SUNSHINE..
Makalipas ang ilang araw ay hindi ko parin matanggal sa aking isipan ang nakita noong huling dumating sina Joana sa bahay namin.
Ano iyong nakita kong butones na may ukit na paru-paro sa damit ni Mr. Del Valle? nagkataon nga lang ba talaga iyon o di kaya'y posibleng may kinalaman siya sa nangyari kay Inay?
Ayokong mangbintang o magpadalos dalos batay lamang sa kung ano ang aking nakita dahil kung magpapadalos ako ay baka hindi ko mahanap ang tunay na may gawa nito kay Inay.
Oo ayoko kay Mr. Del Valle pero alam ko din naman na mabuti siyang tao at Pinuno sa aming Barangay.
Pinilit ko na munang isantabi ang aking iniisip at hinanda na ang mga kakainin ng mga bisita sa huling araw ng novena.
Nailibing na sina Inay at Itay pagkatapos ng pangatlong araw nila sa bahay. Hindi ko nakita si Joana sa libing ngunit naiintindihan ko at baka busy siya sa kaniyang buhay at hindi din naman ako ganoong importante para lang dalawin niya pero hindi ko maiwasang malungkot ng kaunti.
Adrian umayos ka nga at kakawala lang ng mga magulang mo.
Kumbinsi sabay kurot ko sa aking pisngi para mabalik sa katinuan at tinapos na ang paghahanda ng pagkain at dinala ito sa sala kung saan nandoon ang mga bisitang nagdarasal.
"Adrian, hi im sorry for your loss. Halika, tulungan na kita sa paghahanda hehe"
Nagulat ako ng makita si Ashville sa loob ng kusina. Si Ashville ay anak ng dating amo ni Itay sa Pangingisda. Bata pa lamang kami ni Ashville ay magkaibigan na kami ngunit medyo hindi na kami kagaya noong dati dahil siguro sa pagpunta niya ng Maynila para doon Mag-aral ng Kolehiyo. Nilapitan ko ang kaibigan.
"Oy Ash ikaw pala! naku kaya ko na ito tsaka ano ka ba bisita ka dito and thank you sa pagpunta namiss ko iyang siopao mong mukha haha kumain ka nalang tignan mo nga oh ambilis maubos, magaling akong cook eh haha" pilyang sagot ko sa kaniya na ikinatuwa pa niya at tumawa. Pambihirang babae.
"hahaha aysuuus ang sabihin mo antok lang iyang mga iyan noh sa kabusugan! and I am sure kaya madami kapa ding bisita sa huling araw nina tiya at tiyo kasi nga ang sarap ng mga inihahanda mo haha"
halakhak niyang sabi sabay kurot ko sa kaniyang braso na ikinasigaw niya ng kaonti ng may biglang nabasag na babasagin sa may pasokan sa kusina namin.
Agad kong nakita si Joana na parang nakakita ng multo ngunit agad din namang tumikhim at parang nabalik sa reyalidad.
Ngumiti ako sa kaniya ngunit iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin at aakmang aalis ng pinuntahan ko siya agad at hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.
"Senyora andiyan ka pala, palagay ko'y may kailangan ka ngunit bakit ka aalis agad?"
kuryosong tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit parang may nakita di Joana na isang nakakatakot na bagay dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang hawak na parang isang kahon.
Mas ikinagulat ko ang pagdating ni Joana ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Hindi siya dumating noong libing ni inay hanggang sa ika-walong araw ng kanilang novena.
Tinignan ko ang mapupungay niyang mata na agad niyang muling iniwas sa akin at dahan-dahang inalis ang kaniyang palapulsuhan sa aking pagkakahawak.
Tumingin si Joana sa sahig kung saan nabasag ang babasaging kahon na may laman na parang isang relo. Hindi ko na napigilan si Joana sa kaniyang pagyuko at pagkuha ng relo sa sahig dahilan upang ma kapa niya ang matulis na piraso ng salamin dahilan upang magdugo ang kaniyang hintuturo at dumugo ito.
"Hala, Senyora okay ka lang? May dugo ka oh tsaka bakit mo naman iyan pinulot eh alam mo namang may basag na salamin na nakakalat." medyo inis kong sabi sa kaniya dahil sa walang pag-iingat na kaniyang ginawa.
Agad kong kinuha ang kaniyang kamay at inilapit sa aking mukha at unti-unting sinpsip ang dugo na nasa daliri niya na ikinagulat ni Joana ngunit hindi niya na kayang mai-alis ang kaniyang kamay dahil sa higpit ng aking pagkakahawak.
"hello? hellooooooo?!! may nakakakita paba sa akin dito? Hoy grabe ka Adrian at parang nakalimutan mo na ako ah, Oy andito ako buong buong nakatayo at pinapanood iyang paglalandian niyong dalawa! che! makaalis na nga dito at ihahatid ko lang itong mga pagkain sa labas! diyan ka na nga!"
Agad akong napabitaw sa kamay ni Joana nung napagtanto ko ang aking ginawa at sa pag-sigaw ni Ashville.
Sinimangutan ko si Ashville dahilan upang hampasin niya ako sa aking balikat.
"Hindi ko inakalang marunong kana sa mga bagay na iyan Adrian ah! hindi ako umalis ng Maynila para lumandi ka hmp! tabi na nga at ng maka-alis na!
Umalis ng Padabog si Ashville at binangga ako sa aking balikat habang papaalis siya ng ikinatawa ko dahil sa kaniyang kakulitan.
"Ang sabihin mo lalayo ka sa akin dahil kakain ka na naman hahahha pabusog well!" sigaw ko habang tinatanaw si Ashville palabas ng kusina.
Napatigil ako sa aking pag-tawa ng nakita ko si Joana. Oo nga pala at nakakahiya ang nagawa ko kanina.
Napakamot ako sa aking batok sa kahihiyan.
Loko ka talaga Adrian, nagawa mo pang gawin iyon ng walang permiso niya.
"P-pasensiya kana Senyora sa aking nagawa at nadala lang ako sa aking pag-aalala sa nangyari kanina"
nakayukong sambit ko sa kaniya. tumingin lang sa akin si Joana at ngumiti.
"Ayos lang iyon Adrian at tsaka salamat nadin sa pagtulong mo kanina. kukunin ko na sana iyong relo na nasa loob sana ng kahon eh kaya lang nabasag. May nakita kasi akong di kanais-nais kaya nabitawan ko bigla. Pasensiya kana. Pero iyang relo sana ay may Mapa kng saan makikita mo kung nasaan ako base sa Tracking Device na ipinalagay ko sa aking relo din. Eto oh"
Nakangiting itinaas niya ang kaniyang kamay ng kaonti ngunit sakto lang upang makita ko ang kaniyang kulaw dilaw na relong nakasuot sa kaniyang palapulsuhan. Ang kulay ng relo ko ay Berde, ang aking paboritong kulay.
"Naku maraming salamat po Senyora at asahan niyo pong iingatan ko ang bagay na ito" nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Sige, iyan lang ang ipinunta ko talaga dito. Ibibigay ko sana iyan noong araw ng Libing ng mga magulang mo kaso may biglaan akong lakad sa Maynila eh kaya hindi ko na nagawa at kani-kanina lang ako nakarating dito sa Cebu."
"Ganun po ba, naku nakakahiya naman po at talagang isinadya niyo pa po talagang maihatid ito sa akin ng personal at baka naistorbo ko pa po kayo."
"Naku wala Iyon noh! tsaka Wag na lang Senyora ang itawag mo sa akin at Joana nalang."
sabi niya sabay hawi ng parte ng kaniyang buhok sa kaniyang tenga.
"Madami napong tumatawag sa inyo niyan Senyora. kaya okay lang po kung Senyora padin ang itawag ko sa Inyo, Amo ko padin naman po kayo"
pagmamatigas kong sabi sa kaniya.
"Ayoko kasi ng Senyora kasi feeling ko napakatanda ko na hahah oh sige kahit ano nalang basta huwag Senyora." pangungulit niya pading sabi sa akin.
"Naku po uhm----- S-sunshine? O-okay lang po ba?"
"S-sige!" nakangiti niyang sabi habang hinawi niyang muli ang kaniyang buhok sa may tainga habang namumula.
"Sige Sunshine, mag-iingat ka po sa iyong pag-uwi" magalang na sabi ko sa kaniya.
"s-sige , nga pala huwag mong kalimutan na sa daraiting na lunes ay magpapasama ako sa iyo sa paaralan at isasabay nadin natin ang iyong pag-eenroll. Magandang gabi ulit sa iyo Adrian at aalis na ako."
"Sige po at mag-iingat kayo."
Nung umalis na si Joana ay inumpisahan ko na ding linisin ang mga salamin na nakakalat sa sahig.
Muli kong naisip ang sinabi sa akin ni Joana na gagawin namin sa darating na lunes. Hindi padin ako makapaniwala na makakapag-aral na ako ng kolehiyo sa kursong Agriculture sana. bata pa lamang kasi ako ay pinapangarap ko ng makapagtaos ng agrikultura dahil sa kasanayan kong ginagawa sa pang-araw araw na pangingisda, panananim sa aming bahay.
Naalala ko nung araw na sinabi ko kina Inay at Itay na balang araw ay magkakaroon kami ng sariling farm kung saan may palaisdaan at pananim at mga hayop kaming bubuhayin at aalagaan.
Nay, Tay, kahit wala napo kayo sa bahay natin eh alam ko po na nandiyan kayo sa mga talang nakikita ko sa langit kada gabi kaya Inay, Itay gabayan niyo po sana ako palagi dahil ang hirap-hirap po lalo na po ngayon na hindi ko na po masisilayang ang inyong mga matatamis na ngiti, maririnig ang inyong mga tawa at pag-sesermon sa akin tuwing nanonood ako ng telebisyon... at wala napong makikilalang lolo at lola ang mga anak ko sa kinabukasan.
Napaiyak ako sa naisip at sa labis na kalungkutan ng napagtantong ako nalang mag-isa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang araw-araw na nag-iisa ngunit isa lang ang alam ko. Kinakailangan kong maghiganti.
Kailangan kong bigyan ng hustisya ang nangyari sa aking mga magulang.
Kinakailangan kong yakapin ang dilim na nakapalibot sa aking puso ngayon upang magkaroon ng lakas na loob na ipadama sa kung sino man ang may gawa nito sa aking inay na naging dahilan din upang mawala ang aking Itay.