DOUBTS
Makalipas ang halos isang oras na pagno-novena para sa siyam na araw ay inasikaso ko na rin ang mga pagkaing ihahanda ko sa mga bisita.
Habang nilalagyan ko ng mga juice at tinitimpla ang mga kape ang basong nasa tray sa lamesa ay muli kong naisip ang nangyari kanina.
Hindi ko talaga inaasahan na si Mr. Del Valle at si Joana ay magkadugo dahil hindi ko naman iyon naririnig o nakikita ang larawan niya sa bahay nila Mr. Del Valle tuwing naglalaba si Inay doon at binibisita ko siya.
Nang matapos na ako sa pagtitimpla at paghahanda sa pagkain ay binitbit ko na ito at handa na sanang lumabas sa kusina nang pumasok bigla si Joana na siyang ikinagulat ko dahilan upang muntikan na akong matumba at nalaglag ang mga baso at natapon ang mga kape at juice na inihanda ko.
Napadaing ako sa init na kapeng natapon sa aking balikat at binti ngunit agad naman akong dinalo ni Joana at sinubukang tulungan ako.
Inilagay niya ang mga basong hindi natumba sa lamesa at ang mga pagkain nang inakay niya ako paupo sa upuan malapit sa lamesa.
“Hay nako, Hindi ka kasi nag-iingat eh, Ayan tuloy at napaso ka at grabe ka naman kung makareact sa pagdating ko tao po ako hindi multo!” singhal niya habang kinukuha ang tuwalya na nasa likod ko at pumunta sa lababo at binasa iyon.
Hindi ko inakalang kakausapin niya ako sa kabila ng hindi pamamansin niya sa akin kanina.
“Sino ba naman kasi ang agad-agad pumapasok sa hindi naman nila kusina, malay ko ba kung tao ka akala ko si nanay ka eh!”
pabalang na sagot ko sa kaniya habang pautloy siya sa pagbabasa ng tuwalya at pagkatapos ay lumapit sa akin at umaktong pupunasan ang mga parte kung saan napaso ako sa kape at nabasa sa juice ng medyo umilag ako.
"A-anong ginagawa mo?"
Wala pang ni isang babaeng nakakalapit sa akin ng ganito kung hindi si Joana lang kaya medyo nailang ako pero hindi ko iyon ipinahalata at nagkunwaring di nagustuhan ang ginawa.
“k-kaya ko na'yan akin na at ako na ang pupunas”
“ Aysus ang arte neto! O siya sige, magbihis ka nalang muna dun sa kwarto mo at ako na ang mag titimpla ulit sa mga kape at juice na natapon". Sabi niya sabay ngiti sa akin at natatawang umiling.
I really don’t know why but everytime na ngumingiti siya ay parang may kulang.
It is like she's smiling but her eyes don't. She laughs but it sounded forcefully sometimes which is weird dahil ang alam ko ay masiyahin naman talaga itong si Joana.
I shrugged at the thought at pumanhik na sa kwarto upang magbihis dahil nakakahiya naman kung si Joana nga ang patatapusin ko sa pagtitimpla ng mga natapon kanina.
Sa paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Mr. Del Valle na tinitignan ang litrato ko kasama sila Inay at Itay.
Ito iyong bata pa lamang ako sa isang mall kung saan nagpupumilit ako kina Inay at Itay na magpa picture.
Naaalala ko nung pumasok kami sa loob ng isang parang studio ay tinitignan kami ng mga taong nadoon pero parang walang napansin sila Inay at Itay at iginiya ako na umupo sa upuan at sila ay tumayo sa aking likod upang maghanda sa gagawing pagkuha ng litrato.
Kahit na kapos sila Inay at Itay ay ginawa padin nila ang aking gusto dahil kaarawan ko iyon.
Hindi pa naaksidente si Itay nung kinuha namin ang litratong tinitignan ngayon Mr. Del Valle at iyong araw na iyon ang isa sa mga pinakamasayang nangyari sa aking buhay.
Nay, Tay, kung sana po alam ko lang na sa ganitong edad ko po kayo mawawala sa akin, sana po nag ipon nalang po ako ng maigi para madami po tayong mga litratong nagawa na kasama ko po kayo.
I cleared my throat para mawala ang kalungkutang nadarama noong naalala ko ang mga nangyari noon kasama ang aking mga magulang dahilan upang mapalingon sa akin si Mr. Del Valle. Ngumiti siya sa akin at lumapit.
“Andiyan ka pala Iho at kanina pa kita hinahanap. Nakita mo ba si Joana?”
sabi niya habang agarang hinawakan ang kaniyang palapulsuhan na parang may itinatago.
Huli na para maitago ni Mr. Del Valle ang kaniyang palapulsuhan dahil agad kong napansin ang butones na kulay itim na nasa kaniyang suot ngunit hindi ko iyon pinahalata at pinilit nalang ang sarili na kalimutan muna dahil gusto kong mag focus muna sa pag-aayos kina Inay at Itay hanggang sa sila ay mailbing ko ng matiwasay.
“Hindi ko po sigurado Senyor pero mukhang nandoon po siya sa kusina.”
Hindi ko alam kung bakit hindi Makita ni Senyor si Joana dahil hindi naman gaano kalaki itong aming bahay.
Pero ang mas ikinataka ko kung bakit tinititigan ni Mr. Del Valle ang family picture na nasa ibabaw ng altar na para bang may sinasabi siya kina Inay at Itay ngunit baka guni=guni ko lang iyon.
“Ganun ba Iho salamat. O siya nga pala!, gusto sana kitang tanungin kung may balak ka pa bang mag-aral ng Kolehiyo dahil gusto ko sanang may bodyguard ang anak ko eh alam ko naman iyong si Joana at hindi iyon papayag sa gusto ko kaya kung sana ay papayag ka sa aking alok na ikaw ang magiging bodyguard ng aking anak habang kayo ay nag-aaral”.
Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Del Valle. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako pero isa lang ang nasa isip ko, matagal ng ninanais nila Inay at Itay na makapag tapos ako ng pag-aaral at ihatid ako sa stage habang nakasuot ng itim na toga.
Kaya kahit na alam kong hindi na kami magkakasama pagdating ng araw na iyon ay gusto ko iyong tuparin para sa kanila.
“Maraming salamat po Mr. Del Valle sa offer niyo pero baka po hindi poi yon gugustuhin ni Joana.”
Pormal na sabi ko kay Mr. Del Valle na saktong pag dating din ni Joana at lumapit sa ama.
“Ano po ang hindi ko magugustuhan Dad?”
“Diba sabi mo ayaw mo ng may bodyguard ka kaya lang alam mo din naman kung gaano kadelikado dito lalo na’t anak kita kaya hindi ako mapapakali kung walang mag po-protekta saiyo.”
sabi ni Mr.Del Valle tsaka lumapit sa akin at hinawakan ang aking kaliwang balikat.
“Kaya naman sinabihan ko si Adrian na papaaralin ko siya sa paaralang pag-aaralan mo din at siya na ang magiging bodyguard mo. Pumayag na sa akin si Adrian kaya nasabi niya nab aka hindi mo gusto ang aking nais anak. “
napatikhim ako sa sinabi ni Mr. Del Valle at tiningnan si Joana. Nasilayan ko ng konting ngiti ang kaniyang labi na ikinataka ko.
“Papayag po ako dad basta po allowed padin po akong makisama sa aking mga kaibigan at isasama ko nalang po si Adrian po ah?”
nakangiting tanong ni Joana sa kaniyang ama habang hawak-hawak niya ito sa braso. Hindi ko inakalang may ganitong side pala si Mr. Del valle dahil seryoso siya palagi sa bahay kapag nandoon ako at hindi ko naman nakikitang nag-uusap at nag-lalambingan ang iba niyang anak sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at ngumiting inilahad ang kaniyang kamay.
“It’s my pleasure to meet you once again Adrian.”
Tinitigan ko ang kaniyang maamong mukha. Napakaganda ni Joana, mapupungay ang kaniyang mga mata at ang boses niya’y parang isang anghel na sobrang sarap pakinggan lalo na ang kaniyang tawa.
Nabalik ako mula sa aking pag-iisip ng muling tumikhim si Joana na nakalahad padin ang kaniyang kamay dahilan upang agaran ko iyong tinanggap at napakamot nalang sa ulo dahil sa kahihiyan.
“It’s a pleasure meeting you too Miss Del Valle”.
Pormal na sabi ko sa kaniya ng binitawan ko agad ang kaniyang kamay dahil sa masamang tingin na ibinungad sa akin ng kaniyang ama.
“Ano ka ba haha Joana nalang Adrian tsaka malapit na ang pasukan kaya mas mabuti sana kung makakapag-enroll kana diba Dad?”
“Oo naman, tsaka don’t worry Adrian at ipaaayos ko nalang ang mga kakailanganin mo para sa pagpapaenroll mo sa darating na lunes.”
“Naku maraming maraming salamat po Mr. Del Valle at Senyora Joana. Malaking tulong po ito para sa akin at sa pagtutupad ko po ng pangarap sa akin nina Inay at Itay. Di bale po at pagsisikapan ko pong mabuti ang aking mga Gawain lalong-lalo napo sa inyo Senyora”
magalang at pormal na sabi ko sa kanila sabay yuko bilang simbolo ng aking pasasalamat at pag-respeto sa kanila.
“O siya sige at kami’y uuwi na at mag aalas onse na ng gabi. Nakikiramay muli ako sa iyo Iho at ikinagagalak kong tulungan ang isang mabuting batang kagaya mo”
“maraming maraming salamat po at mag-iingat po kayo sa pag-uwi” hinatid ko na sila sa may bandang gate upang masirado ko ang gate paglabas nila.
Sa paglalakad ko pabalik ng bahay ay may naaalala ako.
Habang nakatingin si Mr. Del Valle sa litrato nain nila Inay at Itay ay nakita ko ang suot-suot na butones sa damit ni Mr. Del Valle. Katulad iyon ng nakita ko sa kusina nung nawala si Inay.
Possible kayang?