KABANATA II

1851 Words
ENCOUNTER “w-what the-!” agad akong tumalikod upang tingnan kung sino ang mapangahas na may lakas ng loob para yumakap sa taong hindi naman nila kilala. Sa paglingon ko ay nakita ko ang isang maputing babae, mahaba ang buhok na naka tali na parang buntot ng kabayo at nakasuot ng salamin at nakayukong umatras palayo sa akin. Bago pa siya makalayo sa akin ay nahawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan upang siya’y magulat at mapatingin sa akin. Muntik na sana siyang matumba ngunit agad kong nahawakan ang kaniyang likod at nasuportahan ang kaniyang katawan upang hindi matumba ng tuluyan. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng panahon na ma distract sa nangyari o sadyang ang ganda lang talaga ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mukha, napakaamo at napakagandang babae. Ngunit bigla kong naalala ang pakay ko kung bakit ako andito dahilan upang agad ko siyang nabitawan at tuluyan na nga siyang natumba. “Aray! Kung sasaluhin mo na nga lang yung tao bat mo pa bibitawan sa huli, hindi ba pwedeng bumitaw pag okay na? pag kaya ng tumayo ng taong muntik na ngang mahulog?” hindi ko alam kung ano ang kaniyang ibig ipahiwatig kaya napagdesisyon kong muling gawin ang aking binabalak kaya hinarang na niya ako. “miss, ano bang problema mo?” “Ako?! Ako pa talaga ang may problema?! Ikaw nga tong gusting magpakamatay eh!” “eh ano naman yun sayo?” bigla kong nakitaan ng guilt expression ang kaniyang mukha o baka guni guni ko lang kaya ako'y muling tumikhim at inayos niya ang kaniyang sarili. “sino ba naman kasing matinong tao na magpapakamatay sa tanghaling tapat?! Tsaka kung ano man iyang pinagdadaanan mo ay hindi solusyong ang pagpapakamatay!” “Eh ano naman iyon saiyo? Tsaka pwede ba hindi kita kilala miss kaya huwag mo akong pagsabihan ng ganyan.” Medyo inis kong sambit sa kaniya. “I am Joana and I know that I didn’t know what happened to you pero hindi mo kailangang magpakamatay. Naniniwala akong nabuhay ka dahil may rason. Kaya iyong rason na iyon ang gawin mong inspirasyon para mabuhay.” “paano pa ako magkakaroon ng rason kung ang mga taong minamahal ko ay wala na? paano pa ako mabubuhay kung ang mga taong inaasam kong Makita kada araw sa aking pag gising ay lumisan na?! paano?!.” Medyo pasigaw ko ng sambit sa kaniya dahil para sa akin ay hindi niya naiintindihan ang punto ko. Ngunit hindi parin siya nagpatinag. “paano kung namatay sila hindi dahil sa aksidente? Hahayaan mo nalang ba na ang mga taong pumatay sa mga minamahal mo ay mabuhay ng parang walang krimen na ginawa? Kasi kung ako iyon hinding hindi ko hahayaan iyon.” Napatigil ako saglit sa kaniyang sinabi. She has a point. Why would my mom suddenly collapse eh kakahugas niya pa lang sa lababo nung natagpuan ko siya. Ngunit baka nga din talaga inataki si Inay sa puso dahil walang dugo na lumabas at basi sa autopsy eh cardiac arrest ang nangyari. “Imposible iyang sinasabi mo Joana. Wala akong dugo na nakita nung naabutan ko si inay. Kung may papatay man sa kaniya edi sana nakakita ako ng dugo at tsaka ang doktor nadin ang may sabi, cardiac arrest ang ikinamatay ng mga Magulang ko.” May diing sabi ko. Nakita ko siyang pinagpag ang kaniyang damit, hudyat na sa kaniyang pag-alis. “ahh basta! Huwag mong sayangin ang mga araw na sana’y magagawa mo pa na ikaliligaya ng iyong magulang sa pagpapakamatay. Dahil alam ko, iyan ang hindi nila gustong gawin mo.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na si Joana at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Napagdesisyonan kong bumalik nalang sa bahay at ihanda ang mga damit na susuotin ng aking mga magulang at mga gamit na dapat kong ihanda sa lamay. Mag aalas singko na ng hapon ako nakabalik sa bahay at agad kong pinuntahan ang lababo sa kusina kung saan ko naabutan ang aking ina na nakahandusay sa sahig at nakatulala. Naalala ko ang aking Inay na palaging nagluluto at nag si-sermon sa akin at si Itay na laging nagmamadaling umalis sa bahay at pumunta sa Bangka upang maiwasan ang panenermon ni Inay. Napangiti ako ng maalala ko iyon. Nay,Tay.. gustuhin ko man pong sumunod sa inyo pero pag pipilitin ko pong sundan kayo ngayon, baka hindi ko napo talaga kayo makikita. Kaya Nay kung mayroon man pong walanghiyang nanakit po sa inyo ay bigyan niyo po ako ng sign nay. Gagawin ko po ang lahat upang mabigyan ko po kayo ng hustisya. Napaiyak ako ng maproseso ko sa aking isipan na ako nalang mag-isa dito sa bahay. Hindi ko na makikita ang aking mga magulang, hinding hindi ko na maririnig ang aking Ina tuwing umaga. At hinding hindi ko na mararanasang mangisda kasama ang aking ama. Tulala akong napatingin sa lababo ng may napansin akong isang itim na maliit na bagay. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan. Hugis bilog siya na parang butones na itim na parang may mali-liit na butas at may nakaukit na butterfly na nakapaloob sa mga butas. Napansin kong parang may amoy ang mga butas ngunit hindi na ito gaanong klaro kasi parang nagamit na. Hindi pamilyar sa akin ang bagay na aking napulot. Bigla kong naalala ang nasabi ni Joana sa akin. Hindi kaya’y may pumatay sa aking ina? Kung meron man, sino ang pumatay sa kanya? At bakit ito nangyari sa akin?. Umaapoy ang galit sa aking puso at hindi ko naiwasang itapon ang mga bagay na nasa kusina. Gusto kong manuntok, gusto kong manakit, gusto kong ipadanas sa kanila ang sakit at pighati na naranasan ko nung nawala ang aking ina at ama. Hindi sapat ang mga bagay na inihagis ko na mgakagamitan dito sa bahay upang mailabas ko ang sakit, poot at galit na aking naramdaman ng mapagtantong posible nga na may pumatay sa aking Inay. Bakit kinakailangan pang umabot sa ganito? Ano ang ginawa ni Inay upang maranasan niya ang mga bagay na ito? Sa ilang sandali kong pag-iisip, napag desisyonan kong maghiganti sa taong may gawa nito sa aking ina. Sisiguraduhin kong magdudusa din ang taong may gawa nito. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko malaman at maiparamdam sa kung sino man ang may gawa nito sa kanila ang sakit na katumbas ng aking nararanasan ngayon. Kinabukasan sa dapit hapon ay dumating na ang aking mga magulang sa kani-kanilang mga kabaong kaya tinulungan ko ang mga naghatid sa kanila upang mailagay sila sa sa maayos na pwesto nang may kumatok sa bahay at pumasok. "Magandang umaga, nandito ba si Adrian Torralbes?" rinig kong tanong niya sa mga trabahanteng nandito sa bahay. Pumunta na ako sa may sala at nakita kong ang naghahanap sa akin ay si Mr. Emilio Del Valle. Isa sa mayayamang nakatira dito sa amin. “ano pong kailangan ninyo? “Adrian Iho, my deepest condolences to you and your family. Sana ay tanggapin mo ang aking munting regalo. Isa ang iyong ina sa pinaka mabuti at tapat kong empleyado kaya ang lahat ng ibibigay ko ay nararapat lamang na matanggap mo ito.” May kinuha siyang isang puting envelope at ibinigay sa akin. Alam kong pera iyon at kahit wala man akong pinagkakatiwalaan na sino man dahil sa nangyari, ay pinilit kong kainin ang aking pride at tanggapin ang pera dahil alam kong kakailanganin ko ito sa paghahanda sa aking paghihiganti. “Maraming salamat po Mr. Del Valle. Pasensya napo at dumating kayo sa bahay ng hindi ko pa masyadong nalilinisan ito” peke kong sabi sa kaniya. Kung tutuusin , siya ang pinaka ayaw kong Makita dahil alam ko ang sitwasyon ng aking ina sa bahay niya. Isang labandera ang aking ina sa kanilang bahay at minsan naman ay pinapagawa nila si nanay ng kargdagang Gawain kahit na linggo pero ang sahod ay hindi gaanong sakto sa sikap na ginawa ng aking ina. Ngunit laging sabi ni nanay sa akin na pag pasensyahan nalang namin sila kasi kami lang din naman ang magiging lugi sa huli kasi kami iyong naghahanap ng mapagkakakitaan at sila ang nagbabayad sa amin. Binuksan ko ang envelope na may lamang 40,000. Hindi ko alam kung bakit malaki ang ibinigay ni Mr. Del Valle. Pero tinanggap ko pa din iyon. Hindi na siya nagtagal sa bahay at muling umalis pagkatapos ibigay sa akin ang pera. Pagdating ng gabi ay nagsimula nading dumami ang mga tao at ang isa sa naka-agaw panin sa akin ay ang babaeng bumaba sa sasakyan na naka itim na blouse at nakalugay ang buhok na pumasok sa gate. Siya ay si Joana. Hindi ko inaakalang magkikita kaming muli ni Joana. Ngunit bago pa ako makalapit sa kaniya ay natulala ako ng Makita ang kaniyang kasama. Siya ay walang iba kung hindi si Mr. Del Valle. Nanigas ang aking paa sa nakita. Hindi ko inaakalang hindi ko man lang napansin ang hawig ng kanilang mukha. Ni hindi ko rin naisip agad na mayaman nga si Joana. Naalala ko noong una kaming nagkita, nakasuot siya ng ordinaryo ngunit halatang mamahaling damit ngunit hindi ko napansin dahil sa kalungkutang nararamdaman ng araw na iyon. Aatras na sana ako at babalik sa pagluluto ng tinawag ako ni Mr. Del Valle kasama si Joana sa gilid niya. Ngumiti ako ng pilit kay Mr. Del Valle at tiningnan si Joana, ikinataka ko kung bakit parang hindi siya nabigla nung nakita ako dahil hindi ko naman siya kilala o nakita kahit kalian sa buong buhay ko pero ipinagsantabi ko na muna ang iniisip kong iyon dahil baka nasabihan siya ni Mr. Del Valle tungkol sa akin at sa nangyari. “Magandang gabi ho, Mr. Del Valle. Salamat po at nakarating kayo. Pasok po muna kayo” tiningnan ko si Joana at iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin na ipinagtaka ko. Napansin siguro ni Mr. Del Valle ang pag tingin ko sa kaniyang anak kaya hinawakan niya ang likod nito upang iharap sa akin. Agad din namang sinunod ni Joana ang ginawa ng kaniyang ama at bahagyang lumapit sa akin. “Nakalimutan kong ipakilala ang anak kong panganay. Siya si Joana Sunshine Del Valle. Hindi mo siya naabutan siguro sa bahay dahil 5 year old palang siya nung tumira na siya sa kaniyang tiyahin sa America para doon na lumaki at mag-aral." “Hi, I’m Joana, and you are?” inilahad ni Joana ang kaniyang kamay na parang first time na nakilala niya ako. Wala narin akong nagawa kundi tanggapin ang kaniyang kamay at magpakilala na rin. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapanggap na parang hindi niya ako nakita kailanman o nakilala. tinitigan ko siyang mabuti ngunit bahagya siyang yumuko upang di ko makita ang kaniyang mga mata. kaya wala na akong nagawa at nagpakilala ng pormal. “Ako nga pala si Adrian Torralbes. It’s a pleasure meeting you” dahan dahan kong tinanggap ang kamay niya at pumasok na sila sa loob at inasikaso ko na rin ang mga taong bumisita din sa lamay nila itay at inay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD