NAIUNTOG ni Lia ang ulo sa manibela ng maalala ang nangyari kagabi. Wala na siya sa resort na sana'y pinagtataguan niya muna sana. Pagkagising kasi nito kaninang umaga, nakita niya ang sarili sa loob ng isang kwarto kasama ang isang lalaki na umangkin sa kanya. Masyado siyang wala sa sarili kagabi para hayaang may mangyari na hindi niya alam kung anong gagawin. Kaya imbis na mamalagi, umalis na lamang ito at sinigurong hindi magigising ang lalaki.
"What are you thinking Lia?" bulong nito bago iangat ang ulo. Nakailang beses pa siyang buntong hininga bago mapagdesisyunang magmaneho muli. Kung saan siya pupunta, 'yon ang hindi niya alam lalo na't wala siya gaanong alam sa La union.
'Bahala na kung saan ako mapupunta. Hindi pa ako pwedeng umuwi sa Manila.'
MALAKAS na tawa mula kay Reige ang nagpairap kay Graxon. Kinuwento kasi nito ang nangyari kasama ang pagkainis niya sa biglaang pagkawala ng babae pagkagising nito. Alam niya na ngayong wala na ito'y baka mahirapan siyang hanapin ang babae. Isama pa ang deal nilang dalawa ng kaibigan. Gusto niya kasi talaga ang bahay nito sa Baguio dahil sa magandang tanawin nito, kaya ganun na lang na naiinis siya ngayon.
"So, ano na ang gagawin mo? Naka-isa ka na, pero may apat pang natitira. Walang palitan ng babae Graxon, pinili mo siya kaya dapat siya pa rin ang ikama mo ng limang beses," sabi ni Reige na natutuwang asarin ang kaibigan. Kasama nila si Ion na tahimik na nagu-umagahan at nakikinig sa dalawang kaibigan.
"Alam ko," walang ganang tugon ni Graxon bago uminom sa kape nito.
"Para lang sa bahay naiinis ka na d'yan? Mayaman ka, bakit hindi ka na lang magpatayo ng sa'yo?" Singit ni Ion na blankong tinitignan ang dalawa.
"One of a kind kasi ang pinag tayuan ng bahay ko bro, kaya gustong gusto nitong si Graxon."
"Edi bilhin mo sa kanya," muling saad ni Ion na nagpailing kay Graxon.
"Kung nabili ko na edi sana hindi ako naiinis ngayon," nakasimangot na sagot nito na nagpatawa ng malakas kay Reige. "Barat 'yan, hindi lang triple ang presyong binigay niya nung sinubukan kong bilhin."
"Syempre! Bro, apat na taon bago matapos ang bahay kaya dapat lang na malaki ang bayad. Sa panahon ngayon, mahal na ang bilihin."
Hindi na lamang nagsalita si Ion na iniisip kung bakit ba naging kaibigan niya ang dalawang play-f*ck boys na ito. Sa kanilang tatlo, tanging si Ion lang ang maayos ang pag-iisip. Nakikipagtalik ito sa ibang babae ngunit mapili siya at matagal ng walang interes sa ganung bagay. Isa sa dahilan nun ay ang pagka-busy nito sa kanyang trabaho.
Matapos ng kanilang umagahan, nagyaya si Reige na pumunta sa kabilang resort. Doon kasi gaganapin ang runway at isa sa mga modelo ay si Reige. Dapat sa resort ni Graxon ang kaso... umayaw ito dahil nga birthday niya kahapon at ayaw niyang may sumasabay na event. Kahit na sabihin pa ng iba na tapos na, umayaw pa rin siya kaya naman sinabihan na lang ni Reige sa management niya na sa kabilang resort na lang ganapin.
Maayos na nakarating ang tatlo sa resort. Humiwalay pa sila Reige at Ion kay Graxon dahil isa sa nag-aayos ng event si Ion na sideline niya minsan. Kaya walang nagawa si Graxon kundi ang lumibot muna sa buong resort. Kumpara sa resort niya, mas maliit ito ngunit halatang maraming dumadayo. Napunta pa siya sa pool area kung saan aalis na sana siya nang may mahagip ang kanyang mata.
UMINOM si Lia sa juice na in-order nito. Wala gaanong tao sa pool area ng resort na pinuntahan nito dahil na rin sa event na narinig niya kaninang pinag-uusapan ng mga tao. Hindi na lang siya nakiususyo't tahimik na pinapanood ang pool na walang tao.
Pagdating niya kanina sa resort, nag check-in ito agad at pilit na inalis sa isipan ang nangyari sa kanila ng lalaki kagabi. Dapat nga hindi siya pupunta dito ngunit naisip niya, mas maigi munang mamalagi siya sa La union habang nag-iisip kung saan siya sunod na pupunta. Alam niya kasing hindi siya makakalayo ng masyado dahil sa perang dala niya, maya't maya ay mauubos na ito at wala siyang magagawa kundi ang bumalik.
Kaya habang may pera pa siya, susulitin niya ang munting kalayaan nito na ngayon niya lamang mararanasan muli. Sa tuwing nasa bahay kasi siya, pakiramdam niya isa siyang pambayad ng ina sa mga mayaman na lalaki. Hindi na bago sa kanya ang nangyari, lalo na't hindi na ata niya mabilang ang mga lalaking pinakilala ng ina. Karamihan sa mga ito ay matanda na sinubukan nga siyang gahasain.
Pero dahil may kaalaman ito kaunti sa self defense na patago niyang pinag-aralan, iyon ang kanyang ginamit upang protektahan ang sarili. Ang kaso, kung gaano kalakas ang loob niyang protektahan ang sarili sa iba, ganun naman siya kahina upang protektahan ang sarili sa ina. Hindi niya alam pero sanay na siya sa tuwing sasaktan siya nito. Iniiyak na lang niya ang lahat ng pananakit nito sa kanya.
Maraming nagsabi na dating kaibigan ng dalaga na umalis sa puder ng ina. O dikaya nama'y magsumbong sa mga pulis para maparusahan ito. Ngunit kahit tama, hindi pwede dahil kung gagawin niya 'yun... hindi na niya makukuha ang bahay na ipinamana sa kanya ng ama. Bago mamatay ang ama niya noon, pinangako niyang aalagaan nito ang bahay. Kaya kahit parang sobra na ang pananakit ng ina, hinahayaan na niya lamang lalo na't ina niya pa rin ito.
"I wonder... ano kayang iniisip mo?"
Nawala sa pagtitig si Lia sa taong nagsalita. Naalis sa bibig nito ang straw ng juice bago lingunin ang nagsalita. Halos mabingi pa siya sa biglang pag kabog ng dibdib nito nang makita ang lalaking kasama niya kagabi.
Binalik ni Graxon ang straw sa bibig ng dalaga at nginitian siya. "Bakit umalis ka ng walang pasabi?" kaswal nitong tanong.
Walang masabi si Lia na matamang nakatitig sa binata. Nakaramdam pa siya ng kaunting kaba sa kung paano siya nito nahanap. Gusto niyang tumakbo ngunit hindi nakiki-ayon ang katawan nito upang lumayo.
"Hey, nakikinig ka ba?" Pinitik pitik ng lalaki ang daliri at lumapit kaunti para tingnan kung nakikinig ba ito.
Mabilis na inalis ng dalaga ang straw sa kanyang bibig bago nagmamadaling tumayo, nilapag niya pa sa mesa ang baso bago maglakad palayo. Pero dahil ayaw ni Graxon na makaalis ito habang hindi pa natatapos ang parang pustahan nila ni Reige, nasa isip niya na hindi niya papagayagang umalis ito nang hindi siya nakakama ng limang beses.
"Uh-oh... hindi ka pa pwedeng umalis, Ms. Lia." Pagpipigil ng binata na hinila ang dalaga palapit sa kanya. Automatic na napaupo si Lia sa isang hita nito na naging dahilan upang mabuhos ang juice sa suot ni Graxon na simpleng baby blue polo.
Napatingin si Graxon sa suot niya habang si Lia nama'y mabilis na umalis sa pagka kakandong sa binata. Sa ginawa niya kasing iyon, bumalik sa isipan nito ang nangyari kagabi. Para bang nag-flashback ang lahat na nagsimulang mag painit sa kanyang katawan.
'Ano bang problema ng lalaking ito?'
"A-ano pa bang kailangan mo? Nakuha mo na kagabi diba? K-kaya bakit ba kinakausap mo pa ako?" iwas tingin na tanong ni Lia.
Alam kasi ng dalaga na matapos makuha ng mga lalaki ang gusto nila ay hindi na ito magpaparamdam. Hindi niya pa man nararanasan, ngunit iyon ang kanyang naririnig. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit hinayaan niya ang isang estranghero upang angkinin siya. Nagustuhan niya ang nangyari dahil bago ito, ngunit hindi siya pwedeng magpalinlang ulit. Dahil mali... maling mali.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Graxon at parang wala lang sa kanya na nabuhusan ito ng juice. Tinignan niya pa ang paligid bago alisin ang namantsahang polo nito. Pagkaalis, nilapag niya ito sa pinag-upuan bago lapitan si Lia na napaatras sa ginawang paghakbang nito.
"Nakuha? Sa tingin mo talaga 'yun ang dahilan kaya kita kinakausap?"
"O-oo... h-hindi ba't g-ganun kayong mga lalaki? T-tiyaka... one night stand ang nangyari, k-kalimutan na natin at m-magkanya k-kanya sa buhay," utal-utal na sagot ni Lia na patuloy sa paghakbang palayo.
"Pero nagustuhan mo, tama?" Huminto ang binata't tinitigan ito sa mata. "You liked it because it's your first time. Because for me? I want to savor you again, because you know..." huminto siya saglit sa pananalita at pinagmasdan ang buo nitong katawan. "... you are irresistible, Ms. Lia. You are like a food that makes my mouth water."
Namula ang buong mukha ng dalaga sa narinig. "B-bastos!" singhal nito na ikinatawa lamang ni Graxon.
"Pero nagpabastos ka," sagot ni Graxon na humalukipkip. Sa ginawa niyang iyon, nagpakita ang muscles nito at mas gumanda ang hubog ng katawan. Napatingin pa saglit si Lia sa katawan nito at napapikit nang parang may nagtutulak sa kanyang lapitan ang binata at hawakan ang katawan nitong kanyang hinaplos kagabi.
Dahil sa pagpikit ni Lia, hindi niya namalayang patakbong lumapit sa kanya ang lalaki. Pinulupot nito ang kamay sa kanyang bewang saka idinikit ang katawan nilang dalawa.
"But that's okay Ms. Lia, I can make you scream again if you want," nakangiti na bulong ni Graxon bago siilin ng halik ang dalaga.
Nakandagulo gulo ang isipan ni Lia sa halik na iginawad sa kanya ng binata. Mas lalo pang nag-init ang katawan niya nang malagay nito ang kamay sa matipunong katawan ni Graxon. Masyadong mainit ang katawan nito para sa kanya na alam niyang nagugustuhan niya.
Mahinang daing ang kumawala sa bibig ng dalaga nang marahang kagatin ni Graxon ang labi nito. Nalasahan niya pa ang kaunti niyang dugo na sinipsip ng binata bago muling palalimin ang halik. At kahit parang nanlalaban ang utak ng dalaga, kusang pumikit ang kanyang mata't hinalikan pabalik ang lalaki.
Alam niyang sa ginagawa nila'y baka may makakita o dikaya nama'y may nakakita na hindi lang nila alam. Pero dahil nga sa kakaibang sensasyon na binibigay ng lalaki, para bang naging sunod-sunuran si Lia na hindi mapigilan ang sarili.
Lumipat ang isang kamay nito sa balikat ni Graxon ng maglakad sila habang magkadikit pa rin ang labi ng isa't isa. Napunta sila sa malapit na shower room at pumasok sa loob ng isang cubicle. Sinandal ni Graxon ang dalaga sa pader bago nagsimulang gumalaw ang kamay nito. Unang napunta ang kamay ng binata sa loob ng maluwang na shirt na suot ni Lia at walang kahirap hirap na inalis ang clip ng suot nitong bra.
Naiyakap ni Lia ang kamay nito kay Graxon nang sakupin ng malaking palad nito ang isa niyang dibdib. Sinimulan itong laruin ng binata kaya ganun na lamang ang paglabas ng mahina niyang daing ng maputol ang kanilang halik. Hindi pa nagmulat ng mata si Lia dahil sa sarap at hiya na kanyang nararamdaman. Kaya naman kinuhang tiyansa ito ni Graxon upang pagmasdan ang buo nitong mukha.
Hindi niya man aminin, alam niya mula pa kagabi na ginaganahan siya sa tuwing makikita ang sarap sa mukha ng dalaga. At ang marinig ang mga daing nito'y mas nagpapabuhay sa buo niyang p*********i. Kaya sa rami ng naikama niyang babae, si Lia lamang ang nagpaparamdam sa kanya ng excitement na hindi niya nararamdaman sa iba.
Kapag kasi tapos na siyang makipagtalik sa iba, kusang nawawala sa isip niya ang babaeng nakasama niya sa kama. Ang iba pa nga sa kanila ay limot na niya, ngunit iba sa babaeng ito… iba dahil parang gusto niyang araw-arawin itong angkinin. At ang pagkawala nito kaninang umaga ang isa sa kinaiinisan niya. Hindi niya lang masabi sa dalawang kaibigan na kakaiba siya sa lahat ng babaeng naikama niya lalo na't hindi siya sigurado sa dahilan.
Inalis ni Graxon ang kamay niyang nasa bewang ng dalaga at bumaba sa pagitan ng hita nito. Kahit na may suot na shorts si Lia, hinaplos niya ito na nagpadaing muli sa babae. Tinigil pa muna ni Graxon ang paglalaro sa dibdib nito't tinukso ang p********e nito gamit ng kanyang makasalanang kamay.
"S-stop..." hirap na bulong ni Lia na ngayo'y nagmulat na. Nakakagat ito sa labi at pilit na inaalis ang kamay ni Graxon sa pagitan ng kanyang hita. "T-this… is not right.”
Imbis na pakinggan, pinasok ni Graxon ang kamay nito sa cotton na shorts niya kasunod sa kanyang panty. Natamaan ng daliri ng binata ang sensitibong parte kaya ganun na lang na naisandal ni Lia ang ulo sa balikat ng lalaki.
"You're wet darling, we should do something about it," bulong ni Graxon na sinimulang galawin ang daliri nito sa loob.
Nakaawang ang bibig ni Lia habang dinadama ang paglalarong ginagawa ng binata sa pagitan ng kanyang hita. Nanghina pa ang katawan niya kaya ganun na lang ang kapit nito kay Graxon. Sa pagpasok ng isa niyang daliri, mas humigpit ang kapit ni Lia sa kanya at dadaing sana nang makarinig silang dalawa ng taong pumasok sa loob.
Naalis ang pagkakasandal ni Lia sa balikat nito't tinignan si Graxon na parang wala lang sa kanya na may pumasok. Pagtuloy lang kasi ito sa ginagawa na lumapit pa sa dalaga upang halikan ang gilid ng tenga nito. Mariing pagkagat sa labi ang ginawa ni Lia na alam niyang nagpasugat sa ibaba niyang labi. Bumigat pa ang paraan ng paghinga niya nang gamitin ni Graxon ang isa nitong kamay upang ibaba ang shorts ng dalaga at kanyang panty.
Bumagsak ito paibaba sa sahig at sa pagbubukas ng shower sa kabilang cubicle, binilisan ni Graxon ang paglabas masok ng daliri niya kay Lia na hindi alam kung dadaing ba o ano. Patuloy lang din ito sa paghalik sa kanya na ngayon ay nasa leeg na nito.
"Oh... f-faster..." mahinang bulong ni Lia na wala sa tamang pag-iisip. Nararamdaman niya ang pag ngiti ni Graxon na sinunod ang utos nito.
Tumaas ang halik niya patungo sa labi ng dalaga na kusang sinalubong ang daliri nito. Pinatigil pa siya ni Graxon sa paghawak nito sa kanyang balakang. At kasabay ng pagtigil ng tunog ng shower, siya namang pag-abot ni Lia sa kanyang kasukdulan. Nakagat niya pa ang labi ni Graxon na humiwalay sa halik. Inalis din nito ang daliri sa kanya't sinubo ang sarili niyang daliri na pinanood ni Lia.
"Masarap naman ba ang pangbabastos ko, Ms. Lia?"