganda ng mga furnitures. Ang sahig ay kulay marbles. Nakakamangha sa ganda. Nawala ang pagmumuni muni ko sa paligid ng marinig naming tumikhim si manang josefa kaya nagsi ayos kami ng tayo. "Ang pangalan ko ay Josefa Cruz. Ako ang mayordoma ng pamilyang Montemayor. Tawagin niyo akong manang Josefa. Strikto ako sa lahat ng bagay kaya dapat ayusin niyo ang trabaho niyo dahil mas strikto pa sa akin ang May ari ng mansyon na ito. 25 thousand ang makukuha niyong sweldo tuwing katapusan ng buwan." Nanlaki naman ang aking mata dahil sa sinabi ni manang Josefa, sobrang laki pala ng makukuha naming sahod. "Pag May nawala na gamit o pag May nagnakaw isa sa inyo ay automatic tanggal na agad sa trabaho." Napalunok naman ako dahil sa sinabi ni manang. Aaminin kong nakakatakot ang awra niya napakaseryoso naman kasi niyang magsalita ni wala manlang kangiti ngiti. "Sumunod kayo sa akin at ng maituro ko ang inyong magiging silid. Hindi ko kayo pag tatrabahuhin ngayon ang dapat niyong gawin ay iayos ang inyong mga kagamitan. Bukas kayo mag uumpisa. Bawat umaga ay makikita niyo sa bawat pinto ninyo ang mga nakaatas na linisan ninyo." Wika pa nito sa amin habang kami naman ay nakasunod sa kanya. Nakarating kami sa isang pinto na may tatak na maid quarters. Pagbukas ni manang doon ay bumungad sa amin ang napakaraming kwarto. kinse iyon lahat, ng bilangin ko talagang sapat lang sa amin. "Bahala na kayong pumili ng magiging silid niyo. Kung May nagugutom sa inyo pumunta lamang kayo ng kusina at kayo na ang bahalang magluto ng kakainin niyo. Hindi ipinagbabawal ang pagkuha ng pagkain dito. Pwede kayong kumain anumang oras basta dapat focus parin kayo sa trabaho." Saad ni manang bago tuluyang umalis. "Hi ako nga pala si trice." Pakilala nong isang babaeng bumulong kanina sa akin . "Ako naman si Jezelle." "Taga dito ka rin ba sa sta. Rosa?" - trice "Umm ikaw ba?" "Naku tiga ibang barangay pa ako." - trice "Tara ito nalang ang piliin nating silid para magkatabi tayo." Aniya nito. Pinili niya ang number 7 at ako naman ay number 8 ako ang nasa pinakadulo katapat ng kwarto ko ay ang number 15. Pagkapasok sa loob ay namangha na naman ako. Mas malawak pa itong silid kaysa sa bahay namin. Umupo ako sa malambot na kama. Ang lambot niyon di tulad ng hinihigaan namin sa bahay na banig lang. Tinanggal ko ang suot kong sapatos at masayang nagtatalon sa kama. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil para akong batang ngayon pa lamang ulit makakatulog sa komportableng higaan. Nagpagulong gulong pa ako doon. Nang magsawa ay inayos ko na ang mga gamit ko. Iyong mga kinuha kung damit ay iyong mga bago na padala ni tita mercy na kapatid ni tatay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Every month ay nagpapadala si tita sa amin kaya kahit papaano ay hindi namin preno problema ang mga school supplies ng mga kapatid ko. Binuksan ko ang Kabinet at sakto ay nandoon na rin ang uniform naming mga maid. Sinimulan ko ng ilagay sa aparador ang mga gamit ko. Nang matapos ay naisipan kong matulog sa malambot na kama. Nagising ako ng ala una ng hapon. Grabe ang haba ng tulog ko ah. Ngayon ko lang din napansin na may sarili din palang banyo itong kwarto. "Mainit ang panahon ngayon masarap sigurong maligo." Binuksan ko ang pinto ng banyo at nanlaki ang aking mga mata sa pagkamangha. Pumasok ako sa loob at pinagmasdang mabuti ang shower. Grabe ngayon palang ako makakaranas na maligo na hindi tabo at timba ang gamit ko. Kung sana lang ay pwede kong madala ang mga kapatid ko dito kaso bawal eh. Isa pa man din iyon sa mahigpit na bilin ni manang Josefa. At hindi lang iyon kompleto rin ang mga gamit. May tuwalya mga shampoo at sabon na pambabae. Actually ang linis nga ng buong silid lalo na ang CR. Kumikinang sa sobrang tingkad ng puting tiles. Nagdesisyon akong maligo. Hinubad ko na lahat ng kasuotan ko tutal ako lang din naman magisa sa kwartong ito. Nung una ay hindi ko pa alam kung paano gamitin ang shower. Habang rumaragasa ang maligamgam na tubig mula sa aking hubad na katawan ay kumakanta rin ako. "Wow ang bango huh shampong pangmayaman talaga. Pati ang sabon mabango rin." Nang matapos maligo ay binalot ko na ng towel ang aking basang katawan. "Hmm... So refreshing.." Lumabas na ako at piniling magsuot ng over size t-shirt at short. Sakto namang may kumatok sa pintuan ng matapos na akong makapagpalit. Binuksan ko ang pinto at agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Trice. "Tara kain tayo sa baba." Aya nito. "Sige." Katulad ko ay Naka over size t-shirt at short din si Trice. Pagkababa ay nagtungo na kami ng kusina muntik pa naming hindi matunton iyon dahil sa sobrang laki ng mansyon. Nandito na rin pala halos lahat ng mga kasamahan namin ang iba ay kumakain at ang iba ay tapos ng kumain. "Hai. Halikayo umupo na kayo at ng makakain na kayo. Nagluto ako ng marami para sa ating lahat." Saad noong isa at inabot sa amin ang kaldero. "Salamat ako nga pala si trice ito namang kasama ko ay si Jezelle." "Nice meeting you two ako nga pala si heaven tiga barangay Sampaloc." "Naku magkabarangay pala tayo heaven." "Hi ako nga pala si Joe, Jezelle." Inabot ko naman iyong kamay ni Joe na nagpakilala sa akin. "Tiga saang barangay ka?" Tanong pa nito. "Ah tiga dito rin sa sta. Rosa." Sagot ko. "Ah pareho pala tayo." Kumain na kami ni trice at habang kumakain ay isa isa namang nagpapakilala sa amin ang mga kasamahan namin. Puro tawanan at biruan pa kami. Nang sumapit ang gabi ay kanya kanya na kaming pasok sa mga silid namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD