TPT - 09

3128 Words
M A R K "Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya. Nakaharang lamang siya sa pinto nitong cubicle habang masasamang tingin ang kanyang pinupukol sa akin. Napagmasdan ko ang pagtiim ng kanyang panga at ang pagkuyom ng kanyang kamay. Anong nangyayari sa lalaking 'to? "I am supposed whose asking you that question, Mark. What are you doing in this place?" may pagtitimpi at diin ang bawat salitang binibitawan niya. Bahagya siyang humakbang papalapit sa akim dahilan para mapaatras ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ngayon sa awra ni Tale. Napalunok ako. "Birthday ng kaklase ko kaya ako nandito. Teka nga, bakit ba kailangan kong ipaliwanag ang side ko sayo? " nagsisimula nang mamuo ang inis sa akin dahil sa padalos-dalos niyang pagtulak sa akin kanina. Kung hindi pa sana ako nakahawak sa pader nitong cubicle ay natumba na sana ako. Anong karapatan niyang itulak ako ng ganun kalakas? Bako pa man ako mapakurap ng aking mata ay mabilis na siyang nakalapit sa akin at mahigpit na hawakan ang aking panga. Napatingin ako sa kanyang nagbabagang mga mata. Para akong tinutunaw nito. Para akong sinisilaban ng kanyang matatalim na titig. "Because you have to." halos pabulong na ang boses niyang sabi. Naging mabilis ang aking paghinga sa pwesto naming dalawa. Napahigop ako ng hangin nang pumagapang ang kanyang malaking palad pababa sa aking leeg. Bago ko pa man malaman ay mabilis nang naglapat ang labi naming dalawa. Nalasahan ko sa aking labi ang alak sa kanyang bibig. Hindi ko magawang tumugon dahil sa paraan ng kanyang halik. Mararahas ito. Mapanakit. Tila isa siyang uhaw na hayop na sabik na sabik sa isang pagkain na matagal niya nang gustong tikman.  Nabahala ako sa paraan niyang yun kaya naman ay sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin. Pero sadyang malaki at malakas siya kaya sa akin kaya naman hindi ko nagawa siyang tibagin sa ginagawa. Pumaibaba ang marahas niyang halik sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagkabig ng kanyang braso sa akin papalapit pa lalo sa kanyang katawan. Kahit pilit ko siyang ilayo sa akin ay hindi ko mapagtagumpayan.  Napadaing ako nang maramdaman ko ang kanyang halik na may kasama nang pagkagat sa aking leeg. Mali ito! Hindi dapat mangyari 'to. "Tale! Ano ba, nasasaktan ako!" hanggang ngayon ay pilit ko pa ring nilalayo ang sarili ko sa kanya. Pilit siyang pinipigilan sa makamundo niyang ginagawa. "Tale! Please..." sa wakas ay nakawala ako sa kanyang halik ngunit saglit lamang yun nang tila isa siyang bomba na sumabog sa harap ko. Mabilis na sinapo ng isa niyang kamay ang aking baba. Bahagya pang napaangat ang aking mukha. Mahina akong napadaing dahil sa diin ng kanyang paghawak. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tiningnan ako. Nagigitgitan ang kanyang mga ngipin. Gigil na nagtatangis ang kanyang panga. "Walang pwedeng umangkin sayo, kundi ako lang! Ako lang ang pwedeng humalik sayo, Mark! Papatayin ko kung sinumang lalaki ang may lakas ng loob na agawin ka sa akin! Akin ka lang! You're only mine... only mine. Nagkakaintindihan ba tayo?!" literal na tumigil ako sa paghinga sa pigil niyang pagsigaw sa mukha ko. Idagdag pa ang mahigpit na hawak niya sa panga ko. Kusang kumawala ang sariwang luha sa aking mata pababa sa aking pisngi. Parang may tinarak na kutsilyo sa aking dibdib dahil sa mga sinabi niya.  Ang kaninang galit niyang ekspresyon ay unti-unting umamo. Nakita ko ang konsensya sa kanyang mukha dahil sa nagawa. Agad niyang binitawan ang aking panga dahilan para nanghihina akong napaupo sa bowl nitong cubicle. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang buhok at humakbang palabas sa cubicle. Napaigtad ako nang walang sabi niyang sinuntok ng malakas ang salamin nitong cr para mabasag ito. May iilan pang natanggal na parte ng salaman at bumagsak sa sink. Kitang-kita ko ang pagkagulat ng aking mukha mula sa basag-basag nang salamin. Mabilis kong pinahid ang luha sa aking pisngi at nagdesisyong pigilan sa kanyang pagwawala. Kahit labag sa aking loob ay mahigpit ko siyang niyakap mula sa kanyang likod. Nanigas ang kanyang katawan nang maramdaman ang pagyakap kong yun. Mariin kong pinikit ang aking mata at panibagong luha muli ang kumawala dito. "Tama na Tale. Tama na, please..." nanginginig ang boses kong pakiusap sa kanya. Nadinig ko ang mahihina niyang mura pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya at umaasang kumalma na siya. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nakikita siyang sinasaktan ang sarili niya. "I'm sorry. I'm sorry, Mark. Please... Huwag kang magalit sa akin. I'm so sorry... Hindi ko sinasadya..." pumaharap siya sa akin at kinulong ng kanyang palad ang pareho kong pisngi. Nagsusumamong tumitig siya sa aking mata. 'Hindi ko magagawang magalit sayo, Tale.' sagot ko sa aking isip. Kalaunan ay mahigpit niya akong kinulong sa kanyang bisig. Dama ko dito ang proteksyon at pag-iingat. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig na yun. Saglit kami sa ganung posisyon bago napadesisyunang lisanin ang lugar na yun. Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga kasama ko maging kay Jherome. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ni Tale at kasalukuyang tinatahak ang daan pauwi. Tahimik lamang kaming pareho. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya at sa muli kong pagtingin sa kanya ay doon ko lang napansin ang sugat sa kanyang kamao. Nagdudugo ito. Bigla kong naalala ang pagsuntok niya kanina sa salamin para mabasag ito. Nakakainis naman siya. Bakit kailangang pagalalahin niya ako ng ganito palagi? Bakit palagi na lang na hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya isipin? Ano bang meron sa lalaking 'to? "May sugat ka." tanging nasabi ko sa nakita.  Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makapasok kami pareho sa unit ko. Pumunta ako sa cr at kinuha ang first aid kit sa cabinet. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kinuha ang kanang kamay niya. Napatingin siya sa gawi ko sa ginawa ko.  "Kailangan magamot yang sugat mo." hinayaan niya lang akong gamutin ang kanyang sugat. Sinusubukan kong huwag diinan ang ginagawa kong pagdampi ng bulak sa kanyang sugat-sugat na kamao. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya sa tuwing naririnig ko siyang napapahigop ng hangin sa hapdi na nararamdaman. Napapailing na lang ako sa tuwa na makita ang hitsura niya.  "Why are you smiling?" tanong niya sa akin. Saglit akong tumigil sa ginagawa para tingnan siya.  "Wala. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?" nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi na lang siya pinansin. "Mark?" pambabasag niya sa katahimikan. Patapos na ako sa paggamot sa sugat niya at binabalot na lamang ito ng gasa upang hindi maimpeksyon. "Hmm?" "I'm sorry. I am really sorry..." Malalim akong napabuntong-hininga tsaka walang gana siyang tiningnan. Hindi ba siya napapagod na humingi ng tawad? Kanina pa siya hingi ng hingi ng sorry sa akin, nakakairita na. "I didn't mean to hurt you. Nadala lang ako ng galit ko." umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko. "Alam ko namang hindi mo yun sinasadya. Ba't ba kasi galit na galit ka kanina?" muli ko siyang tiningna nang matapos sa ginagawa. Matagal bago niya nasagot ang tanong ko. "I saw you talking with other guy. You two were so close to each other and you seemed so happy talking with him. I badly wanted you to drag away from him. I hate so much na makita kang masaya sa ibang tao, na hindi ako ang dahilan ng bawat ngiti at tawa mo. It feels like it's killing me from inside." dahil sa sinabi niya ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Ayokong magisip na tama ang hinala ko pero base kasi sa sinabi niya ay parang nagseselos siya na may kasama akong ibang lalaki. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi dahilan para sandali siyang mapapikit. Kalaunan ay hinawakan niya ang kamay kong nakawak sa kanyang pisngi. Kinuha niya ang palad ko mula doon at hinalikan ito. Muling nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko magawang umiwas sa titigang yun hanggang sa namalayan ko na lang ang paglapat ng mainit niyang labi sa akin. Nagsimula akong tumugon sa kanyang halik. Sa gitna ng aming mainit na tagpo ay naramdaman ko sa aking likod ang malambot na sofa. Doon ko lang nalaman na nakahiga na pala ako habang si Tale ay nasa ibabaw ko. Mahigpit akong napahawak sa kanyang balikat sa sensasyong muling binubuhay niya sa kaloob-looban ko. Lumipas ang sandali ay pareho na kaming walang suot pang-itaas. Napapahalinghing na lang ako sa ginagawang paglaro ng kanyang bibig sa aking u***g. Para akong kinikiliti sa sobrang sarap ng kanyang ginagawa. May kakaibang pakiramdam itong dulot sa aking katawan para mapaungol ako.  Pumagapang ang kanyang kanang kamay pababa sa aking p*********i. Hindi ko na siya napigilan dahil sa paglamon ng matinding apoy sa aking buong katawan. Walang hirap niyang nabuksan ang zipper ng aking pantalon at mabilis na nilabas mula sa aking brief ang akin. Mas lalong lumakas ang aking mga ungol nang simulan niyang paglaruan ang alaga ko. Mainit ang malaki niyang palad na mas lalong nagdala ng ibang sensasyon sa katawan ko. Bumalik ang kanyang labi sa labi ko. Muli naming pinagsaluhan ang parehong uhaw naming pagnanasa para sa isa't-isa. Aksidente ko pang nakagat ang kanyang labi upang pigilin ang panibagong ungol mula sa aking bibig.  "s**t! Malapit na ako." mahina kong halinghing nang kumawala ang kanyang labi sa akin. Natigilan ako ng pumaibaba ang kanyang ulo pantay sa p*********i ko.  Nanginig pa ang aking katawan nang walang sabi niya sinubo ng buo ang bagay sa pagitan ng aking hita. Swabeng bumaba-taas ang kanyang bibig sa akin. Wala sa sarili ko siyang nasabunutan. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ang ganitong bagay. Hindi ko akalain na ganitong sarap ang hatid niya sa sistema ko. Hindi ko na napigilang magpakawala nang mas bumilis pa ang pagbaba-taas ng bibig ni Tale sa baba ko. Gusto ko pa sana siyang sabihan na lalabasan na ako nang nahuli na ako at tuluyan na sumirit ang libido ko sa kanyang bibig. Bahagyang nanigas ang aking buong katawan dahil sa pagpapakawala kong yun. Huli kong nasulyapan ang pagpunas ng kanyang kamay sa gilid ng kanyang labi at ngisian ako bago ako tuluyang mawalan ng malay. Katatapos lang ng klase namin at kasalukuyan na akong nagliligpit ng aking mga gamit. Kakaunti na lamang kaming naririto sa loob nang masilayan ko ang humihingal na tumakbong si Jherome pabalik sa kwarto. Nagtataka ko itong tinitingnan nang saglit siyang napatukod sa kanyang tuhod. "May naghihintay sayo sa labas." habol ang kanyang hininga na sabi sa akin. Mas lalo akong nagtaka dahil doon. Sino namang susundo sa akin? Wala naman akong inaasahan na susundo sa akin ng ganito. "Sino daw?" tanging naitanong ko na lang bago isukbit ang bag sa aking balikat. Kahit nagtataka ay naglakad na lang ako palabas nitong gusali. Kahit ayaw ko mang paniwalaan ang taong nasa laman ng aking isip ay malaki pa rin ang tyansang siya ang taong tinutukoy ni Jherome. Tahimik lamang na nakasunod sa akin si Jherome. Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko mula dito sa pinto si Tale na nakapamulsa pa sa kanyang suot na maong jeans na pinaresan ng body-hugged shirt na labis na nagpatingkad sa kakisigan ng kanyang katawan.  'Sinasabi ko na nga ba.' Mabilis akong nagtago sa gilid ng pinto upang hindi niya ako makita. Ang nagtataka namang si Jherome ay hinila ko sa aking tabi. "Bakit ka nagtatago?" Kahit siya na ang inaasahan kong tinutukoy ni Jherome ay hindi ko pa rin naiwasang magulat nang makita siya sa labas. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa reyalisasyon na sinusundo niya ako. Hindi niya naman ginagawa 'to dati ah. Anong nakain ng lalaking yun at naisipang sunduin ako? Sakit talaga sa dibdib ang kumag na yun. "Sabihin mo sa kanya na nakauwi na ako." pinagtaaasan niya lang ako ng kilay at marahas na napakamot sa kanyang batok. Nagaalangan niya akong tiningnan. "Eh sa nasabi ko sa kanya na nandito ka pa sa loob eh." marahas akong napabuga ng hangin. Paktay! Ano na ang gagawin ko ngayon? Tsk! Ano namang masama kung susunduin niya ako diba? Hindi naman siguro masama kung sasakay ako sa kotse niya. Hinatid niya na rin naman ako noon nang pumunta ako sa isang bar kasama ang mga kaklase ko. Hindi ito ang unang beses na sasabay ka sa kanya, Mark. Dapat hindi ka na kabahan. Walang gana na lang akong lumabas sa aking pinagtataguan at napiling maglakad papalapit sa kanya. Napalingon siya nang makalapit sa akin at matamis akong nginitian. "Anong ginagawa mo dito?" walang buhay kong tanong sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa bulsa tsaka binuksan ang pinto ng shotgun seat. Inilahad niya ang kanyang kamay paharap sa akin. "Fetching you, I think." ang kanina niyang matamis na ngiti ay naging mapanglokong ngisi. Tatlong araw na rin ang nakakalipas matapos ang mainit naming pagtatagpo nang gabing yun. Sinakop ako ng matinding kahihiyan nang mabalik ako sa sarili kong katinuan. Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto at ini-lock ito. Habang talukbong ng kumot at pilit kong inaalis sa aking isip ang kanyang mukha habang subo ang aking sandata. Simula nang sumunod na araw ay pilit ko siyang iniiwasan ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Paano ko nga ba naman siya maiiwasan kung palagi siyang nakatambay sa penthouse ni sir Ryuu. Sa tuwing mapapagtingin ako sa kanya at nahuhuli ko rin siyang malagkit na nakatitig sa akin. Mapang-asar niya akong nginingisian. Napapayuko na lamang ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang naging tagpo naming yun. "Ayoko. Magtataxi na lang ako." maglalakad na sana ako upang maghanap ng masasakyan na taxi nang mabilis niya akong nahila pabalik. Masama ko siyang tiningnan pero hindi man lang natinag ang loko. "Hey! Iniiwasan mo ba ako?" natigilan ako saglit nang maalala muli ang hitsura niya nang gabing yun. Hangganga kailan ba ako magdudusa dahil sa lalaking ito? Sumasakit na lang ang ulo ko. "Bakit naman kita iiwasan?" pabalik kong tanong sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Look at me, Mark." binaling niya ang aking mukha paharap sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa aking baba. "Look into my eyes." naging seryoso ang tono ng kanyang boses maging nawala na rin ang kanyang ngisi sa labi. "You don't have to avoid me. You must not feel embarassed with me. I'm so sick of knowing na iniiwasan mo ako matapos ang gabing yun. What's wrong with you, Mark? Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako?" tagos sa kaloob-looban ang ginagawa niyang pagtitig sa akin. Hindi ko magawang kumalas. Para akong natuod sa sarili kong kinatatayuan at ang kumurap ng mata ay hindi ko magawa. Napalunok ako. "Please... Don't do this to me." tanging pagtango na lang ang aking natugon. Nabalik ako sa sarili nang may marinig akong tumikhim sa aking likuran. Agad akong lumayo kay Tale at hinarap ang taong yun. Napamura na lang ako sa aking isip nang malaman na nasa likuran ko pa pala si Jherome. Kailan pa siya nakatayo diyan? "Excuse me na ah. Uuwi na rin ako. Baka kasi maabutan pa ako ng ulan..." tinaas niya ang pareho niyang balikat at hilaw na ngumiti. Kinaway niya pa ang kanyang kamay bilang pagpapaalam. Nakangising kumaway si Tale dito. Naiinis ko itong pinalo na ipinagtaka niya. "What?" "Bakit hindi mo sinabi na hindi pa umalis si Jherome?" kahit kailan talaga ang lalaking 'to. "So what? I want him to know na akin ka lang." bumalik ang ngisi sa kanyang labi at muling binulsa ang parehong kamay. "Baliw ka talaga." tanging nasabi ko na lang at umupo na lang sa shotgun seat nitong sasakyan niya. Akala ko ba sira ang kotse niya. Hindi nagtagal ay pumasok na rin siya at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. "Seatbelt." paalala niya sa akin bago mabilis na pinaandar ang kotse. Nakatingin lang ako sa labas habang tinatahak ang daan pauwi. Nagtataka akong napatingin sa katabi ko nang huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Mas lalo pa akong nagtaka nang alisin niya ang kanyang seatbelt at walang sabi na lumabas ng kanyang kotse. Kahit nagtataka ay sumunod na lamang ako sa kanya at natagpuan na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng isang restaurant - ang restaurant kung saan ako nag-apply bilang waiter noon. "Anong ginagawa natin dito?" pag-agaw ko sa kanyang atensyon. Saglit siyang tumingin sa akin bago muling ibalik ang atensyon sa menu na hawak niya. Hindi man lang ako sinagot ng kumag na 'to. Ilang saglit lang ay nagtawag siya ng waiter at sinabi dito ang kanyang mga order. "Kung ano mang kalokohan 'to Tale, hindi nakakatuwa. Kailangan ko pa magluto ng dinner ni sir Ryuu. Kailangan ko nang umuwi." pinipilit ko ang aking sarili na huwag sumabog sa harap niya. Pinipilit ang sarili na magpuyos ng inis. Baka mamaya masapak ko pa itong kaharap ko. "Don't worry, Mark. I already called Ryuuji na kasama kita and said na kakain tayo sa labas ngayong gabi." hibang na ba talaga ang lalaking 'to? Kanina sinundo niya ako tapos ngayon kakain kami sa labas? Ano bang meron? Napabuntong-hininga na lang ako tsaka humalukipkip sa harap niya. Nadinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanyang inorder at napilitan na lang na kumain. Para matapos na ang kalokohan niyang 'to. "So, Jherome huh?" pagsisimula niya ng topiko matapos ang katahimikan sa pagitan namin. "What's with you two?"  tanong niya naman. Hindi ko siya sinagot at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Wala akong gana na makipagusap sa kanya. "I want you to stay away from him, Mark. Ayokong nakikita kitang may kasamang ibang lalaki." doon lang ako napatingin sa kanya. Para iyong kidlat na tumama sa akin para magising ako sa pananahimik. "Kaibigan ko lang si Jherome. Tsaka, wala kang karapatan para diktahan kung sino ang gusto kong kasama." Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking 'to na diktahan ang gagawin ko. Sino ba siya para utusan ako na layuan ang kaisa-isang kaibigan ko? Nakakainis siya, parang gusto ko siyang tusukin ng tinidor ngayon. Saglit siyang natahimik. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na lang pinansin ang presensya niya. Magta-taxi na lang ako pauwi matapos kong kumain dito. Kung yun ang gusto niyang sabihin kaya niya ako dinala dito, pwes hindi ako natutuwa. Hindi ko maiwasang murahin siya sa isip ko dahil sa mga sinabi niya. Tsk! Hindi niya ako pagmamay-ari para sundin siya sa gusto niya. Natigilan ako sa pagkain nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor bago diretsong napatitig sa kanyang mga mata. Napalunok ako. Maging siya ay napalunok rin nang mapansin ko ang paggalaw ng kanyang adams apple. "You're my type, Mark and I really want you." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD