Chapter Thirteen

2181 Words
I NEVER HAD THOUGHT that love could turn you into a monster. At pagkatapos ng mga nangyari sa condo unit ni Jonathan ng gabing 'yon, I started to doubt myself if I really want to continue loving someone like him. He's scary. He hurt me. He was no longer the Jonathan that I used to know. He turned into a different person. Someone I don't know. Someone I will never love. A beast. "Here, have a coffee." Mula sa tasa ng kape, nag-angat ang tingin ko sa nagdala niyon. Ang napakagwapong mukha ni Vlad ang bumati sa akin. I'm still wearing his jacket. Buti na lamang at dumating siya. Kung hindi, baka tuluyan na akong nasaktan ni Jonathan. Never in my dreams na naisip kong magagawa niya sa akin iyon. I keep on telling myself na wala siya sa sarili niya. That he's just under the influence of alcohol and drugs. But that moment has just proved to me what kind of a monster was hiding beneath him. And it scared me to death. "H-hindi ko inakala na magagawa niya sa 'kin 'yon. K-kasalanan ko rin naman. Nagpadala ako sa d-damdamin ko nang hinalikan niya 'ko. Hinayaan 'kong mas lumalim pa doon kaya... k-kaya kahit sinabi kong a-ayoko hindi pa rin siya t-tumigil." "Please stop crying, sweetie. I promise that I won't let him be near you again." Kinuha ni Vlad ang nanginginig ko pa ring mga kamay. Inilapit niya iyon sa bibig niya at damping hinalikan. Unti-unting nawala ang tensyon sa katawan ko sa init na dulot ng palad niya. Nang maalala ko kung gaano kasakit ang mga kamay niyang kumapit sa akin. Muling namasa ang mga mata ko. He was the last person I'd thought would hurt me. But then again, I was wrong. He already hurt me twice. He doesn't deserve my love anymore. "G-gusto ko na siyang kalimutan Vlad. I want this feelings to die. I want him out of my life. Out of my system." Lumapit si Vlad sa tabi ko at niyakap ako. Dinantay ko ang ulo ko sa dibdib niya at doon tuluyang umiyak. "Hush... I'm here to heal your aching heart. You'll never be broken again. I'll take care of you, Erin. I promise that I'll never hurt you." His words and promises made me feel safe and sound. Isn't funny to think na kung sino pa'ng mas nakatatakot at delikado. Siya pa itong handa akong protektahan at pangalagaan. "You will forget him. I promise." *** HINDI ako nakapasok kinabukasan. I was still traumatized. Laking pasasalamat ko that Vlad is here to take care of me. Pinagluluto niya ako ng pagkain while making sure that I have all my needs. Making sure I'm okay and safe. I never knew he could be this sweet. Slowly, my heart started to melt. "Here, this is a bit hot, sweetie, careful." Pinuwesto niya sa tapat ng bibig ko ang isang kutsara ng mainit na crab and corn soup na siya mismo ang nagluto. Hinipan ko muna ito nang ilang beses bago sinubo. Ang daya. Bakit ang sarap-sarap niyang magluto eh hindi naman siya kumakain? Kasalukuyan kaming nasa kwarto. My whole body is sore kaya hindi ako makatayo. Nagkaroon pa ako ng lagnat. Dinalhan na lang ako ni Vlad ng lunch in bed. At dahil wala akong masyadong ganang kumain, soup na lang ang niluto niya. Ang swerte ko naman at may ganito akong kagwapo at kaseksing chef. "After you eat this, you need to take your meds, okay?" habilin niya. "Yes Daddy," pilya kong tugon. Napangisi nang malaki si Vlad at umiling bago ako muling sinubuan hanggang sa maubos ko ang soup. I fell back to sleep and woke up past five in the afternoon. Medyo bumaba nang lagnat ko at mas umayos na rin ang pakiramdam. Hindi na rin ganoon kasakit ang katawan ko kaya nagawa kong bumangon. Wala sa loob na inamoy ko ang sarili. Ang baho ko na! Kahapon pa ako hindi naliligo. Yuck! Ew-ew to the highest level. Pwede na akong makibarkada sa mga taong grasa sa kalye sa amoy ko. Agad akong dumiretso sa banyo. Wala si Vlad sa bahay. I wonder kung saan siya nagpunta. Namalengke siguro for dinner. I used warm water and dip myself in the bathtub. Sobrang nakakarelax. Isama pa ang scented candles na sinindihan ko. After a few minutes. I heard the door open. "Erin? Erin where are you?" Si Vlad. Medyo nagpapanic ang boses niya. I find it cute na nag-aalala siya agad mawala lang ako sandali. "I'm here!" Tugon ko. Narinig ko ang mga yabag niya hanggang sa tapat ng pinto ng kubeta. "Are you okay, sweetie?" Sweetie. Hindi ko napigilang mapangiti. "Oo, naglilinis lang ako ng katawan." "Alright, call me when you need something. I'll cook you a dinner." "Okay!" Ang haba ng hair ko. House husband lang ang peg ni Vlad. Umahon na ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ng ulam na niluluto niya. Nagtapis ako ng twalya. Pagkatapos kong mag-toothbrush ay humakbang ako palabas nang bigla akong nadulas. Flat na bumagsak ang pwetan ko sa sahig. "Ahhhh!" Kung dadalawin ka ba naman ng malas, oh! "Erin! What happened!?" Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang nag-aalalang mukha ni Vlad. Mula sa mukha ko, bumaba ang tingin niya at agad nanigas sa kinatatayuan. His face immediately turned red like a tomato. "Ano ba tinutunganga mo diyan? Tulungan mo kaya ako!" inis kong singhal. Madiin na nagrolyo ang lalamunan niya sabay mabilis na nag-iwas ng tingin. Pati 'yung ears niya namumula na rin. What the hell is wrong with him— Naudlot ang sanang pagtataray ko nang marealize ko kung bakit. Nakabukaka lang naman ako sa pagkakadulas kaya open na open ang view ng aking.... "AHHHHHH! Labas!" Agad akong nakahablot ng tabo at mabilis na binato sa mukha niya. *** HINDI ako makakain nang maayos because Vlad keeps on grinning like an idiot! "Ano ba? Tigilan mo nga 'yang pag-ngisi-ngisi mo. Tsi-tsinelasin kita!" singhal sa kanya. Literal na umuusok ang dalawang butas ng ilong ko sa inis. Bwisit talaga ang balahura! Wala na atang hindi nakita sa katawan ko. Juice ko Lord! Wala na 'kong maitatago pa sa kanya. Nakita na niya ang lahat-lahat! "What? Pati pag-ngiti bawal na rin?" reklamo niya. And don't forget his sexy accent. "Oo! Lalo na kung puro kamanyakan ang dahilan ng mga ngiti mo!" "Hey! Hindi ko naman sinadya, okay? You shouted so I thought something bad happened to you. I'm just concern. Hindi ko naman i-n-expect na makikita kita sa gano'ng position widely opening your legs exposing me the cutie little pinkie—asdfghjklsdfghjkl" Sa sobrang inis ko sinupalpalan ko siya ng strawberry sa bibig. "Pwede ba! Ayokong marinig 'yang lalabas sa bibig mo!" He smirked and eat the strawberries. Bwiset! Ang akala ko tatantanan na niya ako pero habang abala ako sa paghuhugas ng plato ayun na naman ang siya sa pang-aasar niya. Ang mokong bigla ba naman sumulpot sa likuran ko at yumakap sa bewang ko. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko at bumulong, "You really have a pinkish and cute little hmmmm Erin." Parang bulkan na sasabog ang ulo ko sa inis. "Vlad ano ba! Ang bastos-bastos mo! Nakakainis ka! I hate you!" Sa gigil ko winisikan ko siya ng bula mula sa dishwashing liquid pero mabilis na nakaiwas ang loko. Tawa-tawa pa ang gago. Grr! "What? I'm complimenting your pvssy!" Nanlaki na talaga nang husto ang mga mata ko. Balahurang 'to napaka walang filter ng bibig! "I said shut up your filthy mouth!" Hinabol ko siya ng kutsilyo na hinuhugusan ko. Nanlaki ang mga mata ni Vlad at tumakbo nang mabils. Ang ending naghabulan kami sa buong apartment. "Hey Erin! Show me again your cutie little pinkie pvssy. I want to see it again!" "Bastos ka talaga! Hayop!" "HAHAHA! You're so cute Erin, like your—" "Tumigil ka na nga! Papatayin talaga kita!" "No! Not until you show me again that cutie little pinkie—" "Urgh! I hate you!" *** NANG MAKITA ko si Jonathan sa campus ay agad nagdilim ang buo kong paningin. Kung pupwede lang na manakit ng tao nang hindi ka makukulong malamang ginawa ko na. "Erin! Erinna, please wait! Please talk to me—" Hinablot niya ako sa braso at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya pagharap ko. He was shocked. You deserve that asshole! I don't give a fvck kung pinagtitinginan na kami ngayon ng mga ibang istudyante sa hallway. Ang gusto ko lang ay magalit. "Don't. Ever. Touch. Me. Again." Diniin ko ang bawat salita. Namumulang mga mata niya ang humarap sa 'kin. "Erin, please... let me explain." Natawa ako sa kanya. "Explain? Ano pang dapat mong i-explain doon Jonathan? Kahit ano'ng explanation ang gawin mo hindi mo na mababawi ang pambabastos na ginawa mo sa akin!" Dinuro ko siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. I never thought that I could hate the guy I had loved for years. Totoo nga ang kasabihan. People change. "Look, I was deadly drunk that time. At... at... pumayag ka naman diba? You let me kissed you. You let me touched you kaya akala ko okay lang na gawin natin 'yon. You said you love me!" "Bullshit!" Sa inis ko ay hinampas ko sa kanya ang dala kong mga libro. "Huwag mo 'kong gaguhin sa mga dahilan mong baluktot. Oo! Sinabi kong mahal kita pero it doesn't give you the right to hurt and abused me. Oo! I responded to your kiss dahil akala ko finally, you feel the same way to me." "I do! I do feel the same way to you Erin hindi pa ba malinaw 'yon sa 'yo?" That caught me off guard. Lumapit siya at hinawakan ako sa balikat. He lifted my chin forcing me to look him in his eyes that have made me fall hard and deep. "Erin mahal kita. I'm sorry kung ngayon ko lang nagawang aminin. I was just too afraid na magbabago na'ng lahat sa atin if we take it to the next level. Natatakot ako na baka hindi ko magampanan ang pagiging boyfriend sa 'yo. I treated girls differently and you know that. But you, mahalaga ka sa akin. Hindi ka katulad nila. I cherish you so much to the point that I'm so afraid to loose you kaya ayokong i-risked. Mali ako na nakuntento akong magkaibigan lang tayo. But the day when I saw you with him." Namumuo na ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata ko. This is really hurting me. Jonathan's eyes looked on me with the weight of my heavy heart. "When I saw you smiling and laughing with another guy. That's when I realized that I can't bear to stand and see you happy with someone else. Dahil gusto ko ako lang ang makakapagpasaya sa 'yo. Na ako lang ang lalaking yayakap at hahawak sa mga kamay mo. Humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. "Erinna... please give me another chance. Erinna I love you. I love you please." Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko while still holding my hands. Dinikit niya ang mga kamay ko sa noo niya. And then he sobs. Gustong lumambot ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero tapos na ako sa yugtong iyon. Tapos na ako sa pagpapakatanga. Hindi na ako ang Erin na tulad ng dati na walang ibang nakikita kundi ang bulag na pagmamahal kay Jonathan. Matapos ang mga nangyari, I finally understood a lot of things. For half of my life, I revolved my entire world on one boy. All my decisions, all my dreams, lahat kasama si Jonathan. I depended my happiness on him. But the truth is... hindi si Jonathan o ang kahit na sino ang makapagpapasaya sa akin. Because if there's someone in this world who could make me really happy and love me that way I deserve, that is no one but myself. Madalas na nabubulag tayo sa idea of falling in love with someone. Sa mga fairy tales na ginawa ni Disney. Sa mga prince charmings na kinalakihan natin. We always believe in true love and happy endings. It's not bad to love. Love is the greatest thing in this world. Love is the best gift God has granted us. Pero paano ka magmamahal kung ang sarili mo hindi mo minamahal? How would you give so much compassion to someone pero sa sarili mo wala kang tinitira? That is not love. That is stupidity. At tapos na ako sa pagpapakatanga. This time, I will love myself more. I will prioritize myself more than anything else. Hindi ko na hahayaang umikot ang buhay ko sa isang tao dahil ang lalaki hindi ginagawang mundo. This time I will choose Erinna Jewel Magandanghari. Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob at binawi ang mga kamay ko sa kanya. Gulat na napaangat ng tingin si Jonathan. "I'm sorry Jonathan but it's already too late." Bago pa man tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay tumakbo na ako paalis sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD