M A R K
Medyo late ako nagising kinaumagahan hindi tulad ng kinasanayan kong gising araw-araw. Umiikot ang aking paningin at masakit ang aking leeg dahil sa paghiga ko sa maliit na sofa nitong unit ko. Mas pinili kong dito matulog kaysa tabihan ang kumag na yun sa kama. Mas lalo lang akong mahihilo sa amoy niya.
Matapos kong maghilamos ay tumungo na ako sa penthouse ni sir Ryuu upang maghanda ng kanyang almusal. Saglit ko munang tinapunan ng tingin ang ngayong natutulog pa ring si Tale sa kama ko. May gana pa siyang humilik na mukhang sarap na sarap pa sa kanyang pagtulog. Tingnan lang natin mamaya kapag nagising ka na. Ewan ko na lang kapag tumama na ang hangover sa sistema niya.
Inabala ko ang aking sarili sa pag-init ng ulam na kagabi na aking niluto at nagluto ng fried rice para sa almusal ng aking amo. Sakto namang matapos kong magtimpla ng kanyang kape ay ang paglabas naman niya sa kanyang kwarto. Hindi pa ito nakabihis at magulo pa ang kanyang buhok na nagsasabing kagigising lang nito. Nakasandong itim pa ito dahilan para masilayan ko ang matitigas niyang braso na bahagyang nagtatangis dahil sa kanyang pagkusot sa kanyang mapupungay pang mata. Napababa ang aking tingin sa maiksi at hapit niyang stripes na boxer. Napalunok ako ng aking laway sa nasilayan na bukol mula doon.
Pinagnanasaan mo ba ang amo mo, Mark?
Agad kong iwinaksi sa aking paningin sa tanawin na yun. Ilang ulit akong umiling-iling habang marahang naglalakad papalapit sa amo kong kauupo lang.
"Good morning po sir." simpleng bati ko dito tulad ng aking nakasanayan tuwing umaga bago ilapag ang tasa ng kape sa tabi niya.
"Good morning." saglit akong mapatigil nang mapansin ang paos nitong boses. Isang katanungan ang pumasok agad sa aking isipan nang mapagtanto na mukhang masakit ang ulo nito dahil sa paghilot nito sa kanyang sentido.
"Masakit po ba ang ulo niyo sir?" hindi ko napigilang magtanong. Base kasi sa obserbasyon, mukhang uminom siya kagabi kaya masakit ang ulo niya ngayon. Isa pa, baka iyon din ang dahilan kung bakit kakagising niya pa lang at hindi pa nakabihis pangtrabaho. Hindi tulad kasi noon na ganitong oras kapag lumabas na siya sa kanyang kwarto ay nakabihis na ito ng kanyang formal suit at kakain na lamang ng almusal bago pumasok sa kanyang kompanya.
"Yeah. Just had a little reunion last night." napatango-tango na lang ako. Sinimulan ko siyang salinan ng kanin sa kanyang plato. Sa sitwasyon niya kasi ngayon ay mukhang hirap siyang gumalaw. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang epekto ng alak sa katawan ng tao. Uminom na rin ako noon at nalasing. Kaya alam ko ang pakiramdam ng magkaroon ng hangover kinabukasan. Simula nang maranasan ko yun ay nilimitahan ko na ang sarili ko sa pag-iinom ng alak.
Sumagi sa aking isipan ang lalaki na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog sa aking unit. Napaisip ako. Hindi kaya kasama ni sir Ryuu si sir Tale kagabi? Iyon ba ang dahilan kung bakit lasing na lasing din ang isang yun? Siguro, oo nga. Siguro magkasama sila kagabi kaya pati itong amo ko ay may hangover din ngayon.
"Don't mind me. Just eat your breakfast." nawala ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita sa tabi ko si sir Ryuu. Tumango lang ako at nagsimula nang kumain tulad niya.
Matapos niyang kumain ay bumalik siya sa kanyang kwarto. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagliligpit ng aking mga ginamit sa kusina. Sakto naman ng aking ginagawa ay yun din ang paglabas ni sir Ryuu sa kanyang kwarto. Nakasuot na ito ng usual niyang formal suit na sinadya ata para sa kanya dahil sa pagyakap nito sa malaki niyang katawan. May kausap ito sa kanyang telepono nang tuluyan siyang makalabas.
Makalipas ang ilang saglit ay bumalik na ako sa aking unit upang abalahin ang aking sarili. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay wala na ang kumag doon sa aking kama. Nagtaka ako kung saan na siya pumunta pero agad na nasagot ang aking tanong nang makarinig ako ng mga patak ng tubig mula sa cr. Paniguradong nagtatanggal ito ng hangover sa pamamagitan ng pagligo.
Pumunta ako sa kusina upang paghandaan siya ng inumin at umaasang matanggal ang hangover sa sistema niya. Sa gitna ng aking ginagawa ay napapitlag ako nang may mga brasong pumulupot sa aking bewang at ang mabigat na bagay sa aking balikat. Agad na nanuot sa aking ilong ang pamilyar na amoy ng shower gel. Mabilis akong humarap upang mapagsino ito ngunit mukhang nagkamali ata ako ng ginawa nang mapagtanto ko kung gaano na kalapit ang mukha naming dalawa. Napatitig ako sa kulay abo niyang mga mata. Para akong hinihigop nito. Hinihinotismo dahilan para matulala ako sa tanawin na ito. Tila may bumara sa aking lalamunan para sunod-sunod akong mapalunok.
Bumaba ang tingin ko sa labi ng lalaking kaharap ko ngayon. Manipis ito. Mapupula - kasing pula ng isang mansanas. Bumubuka ang mapupula niyang labi na parang may sinasabi ito ngunit hindi ko matukoy kung ano yun. Wala akong marinig sa buo kong paligid. Basta ang alam ko lang ay ang nakakabaliw na pakiramdam na ngayon ay namumuo na sa buo kong sistema.
Bago pa ako mawala sa sariling katinuan ay mabilis ko siyang itinulak papalayo sa akin. Tila ako'y napaso dahil sa ginawa ko nang mapagtanto ang paglapat ng aking palad sa hubad niyang katawan. Mula sa kanyang nakangising mga labi ay bumaba ang aking tingin sa maumbok niyang dibdib pababa sa matitigas niyang tiyan pababa pa sa bagay na nakabukol sa pagitan ng kanyang hita na natatakpan ng tuwalya. Napakurap-kurap ako ng aking mga mata nang muli na naman akong natulala sa harap niya. Mapaglaro niyang tawa ang bumalik sa akin sa sarili kong ulirat.
"Why did you stop?" mapang-asar niyang tanong sa akin. Napansin ko ang kanyang pagngisi at napag-alaman kung saan na naman 'to papunta.
"Huh?" nagkunwari na lang akong walang ideya sa tinutukoy at mabilis siyang tinalikuran. Naiinis ako sa sarili ko hindi sa kanya. Naramdaman ko ang pang-iinit ng aking pisngi nang muling nanumbalik sa aking isipan ang tanawin kanina. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang iwaksi muli yun sa aking isipan.
"Why did you stop devouring me in your mind?" mapaglaro ang kanyang boses na labis kong kinainis. Sinundan niya pa ito ng mahinang tawa na lalong nagpainit sa ulo ko.
'Bakit ka nagkakaganyan, Mark?'
Muli akong napatigil sa aking ginagawa nang muling pumulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang. Mahina siyang bumulong sa aking kaliwang tenga sapat lamang para marinig ko.
"Is that for me?" para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa nang nagpaulit-ulit sa aking isip ang lamyos ng kanyang boses na parang sirang plaka. Mabuti na lang talaga ay patapos na ako sa aking ginagawa at agad akong nakakalas sa mapanglaro niyang mga braso. Naaasiwa ako sa tuwing nakadikit siya sa akin. Para siyang linta kung makapalupot sa katawan ko.
"Anong pinagsasabi mo? Gumawa ka ng sayo kung gusto mo." lumabas ako ng kusina nang matapos ako at inabala ang sarili sa paglilipat ng channel sa tv habang sinusubukang ignorahin ang lalaking ngayon ay nakabukakang nakaupo sa tabi ko na hanggang ngayon ay tanging tuwalya lamang ang suot. Wala ba itong balak magbihis?
Pinilit kong mag-focus sa panunuod ng pelikula. Isa itong romantic film kung saan ang babae ay seryosong nakikipagusap sa isang lalaki. Nakaupo ang babae samantalang ang kaharap niyang lalaki ay nakahilig ng bahagya ang katawan sa office table nito.
Saglit akong napalingon sa lalaking tahimik na ring nanunuod tulad ko.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napalingon ito sa akin tsaka ngumisi.
"Para saan pa kung huhubarin mo lang naman ako mamaya." agad kong dinampot ang throw pillow sa tabi ko at tinapon sa kanya. Mabilis niya namang sinangga ang kanyang braso at nasalo ito.
"Wala ka talagang masabing matino."
Inabala ko na lang ang aking atensyon sa panunuod nang matigilan ako nang mapagtanto kung ano na ang nangyayari sa palabas. Napalunok ako nang nakaluhod na ang babae - hubo't hubad habang may itim na telang tumakatakip sa kanyang mga mata. Maya-maya ay lumabas ang lalaki na wala nang suot pang-itaas at may hawak na tila maliit na latigo. Marahang pinadaan nito ang dulo ng kanyang hawak sa hubad na katawan ng babae bago mahinang pinalo sa balikat ng babae. Napadaing ang babae.
Naramdaman ko ang paglundo ng sofa sa aking tabi. Wala ako sa sariling napalingon ngunit agad ding napatigil dahil sa malapit nang pwesto sa akin ni sir Tale. Nakatukod ang matigas nitong braso sa gilid niya at ang isang braso naman nito ay tumukod sa armrest nitong sofa dahilan para makulong siya sa pagitan ng mga bisig nito.
"A-anong ginagawa mo?" hindi siya sumagot.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. Nanumbalik ang pakiramdam sa aking katawan na kanina ko pa iniignora ngunit dahil sa pwesto naming dalawa ngayon ay tila kidlat itong dumaloy sa kabuuan ko.
Ilang beses na ba akong napapalunok ng laway ngayong araw na 'to dahil sa lalaking napakalapit na ngayon ng mukha sa akin. Gusto kong itulak siya palayo sa akin pero hindi ata umaayon ang katawan ko sa aking isip na dapat ay tinulak ko na siya kanina pa. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Para akong natuod sa sarili kong kinauupuan.
Binasa niya ang kanyang mapupulang labi gamit ang dulo ng kanyang dila. Dahan-dahan pa niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Namalayan ko na lang ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata nang maramdaman ko ang kanyang labi sa gilid ng labi ko.
Nang mapagtanto kung ano ang kanyang pakay ay doon ko lang naigalaw ang aking katawan at malakas siyang tinulak palayo muli sa akin.
"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo?!" para akong malalagutan ng hininga nang makabawi sa pagkakatulala. Mabilis akong tumungo sa aking kwarto at agad na ini-lock ang pinto nito. Hawak-hawak ang aking dibdib na napasandig ako sa pinto. Lutang at hindi makapaniwala na nahalikan ako ng kumag na yun. Nagpupuyos ako sa inis nang marinig ko ang mahihinang katok niya mula sa labas.
"Don't take that serious, Mark. I'm just teasing you, okay?" ibang-iba ang tono nito ngayon. Mababa ang boses ng lalaki na parang guilty ito sa ginawa niya. Hindi ko nagawang sumagot at hinayaan na lamang siyang kusang umalis.
Wala akong pakialam kung tanging tuwalya lang ang suot niya. That serves him right, anyway.
Lumipas ang mahigit isang linggo na hindi na nagawi ang lalaking ngayon ay hindi pa din mawala sa aking isip. Matapos kasi ng pangyayaring yun ay hindi na pumunta dito si Tale. Hindi ko alam kung anong dahilan. Marahil ay abala ito sa sarili niyang buhay kaya hindi ito nagagawi dito. Ayaw kong isipin na kaya hindi pumupunta si Tale dito sa penthouse ni sir Ryuu ay dahil sa paghalik nito sa kanya. Ang kumag na rin ang nagsabi na huwag seryosohin yun dahil isa lamang yun sa mga pang-aasar niya sa akin. Ngunit, hanggang ngayon kasi ay binabagabag pa rin ako ng halik niyang yun. Hirap na hirap na akong alisin yun sa sistema ko dahil sa tuwing sinusubukan ko lang ay nasi-stress lang ako.
Dahil sa nasanay na akong palaging nasa paligid si sir Tale ay tila hinahanap-hanap ko na ang presensya niya. Ilang araw na rin akong umaasa na sana ay maisipan na nitong magawi dito at asarin na lang siya buong araw. Para na akong mababaliw at mas gusto ko na lang na nakadikit siya sa akin. Gusto kong nasa paligid na lang siya palagi. Oo! Nababaliw na ako. Bago para sa akin ang ganitong pakiramdam. Sino ba namang matino ang matutuwa kapag pang-aasar lang ang kayang gawin ng tao sayo. Hibang lang ata ang gusto? Hibang na nga siguro ako dahil hinahanap-hanap ko ang presensya niya.
Simula nang araw nang halikan niya ako ay hindi na siya naalis sa isip ko. Kapag nawawalan ako ng ginagawa ay may pagkakataon na lumalabas ang kanyang hubad na katawan sa aking isipan. Nanunumbalik sa aking alaala ang maumbok at matigas niyang dibdib. Ang mapupulang labi nito na pagngisi lang ang tanging alam.
Matapos kong magluto ng almusal ng aking amo at naihanda na ang mga ito sa mesa ay naisipan ko na lang na maupo sa stool bar malapit sa island counter nitong kitchen habang naghihintay sa paglabas ni sir Ryuu. Masyado kasing napaaga ang gising ko ngayong araw gawa na hindi ako makatulog tulad ng mga nagdaang araw. Ayoko namang maunang kumain . Hindi naman ako si sir Tale na walang pakialam kung may hinihintay pa at palaging nauunang kumain. Napailing-iling ako nang siya na naman ang nasa isip ko.
"Oh s**t!" napalingon ako sa aking likuran nang may boses akong nadinig mula sa sala kasunod ang tunog ng bagay na nabasag. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at tumungo sa sala. Magtatanong na sana ako kung anong nangyari nang mapipilan kalaunan nang masulyapan ang taong ngayo'y nagpapagulo sa isip ko.
"The f**k Alfred!" napatingin ako kay sir Ryuu nang lumabas ito sa kanyang kwarto at nakakunot ang noo nang masulyapan ang basag na vase sa sahig.
"Its not my fault. Mark broke it!" mula sa pagtingin sa aking amo ay mabilis akong napabaling kay sir Tale na nakahawak pa sa kanyang noo.
"Huh? Ba't ako?" tanging nasabi ko na lang.
Ang kapal din ng lalaking 'to na pagbintangan ako. Ngayon na nga lang siya nagpakita dito tapos ganito pa ang mangyayari. Kung alam ko lang sana na ganito ang muli naming pagkikita ay hindi ko na sana hiniling na sana pumunta siya dito. Nakakapang-init lang ng ulo.
"Is that true, Mark?" seryoso ang boses ni sir Ryuu na tinanong ako. Kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan ay nakaramdam ako ng pagkatakot na baka sisantihin niya ako dahil sa nangyari. Nakayuko akong umiling sa paratang ng aking amo.
"Then Alfred, pay what he broke." pagtatapos ni sir Ryuu bago dumiretso sa dining area.
"What?"
Kasalukuyan kaming kumakain na tatlo ng almusal. Nilinis ko muna ang nabasag na vase ni sir Tale bago sila sabayan sa pagkain. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin kay sir Tale dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita makalipas ang ilang araw. Napapangiti na lang ako sa aking isipan and at the same ay napapailing na lang. Hindi naman kasi ako ganito sa kanya noon. Hindi ako natutuwa kapag nasa paligid siya. Ngunit parang nagbago ata bigla ang ihip ng hangin.
"Namiss ko ang luto mo Mark ah! Tagal ko nang hindi natitikman mga luto mo." komento niya sa pagitan ng kanyang pagsubo. Hindi niya na nangunguya ng maayos ang kanyang kinakain dahil sa sunod-sunod niyang pagsubo.
'Bakit kasi bigla ka na lang hindi nagparamdam?'
Gusto ko sa kanyang itanong yan ngunit mas pinili ko na lang na isaisip yun.
"Your table manners, Alfred."
"Tsk! Sungit-sungit talaga nito. Kaya wala kang jowa eh!" napataka ako sa aking isip sa sinabi niya. Ano namang connect ng table manner ng tao sa pagkakaroon ng karelasyon ng tao?
"And you, a childish philandering bachelor who only knows chiming-in in people's lives." composed pa rin ang pagkakaupo ni sir Ryuu hindi tulad ni Tale na parang natatae dahil sa mga sunod-sunod na pang-aalaska sa kanya ng kaibigan.
"That's too harsh, dude. Masungit lang sinabi ko sayo ah." palihim akong napatawa sa tinuran niya. Masyado atang natapakan ni sir Ryuu ang ego niya kaya kung maka-react ay sobra-sobra. Guilty siguro siya.
"Alam mo, Ryuuji. Masyado ka kasing seryoso sa buhay kaya wala kang girlfriend eh. Why don't you loosen up sometimes? Play sometimes?"
Play sometimes? Sa tingin ko malabong gawin ni sir Ryuu ang ganung bagay. Kung siya pa, may tyansa pa. Tsaka, paano naiisip ng lalaking 'to na maglaro sa edad niya. Isip-bata ba siya?
"My work deals with millions everyday, Alfred. I'm handling thousands of employees in my company. Sabihin mo nga sa akin kung paano ko mabibigyan ng oras ang kwentang bagay na 'yan? Besides, the only time I could relax is when I am not in my office which unfortunately was also the time your annoying voice comes in and ruins the only silent moment that I have. So if you could, please just eat your breakfast and just f*****g mind your own business."
Iyon ang unang beses kong madinig si sir Ryuu na magsalita ng mahaba. Nasanay kasi ako sa buong buwan kong pagtatrabaho dito ang pagiging matipid niya magsalita. Nagsasalita lang ito kung importante ang kanyang sasabihin.
"Okay. Fine. Umagang-umaga, ang init agad ng ulo mo." pagsuko ni sir Tale.
Tulad ng aking ginagawa matapos sa pagkain ay nagligpit na ako sa kusina. Nakaalis na si sir Ryuu upang pumasok kasama si sir Tale. Nakaramdaman ako ng pagkalungkot dahil sa agaran niyang pag-alis. Kumain lang talaga ang kumag.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking unit upang matulog sana ulit ngunit saktong pagpasok ko sa kwarto ko ay bulto ng malaking lalaki agad ang bumungad sa akin. Nakatalikod ito sa akin na parang may hinahanap na kung ano sa loob ng closet ko.
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Akala ko ba umalis na siya? Tsaka paano siya nakapasok sa unit ko?
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ