Chapter Two

2038 Words
UNTI-UNTI kong binuksan ang `king mga mata nang may naramdaman akong kakaibang kirot sa kaliwang parte ng leeg ko. Wala sa sariling hinawakan ko `yon. May nakapa akong tila dalawang maliliit na sugat. Sugat? Hindi pa man ako tuluyang nakadidilat nang maayos ay agad-agad na `kong bumangon. Hinanap ko ang salamin sa side table kung saan ko iyon laging pinapatong. Nang makuha ko ang pakay, agad kong pinuwesto ang salamin sa tapat ng leeg ko at chineck kung ano ba itong nakakapa ko. Dalawang maliit at magkadikit na sugat ang una kong nasilayan sa repleksyon ng salamin. Parang medyo sariwa pa nga. Gamit ang nanliliit na mata, mas lalo kong inilapit ang hawak at tinitigan itong mabuti. Ano `to? Paano ako nagkaroon nito? “Hmmm.” Nanigas ako na parang yelo nang makarinig ng pag-ungol. Gumalaw ang kama.  Aguy, juice ko po! Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang may lumingkis sa bewang ko. What the bloody hell! Ano `tong pumupulupot sa `kin? Matigas, malaki at… at… at... Dahan-dahan kong binaba ang hawak na salamin at pumihit paharap sa right side ng kama. Tumirik ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang matagpuan ang isang hindi kilalang lalaki. Tahimik siyang natutulog sa tabi ko. Nakahubad siya at tanging kalahati lang ng katawan niya ang natatakpan ng puting kumot. Napalunok ako nang madiin. Mabilis kong sinipat ang kabuuan niya. Parang isang siyang natutulog na anghel. Mahaba at natural na mapilintik ang kanyang pilikmata, daig pa ang naka eyelash extension super curly edition. Makakapal din ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang features. At ang ilong, jusmiyo marimar, ang tangos! Havey na havey! Sunud na bumaba ang titig ko sa mapula niyang labi na bahagya pang naka-buka at may lumalabas doon na mahihinang hilik. How cute. Gumapang uli ang paningin ko mula sa kanyang mukha pababa sa kalahati ng makisig niyang pangangatawan. Hindi ko napigilang mapasinghap nang malaya kong napagmasdan ang maumbok niyang oh-so-yummy-chest-of-a-God! May tattoo pa siyang black roses sa right chest. Gravity! Tao ba `tong nakikita ko o si Hercules? Baka naman imaginations ko lang siya? Walang pintas para siyang isang drawing sa sobrang perfect niya. Bumaba lalo ang tingin ko hanggang sa kanyang tiyan. Agad akong nakaramdam ng matinding pagka-uhaw. Water! I need tubig! H20! Electrolytes! Rain! Saliva! Tears! Wala sa sariling yumuko ako at dinutdot-dutdot ko ang matitigas niyang mga abssssss. Madaming “s” kasi madami rin yung abs niya. One, two, three, four, five, six. Six fvcking abssssss! Amazeballs! Sino ba kasi ang mama na `to at bakit katabi ko siya sa kama? Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over. Erin, gaga ka! Mag isip ka nang mabuti. Ano’ng ginawa mo kagabi? Lintik pala `yang si kumpareng Empi! Traydor! “Hmmmm.” Muli siyang gumalaw at siniksik niya lalo ang sarili sa `kin. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa tiyan ko at dinikit nang husto ang mukha niya roon. Aba! Ang maharot, ginawa pa akong unan! Kinagat ko ang labi ko. Kenekeleg eke! Mey gwepeng leleke neghe-heg seken! Napapikit ako at pinigil ang kumakawalang tili. Mabilis na tumakbo ang imaginations ko. Siguro sa sobrang kalasingan ko kagabi nawalan ako ng malay. Tapos napulot ako nitong si Mr. Pogi. Tapos hinatid ako niya `ko rito sa apartment ko. Tapos… tapos… tapos... Nang makapa kong wala pala akong suot na saplot agad kong nahigit ang sariling hininga. s**t! Wala akong damit! Bakit wala akong damit?! Mabilis akong tumayo at lumayo sa kama. Bitbit ko ang kumot pangtakip sa hubad kong katawan kung kaya diretsong nahila ang buong comforter at nawalan ng pangtakip ang lalaki. Nakarating hanggang kabilang galaxy ang tili ko nang makita ko ang oh-so-lively and standing-ovation niyang... Five letters starts with letter “P.” “AAAAAHHHHH!!!” Halos mapatalon ang lalaki nang bumangon siya at agad lumingon sa `kin. Nagtagpo ang mga mata namin. Weird, his eyes have a rare shade of green. “Sino ka! A-anong ginawa mo sa a-akin?” Umatras ako ng isang hakbang nang magsimula siyang gumalaw. “Huwag kang lalapit! Don’t you dare make a move!” Mabilis kong dinampot ang stick na pangkamot sa likod na nakapatong sa drawer. Personalized pa ito na nabili ko sa Baguio dahil ang gitnang daliri lang ang nakatayo. Tinutok ko agad ito sa kanya. “Hey... easy there.” Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang isa akong hayop na dapat niyang paamuhin. And I swear to God, he has the sexiest morning voice I ever heard. Kumunot ang kanyang noo nang mapagmasdan niya ang pangkamot na hawak ko. Tapos napangisi siya. Letse `to! Inggit pa ata sa pangkamot kong naka pakyu. Palibhasa ako lang meron nito. Then bigla siyang tumayo. Putragis naman walang pasabe! Nawala lahat ng kulay sa buong mukha ko nang mapansin na naman ang very alive niyang “alaga.” “P-pwede bang... m-magtakip ka nga ng u-unan!” He chuckled and looked down at his own pet. Tapos nag-angat siya uli ng tingin at ngumisi. “Pretty big isn’t it?” Eksaherada akong humigop ng hangin. Don’t tell me na `yang monster pet niya ang… ang… ang... Holy madapaka sheeeeeeeeeeeeet! “Hayop ka! Ra/pist! Ra/pist kang... kang... gwapo ka! Ra/pist!” Agad ko siyang pinagpupukol ng mga gamit na mapulot ko: libro, picture frame, alarm clock. Lahat nang mahawakan ko ibinabato ko sa kanya. Mabilis niyang naiwasan lahat ng bagay na pinaghahagis ko at nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya. Agad niya `kong tinulak at napasandal ako sa pader. Gamit ang isang kamay, walang hirap niyang hinawakan ang dalawa kong pulsuhan at inipit sa taas ng ulo ko. Bumaba ang mukha ng lalaki sa `kin. Sobrang lapit niya. Bumilis ang t***k ng puso ko na parang may kabayong nagkakarera sa loob niyon. “I said easy.” He pinned me harder. Umangat ang malaya niyang kamay sa baba ko habang mas lalo niyang dinikit ang katawan niya sa `kin. And I’m very aware of how his “monster pet” keeps on poking my tummy like a little child annoying her mother to buy him candy. Oh, Father in heaven, forgive me for I have sinned! “Sino ka ba at paano ka nakapasok sa kwarto ko? Ano’ng ginawa mo sa `kin?” Distracted talaga ako sa monster pet niya. Ugh! “You don’t remember? How rude,” bulong niya sabay nguso. Pa-cute pa ang gago. Kaazar! Hindi ko siya maintindihan. Dahil ba sa sobrang kalasingan ko kagabi kaya hindi ko tuloy maalala ang mga nangyari? Saan ko ba kasi siya nakilala? Langya! Alam kong sobrang brokenhearted ko kagabi pero `di ko naman alam na aabot ako sa ganito at makikipag one night stand ako sa lalaking hindi ko naman kilala. Well, in fairness, sobrang gwapo naman nitong naka one night stand ko. Not bad na rin. LOL. Erase! Erase! Erase! Erin, gising! Baka mamaya masamang tao `yan! "Wala nga kasi akong maalala. Tatanungin ba kita kung meron akong naaalala? Gwapo ka nga wala ka namang common sense.” I rolled my eyes. He smirked. Bakit kahit anong reaction ang gawin niya ang gwapo pa rin? Kaazar level two! “Humans have weak memories,” aniya sabay iling. “Hmm. `Guess I need to make you remember what happened last night. But only in one condition.” Tumaas ang isang kilay ko. “Sasabihin mo lang kung ano `yung nangyari sa `tin kagabi may kondisyon pa?” He made a “tsk” sound while shaking his head. “Are you sure you don’t want to know what happened?” Mas binaba niya ang mukha niya sa `kin habang `di maalis ang nanunudyong ngiti sa labi. Nakakairita talaga itong mamang ubod ng gwapo na may six packs abssssss at malaking *tooot*! Sini-seduce pa ako. Pasalamat siya marupok ako. “Syempre gusto kong malaman. Ano ba kasi ang nangyari?” “In one condition,” ulit niya. Nagbuntong hininga ako. Eh, embes na pumuti ang mata ko kaiisip sa letseng nangyari kagabi, edi gagawin ko na lang ang pesteng kondisyon na `yan. Nagpadyak ang pareho kong paa na parang batang nagmamaktol. “Sige na nga! Ano ba kasi `yon?” He smiled like a mischievous devil. Uh-oh. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa mga ngiti niya. “I want a breakfast.” Nakahinga ako nang maluwag. Sus! `Yon lang pala. Akala ko naman hihingi siya ng kiss. Pagbibigyan ko naman siya eh. Char! Umikot ang mga mata ko. “`Yon lang ba? O sige, ipagluluto kita ng breakfast pero pwede bang bitawan mo muna ako?” Pero hindi niya pa rin ako pinakakawalan. Sa halip ay lalo niya pang itinaas ang dalawa kong pulsuhan at mas dinikit nang husto ang dibdib niya sa katawan ko. Hindi ata uso ang salitang space sa lalaking ito. He shook his head again. “Uh-oh. Not that.” “Aba! Demanding ka na masyado, ah! Don’t tell me na gusto mo pa na sa isang hotel o restaurant tayo mag-breakfast. Ano ka, hilo? Pambili nga ng cheesy bacon mushroom burger pinag-iipunan ko pa, eh. Wala `kong pera!” Umiling-iling siya habang tila nagniningning na bituin ang mga mata niya. Hinawakan niya ang baba ko at itiningala ang mukha ko. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Tila may ahas na gumapang sa paanan ko pataas sa buo kong katawan nang maramdaman ang mainit niyang hininga na humahalik sa balat ko.  “Sweetie,” he murmured. The sound of his voice sent a thousand bolts on my skin. “I’ve been wondering, do you taste delicious as you look and as sweet as you smell?” He kissed the soft spot between my ears and neck. Enebe... keshe nemern, nekeke-enesh ke telege.... “This is what I want for breakfast.” Isang kirot ang tumusok sa leeg ko. Napasinghap ako sa sakit. “Aray!” I tried to push him away but his body was hard as stoned. What the hell! Did he bite me? Naramdaman kong sinisipsip niya ang dugo ko. Halos mamilipit ang dalawa kong hita sa panginginig ng mga kalamnan ko. What. Is. Happening? Ilang minuto kaming nagtagal sa ganoong posisyon bago niya binitawan ang leeg ko. Humarap siya uli at bumungad sa `kin ang bahid ng mapula kong dugo sa labi niya. Dinilaan niya ang dugong kumalat sa gilid ng bibig niya. He smiled devilishly. “I’m right. You’re really sweet. You taste like... strawberries.” Strawberries Bigla ang pagbalik ng lahat ng memorya sa isipan ko. Ang paglalasing ko sa park. Ang pag-wish ko sa isang wishing well. Ang paglabas ng makapal na usok mula sa `king cabinet at nang lumabas ang isang lalaki roon. At ang unang beses niyang pag-kagat sa leeg ko. Naalala ko na ang lahat. “What are you?” Nanghihina na’ng boses ko katulad ng panlalambot ng mga tuhod ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. A pair of green eyes gazed at me with a weight of the world. He opened his mouth revealing two sharp fangs. “I’m a vampire prince from the Kingdom of Transylvania, and you little woman... you need to feed my hunger until I regain my powers again.” Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga lahat ng ito o nanaginip na lang ako? Bampira? Sa movies at libro lang sila nag-eexist hindi ba? “I want you... to be mine.” Iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kanya bago tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko. Nilamon ng kadiliman ang paningin ko. Sinalo ng matigas na bisig ang bewang ko at naramdaman kong umangat ako mula sa sahig. Ilang sandali pa at lumapat ang likod ko sa kama. Pinilit kong idilat ang aking mata. I saw his gorgeous face again and those alluring eyes with the shade of the forest. They were piercing me. Puncturing each hole on my skin until I bleed for them. Pumatong siya sa ibabaw ko. Ibinaba niya ang kanyang mukha, unti-unti hanggang sa wala ng distansya ang natitira sa pagitan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD