TPT - 03

2788 Words
M A R K "What are you doing in my office?" seryosong tanong nito sa lalaking kumausap sa akin kanina. Sinasabi ko na nga ba na hindi siya ang may-ari nitong restaurant. Sa hitsura niya pa lang na mukhang banyaga ay maipagkakaila na ito sa pangalan na pang-Hapon. Kinabahan lang ako kanina para sa wala. Gusto ko siya ngayong suntukin dahil sa lakas ng tama niya para pag-trip'an ako ng ganun. Sino ba siya sa inaakala niya? "Ah! About that?" napakamot ito sa kanyang batok at sandaling natahimik. May pagtataka na siyang tinitingnan ng huli dahil sa inaakto niya. Buti nga sa kanya. Akala niya kung kung sino siya kanina kung tanungin ako. Eh hindi naman pala siya ang may-ari nitong restaurant. Nang sa tingin ko ay napagtanto niya na ang kanyang sasabihin ay mabilis itong lumingon sa akin at itinuro ako. "I'm just talking to this applicant while you're gone. Right?" parang kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata habang hinihintay ang aking pagtugon. Mabilis akong tumayo at tumango-tango. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong makipag-cooperate dahil nasa harapan ko ngayon ang tunay na may ari nitong restaurant. Ang taong dapat kong kumbinsihin na matanggap ako dito.  Tumango-tango lamang ang lalaking nagngangalang Ryuu at naglakad patungo sa kanyang office desk. Sumunod naman sa kanya ang lalaking kausap ko kanina na malokong nakangisi sa akin. "Take your seat." halos sabay kaming tatlo na naupo. Si sir Ryuu sa kanyang swivel chair kaharap ako at ang una na walang ginawa kundi ang ngisian ako. Hindi ko lang maiwasang maalibadbaran sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang may dalang pangiinsulto ito sa hindi ko malaman na dahilan.  "To be honest with you Mr?" pagputol nito dahil hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanya. "Mark Hope Calvares po." pagpapakilala ko sa kanya. Saglit akong napalingon sa harapan ko nang tumikhim ang lalaki. "Mr. Calvares. I'm sorry to say but we're not hiring applicants anymore." Nakaramdam ako ng panlulumo nang walang paligoy-ligoy niyang sinabi sa akin yun. Hindi niya man lang inisip ang mararamdaman ko kung ganun na lang yun. Sabagay, ganito talaga ang buhay. Asahan na natin ang hindi inaasahan. Tulad kanina ay bigo pa rin akong matanggap sa trabaho. "Ganun po ba? Okay po, naiintindihan ko po." tatayo na sana ako upang magpaalam nang magsalita ang lalaking kaharap ko upang ikalingon ko pabalik sa kanya. "You can hire him as your chef, Ryuu." mabilis akong napalingon sa lalaking kausap ako kanina. Awkward itong nakangiti ngayon sa lalaking may-ari na ngayon ay nagtataka na namang nakatingin sa kanya. "I can't hire random person because you just want to." nakaramdam ako ng bahagyang pagkalumo dahil sa sinabi niya. Tama naman siya kung tutuosin eh! Hindi naman ako nag-apply dito bilang isang chef kundi bilang isang waiter lang. Pero dahil sa malas ako ay hindi na naman ako natanggap. "Oh c'mon bro, I think he knows how to cook." napataas na ako ng kilay nang pilit niya pa ding pinagsisiksikan sa lalaking 'to na tanggapin ako bilang chef nito. Nakapagtataka lang dahil ngayon ko lang siya nakilala pero kung makapilit siya sa may-ari nitong restaurant ay parang close na close na kaming dalawa. Saglit na napabaling ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi ko magawang mapatingin dito dahil sa labis na intesidad na namumuo sa kanyang mga mata. Waring kayang-kaya ka nitong akitin sa paraan pa lang ng pagtingin nito sa'yo. "I'm looking for a personal chef, not a cook." huh? Ano bang pinagkaiba ng chef sa cook? Muling tumingin ito sa akin. Mabilis akong napalunok nang matatalim na titig ang ibinato nito sa akin. "I'm sorry Mr. Calvares but I didn't mean to offend you."  Wala nang nagawa ang lalaki at napabuntong-hininga na lamang nang tuluyan na akong nagpaalam sa kanila. Hapon na rin kasi at baka abutin na ako ng gabi sa daan. Mas makabubuting magpahinga na ako at ipagpatuloy na lamang ang paghahanap ng trabaho bukas. Kasalukuyan na akong naghihintay ng masasakyan nang may tumapik sa balikat ko dahilan para ikalingon ko. Bahagya pa akong napatingala dahil sa tangkad nito. Laking gulat ko na lamang nang masulyapan ko muli ang lalaki kanina.  "Ano pong kailangan niyo?" kahit papaano ay humupa na ang pagkainis ko dito dahil sa ginawa niyang pamimilit doon sa lalaki kanina.  "I'm here to offer you a great opportunity." hindi nakawala sa aking paningin ang malawak niyang ngisi.  Nakapamulsa ito at mukhang hinihintay ang magigi kong sagot sa alok niya. Great opportunity? Anong ibig sabihin ng lalaking 'to? Tsaka bakit ang isang tulad niya ang lumalapit sa isang tulad ko? Ang ibig kong sabihin, base pa lamang sa tindig niya ay malalaman mo nang hindi lang siya mayaman. Dahil sa halos magkalapit na naming pwesto ay amoy na amoy ko na rin ang nagsusumigaw niyang mamahaling pabango.  "Bakit mo 'to ginagawa?" "Doing what?" bahagya niyang itinaas ang pareho niyang balikat na waring walang ideya sa tinutukoy ko. Nakapagtataka lang kasi. Hindi lang kasi normal ang dating para sa akin. Nahihiwagaan ako sa mga galawan niya. Parang galawang playboy. Napapitlag ako sa aking pwesto nang walang-pasabi niyang hinaplos ang aking balikat. Para akong tinabihan nang isang multo sa matinding pangingilabot ng ginawa niya. Naagapan ko namang alisin ang kamay niya doon at hilaw na lamang siyang nginitian. "Ano bang tinutukoy mong great opportunity?" iwinaksi ko na lamang ang nasa isip ko at direktang tinanong na lamang ang pakay niya. "Ahmm..." saglit itong nagkamot sa kanyang pisngi na parang nag-iisip. "Honestly, I can't say it to you right here. Maybe we go find a private place first and discuss it there. " napakunot ako ng noo sa mabilisan niyang pagyaya sa akin. Hindi ako manhid para hindi mapansin ang pakay niya. Nakakapagtaka lang dahil kanina lang kami nagkausap pero ito siya ngayon niyayaya ako sa isang pribadong lugar para doon pagusapan ang alok niya. Ano bang pinagkaiba ng lugar na yun dito sa kinatatayuan namin? Tsk! Mga galawang playboy. "Sorry sir pero kailangan ko na po kasing umuwi. Maybe other day na lang kung pwede." kung pakikinggan ako ngayon parang ako pa ang umaayaw sa isang oportunidad. Mark, tandaan mong hindi ka nagpapakatanga dito, nagiging mapagmatyag ka lang. Okay? "To tell you frankly, ang opportunity na ang lumalapit sayo but here you are, resisting my offer." biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Aba't gago 'to ah!   "Sir, sorry kung ako po ang tatanungin niyo, base pa lang po sa mga galawan niyo ay hindi na po kayo katiwa-tiwala. It seems that you're hooking up with me. Kung ano man po ang inaalok niyo sa akin, humihingi na po ako ng dispensa na sa iba niyo na lang po ialok yan dahil hindi po ako interasado." inipon ko talaga ang buong kapal ng mukha ko nang sabihin ko sa kanya ang mga katagang yan. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi mapansin ang pakay niya. May pahaplos-haplos pa siya sa braso ko na nalalaman. Tsaka yung malalagkit niyang tingin sa akin, sinong hindi magtataka doon. Palibhasa mayaman. Mabuti na lang talaga at may dumaang bus at nakaalis na ako sa nakakainis na lalaking yun. Pagod akong napaupo sa bandang dulo nitong sasakyan. Parang ngayon lang nagsink-in sa akin ang matinding pagod dahil sa paghahanap ko ng trabaho. Bukas na bukas ay maghahanap ako ulit ng trabaho. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si tita na nakaupo sa sofa. Seryoso ang kanyang mukha habang may binabasa sa isang maliit na papel. "Anong binabasa mo tita?" saglit na napaangat ito ng tingin nang maramdaman ang presensya ko.  "Cooking contest eh. Nakita ko lang do'n sa mga flyers sa mall na pinuntahan namin ni Romeo kanina. Mukhang malaki ang premyo ng mananalo oh!" tinuro niya pa ang bandang baba ng papel habang nanlalaki ang parehong mga mata. Tipid akong napangiti sa naging reaksyon niya. "Sasali ka?" nakiusyuso na din ako dahil mukhang interesado naman ito. "Hindi na ako aasa na mananalo diyan. Paniguradong maraming sasali dito na mas magaling pa sa akin magluto." nagtaka ako nang saglit siyang natahimik. Nakataas ang kanyang kilay na napalingon sa akin. Kunot-noo kong tinugon ang tingin sa akin ni tita.  "Pero kung ikaw ang sasali, mukhang may pagasa pang manalo!" nagawa niya pa akong ituro habang malapad na nakangiti. Tila para sa kanya ay napakaganda ng ideya na kanyang naisip.  "Tita naman! Ikaw na mismo nagsabi na paniguradong maraming sasali diyan na magagaling magluto. Wala din akong pagasa manalo diyan. Mapapagod lang ako." tumayo ako upang magpalit ng damit. Kating-kati na kasi ako sa suot ko. Paniguradong amoy pawis na ako dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw kanina.  "Aba! Huwag ka ngang nega diyan, Mark. Wala namang masama kung susubukan diba? Tsaka, hanggang third place naman ang makakakuha ng premyo. Oh, kung hindi mo masungkit ang first place, may second at third place pa naman."  Pagod kong nilingon si tita dahil sa kabokahan niya na naman. Nahihibang na talaga 'tong tita ko. Siya na nga mismo ang tumanggi sa pagsali tapos ngayon pinagtutulakan niya akong sumali diyan. "May consulation prize na 10K pa oh." pahabol pa ni tita. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ang atensyon ko sa sinabing halaga ng consulation prize ni tita. T-teka! Bakit parang ang laking pera naman ata niyan? "10K? Consulation lang?" mabilis kong kinuha sa kamay ni tita ang papel at hinanap kung saan nakasulat ang mga premyo kapag nanalo ka. 1st place - P500,000.00 2nd place - P250,000.00 3rd place - P100,000.00 3 Consulation prize - P10,000.00 Napanganga na lang ako nang masilayan ko ang premyo. Shems! Hindi biro ang ganitong premyo sa isang cooking contest. I mean, malaking kompanya ba ang nagdaos ng patimpalak na 'to at ganito na lang kalaki ang mapapanalunan? "Ano? Sumali ka na kasi, Mark. Alam kong malaki ang tyansa mong manalo diyan." ilang ulit pa akong inudyok ni tita sa contest na 'to. Hindi ko din masisisi itong tita ko dahil masyado sa aking tiwala pagdating sa pagluluto. Wala akong mapapala kapag sumali ako doon. Isa pa, mga simpleng putahe lang ang alam kong lutuin. Panigurado ay mga chef doon na sasali na maraming alam na pambanyagang putahe. "Tita, matatalo nga lang po ako diyan. Sayang lang sa oras." napatigil ako sa pagkain ng hapunan nang muli niya akong pilitin. Napapabusangot na lang ako sa kakulitan nito ni tita. Daig pa ang maliit na bata sa pangungulit. "Paano kung manalo ka? Sayang ang apportunity." "I'm here to offer you a great opportunity." Hindi ko alam pero biglang kong naalala ang alok sa akin ng lalaking kausap ko kanina. Mabilis akong napailing sa isipan na yun. Ano namang kinalaman ng lalaking yun dito? Tsaka, huwag mo nga siyang iniisip Mark. "Natahimik ka na diyan? Alam mo Mark, may tiwala ako sa talento mo sa pagluluto kahit na hindi ko alam kung paano ka gumaling ng ganyan. Hindi naman ako magaling magluto." Malalim na lamang akong napabuntong-hininga sa isang desisyon. Ano pa nga bang magagawa ko? Kapag hindi pa kasi ako pumayag ay baka hindi na niya ako tigilan. Sa kabilang banda, kung iisipin ko na kaya kong manalo mas tataas ang tyansa kong masungkit ang premyo. Sobrang malaking tulong na ito sa aming dalawa sa pangaraw-araw na buhay. Pwede pa kaming magtayo ng negosyo kapag nagkataon. Napatigil ako sa pag-iisip. Baliw talaga ako kahit minsan. Hindi pa nga ako sumasali pero ito ako at nag-iisip na kung saan gagamitin ang perang mapapanaluhan.  Sumapit ang araw kung kailan dadausin ang cooking contest na matagal kong pinag-isipan. Naging purisigido ako sa pag-eensayo sa pagluluto ng mga iba't-ibang putahe tsaka pinapatikim ito kay tita kung pwede nang pangsalang sa ganitong patimpalak. Ang balak ko ngang paghahanap ng trabaho kinabukasan ng araw na yun ay nauwi sa pag-eensayo. Sabi kasi ni tita ay kailangan paghandaan ang ganitong mga bagay.  Ito na nga ako at papunta na sa venue ng contest. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kabang nararamdaman. Alam kong maliit lang ang tyansa kong manalo. Hindi naman masama ang sumubok, diba? Malay natin, baka masungkit ko kahit consulation prize lang. Hindi na din masama ang 10K. Napanganga ako nang makapasok ako sa gusali ng pagdadausan. Napakalawak nito at gawa sa matibay na salamin ang dingding nito. Wala na akong sinayang na oras at agad na nagtanong sa babaeng receptionist. May tinawag itong lalaki na mukhang dito rin nagtatrabaho at sinamahan ako papunta sa venue. Tumigil ito sa harap ng malaking pinto. Nginitian din ako nito matapos ko sa kanyang magpasalamat. Malakas akong napabuntong-hininga bago napagdesisyunang buksan ang pinto. Muli akong napanganga nang bumungad sa akin ang napakalawak na kwarto na punong-puno ng mga iba't-ibang gamit sa pangluto. Nagmistula itong palengke sa loob ng isang gusali. Ngunit ang pinagkaiba lang ay isa itong pangmayaman na palengke. Ganun ang datingin sa akin. "What can I do for you, sir?" agad kong natikom ang aking bibig nang may magsalita sa likuran ko. Nahihiya ko itong hinarap. "Ahmm... Dito po ba ang venue nitong cooking contest." mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang papel at pinakita ito sa babae. Kahit nagtataka ay inabot niya ito sa aking kamay. Nakangiti lang ako habang hinihintay ang magiging tugon nito. "I'm sorry to say sir, pero ngayon na po kasi gaganapin ang contest na 'to." "Alam ko. May problema ba?" napawi ang ngiti sa aking labi nang ibalik nito sa akin ang papel. "If I'm not mistaken po sir, you're willing to join the contest?" pagtatanong nito. Tumango ako. "Dapat po kasi, kailangan magpa-register muna before the day of the contest para po ma-consider kayo as one of the contestants." mas lalong lumungkot ang ekspresyon ng aking mukha nang idagdag niya pa ang masamang balitang yun. Paanong hindi ko alam na kailangan pa pala yun? Hindi na ba pwedeng magrehistro ngayong araw?  "Pero pwede pa naman atang humabol, diba?" wala akong natanggap na sagot mula dito. Ang tanga mo minsan, Mark. Hindi ka pa nga nakakasali, talo ka na agad. "Good morning po sir." napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang magsalita ang babae. Napatingin ako sa babaeng ngayon ay nakatuon ang tingin sa likuran ko. "What's happening here?" isang malalim na boses ng lalaki ang nagpatingin din sa akin doon. Pinasadahan ko ng tingin ito mula sa kanyang mamahaling balat na sapatos pataas sa kumikinang niyang abong slacks na halata ring mamahalin. Nakasuot din ito ng kulay puting loong sleeves na pinarisan ng itim na necktie. Pinatungan ito ng kulay abo rin formal coat dahilan para mangibabaw ang kagwapuhan nito. Nagsusumigaw ang karangyaan nito sa postura pa lang nito. Ngunit napatigil ako sa pagpupuri sa lalaking malapit na sa akin nang mamukhaan ko ito. Napamura ako sa aking isip. Anong ginagawa niya dito? "Sir? Ano po kasi... Ahmm..." nagtaka ako sa biglang pagkautal ng babae. Hindi naman siya ganito kanina ah. Halata sa mukha niya ang labis na pamumula. Huwag niyang sabihin... Napabalik ang tingin ko sa lalaki at ngayon ay may ngisi na sa labi nito habang malagkit na nakatingin sa akin.  "Are you here to compete, too?" nagdikit ang may kakapalan kong kilay sa tanong niya sa akin. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang tulad niya dito. Sadyang napakaliit naman ng mundo para magtagpo pa kami dito. "Yes po sir." ang babae na ang sumagot sa tanong niya. Tila nawalan ako ng boses upang sagutin siya. Ang alam ko lang ay nag-iinit ang dugo ko dahil naalala ko na naman ang pangtitrip niya sa akin noong nakaraan. Hindi naman sana big deal yun pero nakakainis pa din. "Then, let him." "Pero po sir---"  Hindi na natapos sa pagsasalita ang babae nang matatalim na tingin ang binato nito sa kanya. Mabilis na kumilos ang babae at may kung anong pinindot doon sa kanina niya pang hawak na ipad. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng dugo dahil sa ginawa ng lalaking 'to. "What's your name po, sir?" tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa hawak niyang ipad. "Mark Hope Calvares." sagot ko sa buong pangalan ko. Saglit lang akong naghintay bago muli itong tumingin sa gawi ko. "You're officially a contestant na po, sir." mapait ako nitong nginitian bago ito umalis sa harap ko. "So, you're good at cooking, huh?" naririto pa pala siya. Akala ko umalis na rin siya. "Salamat." kahit labag sa loob ay nagawa ko pa din siyang pasalamatan dahil sa kabutihang ginawa niya. Siguro kung hindi pa siya dumating ay mahihirapan akong pakiusapan ang babaeng yun. Mukha pa namang mataray. Muli itong ngumisi. Ngunit tila kinapos ako ng hininga nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. Nangilabot ang aking buong katawan nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa aking tenga nang may ibulong siya. "Good luck... Mark." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD