Chapter Seven

2251 Words
            “ERIN, CAN WE PLEASE TALK?”             Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang text message ni Jonathan sa `kin kagabi. I ignored it and tried my best to fall asleep. Unluckily, hindi ko nagawa. Buti na lang Sunday ngayon at walang pasok dahil mukha akong The Walking Dead sa itim ng eyebags ko. Pinihit ko ang handle ng shower at pinatay iyon. Inabala ko ang sarili sa pag-mamassage ng shampoo sa buhok ko.             Mabigat akong nagbuntong hininga. Naiinis ako kay Jonathan. Hindi niya pala kayang mawala ako sa kanya pero ano? As a friend? Sinaktan niya ako. Sinabing hanggang sister lang ang tingin niya sa `kin. Ganun ba talaga ka-insensitive ang mga lalaki at hindi nila alam ang salitang: “I need time to heal?”             Ang mga lalaki parang si Kris Aquino! Sariling point of view lang nila ang alam isipin!             Hindi ko rin ata kaya ang gusto niyang,“We stay as friends like we used to be.” Mahirap `yon. As of now, sobrang sakit pa ng pambabasted na ginawa niya. Parang pinukpok niya lang naman ng martilyo ang puso ko at hinagis sa gilingan. Napakanta tuloy ako habang naliligo.             ♪ Sinaktan mo ang puso ko             Sinaksak mo ng kutsilyo             Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo             Sinaktan mo ang puso ko,             Ngayon ako'y naghihingalo             Mauubusan na 'ko ng dugo             Sinaktan mo ang puso ko… oohhhh ♪             Ang ending? Giniling na puso ni Erinna Magandanghari.             Umalingawngaw ang sunud-sunud na tunog ng doorbell. At dahil nasa banyo pa ako, kaya hindi ako makakalabas para buksan ang pinto. Siguro `yung delivery boy na weekly mag-hatid ng tubig.             “Vlad! Paki buksan naman `yung pinto at baka `yung delivery boy na `yan!”             Narinig kong nag-okay si Vlad. May mga sumunod na ingay akong narinig sa labas. Nagmadali na akong mag-shower at agad nagbanlaw. Kinuha ko ang twalya pangtapis sa katawan ko at maliit na bimpo pangbalot naman sa basa kong buhok. Pagtapos mag-toothbrush ay agad na `kong lumabas ng banyo.             “Nakuha mo na ba `yung deliver na tubig?” Nahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatayo pa rin si Vlad sa harap ng pinto. At halos mawala lahat ng kulay sa mukha ko nang makita kung sino’ng bisitang dumating. “Jonathan!”             Obvious na hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Naninigas ang bagang niya habang tila bola ng ping pong na nagpabalik-balik tingin niya sa `kin at kay Vlad.             Alanganin akong ngumiti. “A-anung ginagawa mo rito?”             Medyo nailang sa sitwasyon. Lalo na sa itsura namin dalawa ni Vlad. Kakatapos ko lang maligo at si Vlad naman, tanging neon-pink kong short ang suot. Ugh. Pinakielamanan na naman niya ang gamit ko.             Tumikhim si Jonathan. Namumutla siya. “Pinagdalhan kita ng pagkain, here.” Inangat niya ang box na dala. Ngumiti siya pero hindi `yun umabot hanggang mata.             “Ah... t-thanks, pakipasok na lang sa kusina. Magbibihis lang ako.”             Tumungo siya at tuluyang tumuloy sa loob ng apartment. Agad akong nagmadaling pumasok ng kwarto at napasandal sa likod ng pinto.             Oh no! Ano ba `tong bumungad sa umaga ko?   ***               NAKASUOT na `ko ng usual kong pambahay: sweat pants at sando. At dahil hindi naman ako nagbo-blower `pag nasa bahay kaya basa-basa pa ang buhok ko. Naabutan ko si Jonathan na nakaupo sa dining table kaharap si Vlad na prenteng nakasandal sa upuan na kaharap nito.             Wala talagang kahi-hiya sa katawan ang bampirang talipandas. Ibalandra ba naman ang nagmumurang abssssss at biceps niya sa harapan ni Jonathan? Poker face naman ang mukha ni Jonathan habang nakangisi si Vlad. Tumikhim ako at lumapit sa kusina.             “Salamat sa pagkain. Hindi ka na sana nag-abala pa, Jonathan.” I tried to sound casual kahit sobrang awkward para sa `kin ng sitwasyon.             “Palagi naman kitang dinadalan ng pagkain every weekends, right? At alam kong paborito mo ang chicken carbonara na luto ni mama,” kaswal niyang sabi.             Tipid akong ngumiti sa kanya at inabala ang sarili sa pagsasalin sa pinggan ng dala niyang carbonara.             Tumikhim si Jonathan. “So... you two were already living together?”             Natigilan ako sa sinabi niya. He’s not looking at me but he’s looking at Vlad.             “Yeah,” sagot ng isa. `Di pa rin nabubura ang nakalolokong ngisi sa labi.             Patay! Baka kung ano’ng isipin ni Jonathan!             “Ah... yeah, pinaaalis na kasi si Vlad sa dati niyang tinutuluyan kaya rito muna siya hangga’t wala pa siyang nahahanap na bagong malilipatan,” maagap kong paliwanag.             Nagmamadali kong nilapag ang dalawang plato ng carbonara sa lamesa at naglabas ng orange juice galing sa ref.             “Ganun ba. Bakit ka naman pinaalis sa dati mong tinutuluyan?” pag-uusisa ulit ni Jonathan.             Nagkatinginan kami ni Vlad. Kinakabahan ako sa mga pwede niyang sabihin. Wala pa namang preno ang bunganga ng bampirang `to.             “Well, the landlord doesn’t want to extend my contract anymore so she kicked me out. And she already has a new occupant who, unfortunately, already paid the whole amount of the lease for the year.”             Wew. Nakahinga ako nang maluwag sa paliwanag niya. Good boy, Vlad. Pagpatuloy mo `yan.             Umupo na ako sa gitna ng lamesa sa pagitan ng dalawa. “Tara, kain na.”             Nagsalubong ang kilay ni Jonathan habang pinagmamasdan ang dalawang plato sa hapag. Nagtaas siya ng kilay. “You’re not eating?” tanong niya kay Vlad.             Patay! Nasanay na kasi ako na hindi pinaghahandaan ng plato si Vlad.             “Ahmm, s-share kami.” Mabilis kong inusog ang plato palapit kay Vlad.             “She’s so sweet isn’t she?” pang-aasar pa ng huli.             Ngumisi lang si Jonathan at nagpatuloy sa pagkain pero halatang sumama ang timpla ng mukha niya. Ano ba’ng problema niya?             Inabala ko na lang ang sarili sa pagsubo ng carbonarra. Yum! Ang sarap talaga magluto ni Tita Jessica na mommy ni Jonathan. Kapag carbonarra niya ang kinakain ko para akong nawawala sa sarili. `Di ko namalayan na napapapikit at ngiti na pala ako habang kumakain.             I heard Vlad chuckled. Pagdilat ko, amused na nakatitig siya sa `kin. “Huh? Bakit?”             Lumaki ang ngiti niya. “You eat like a baby.” Umiling si Vlad at bigla niyang nilapit ang mukha sa `kin. Lumayo ako pero mabilis ang kilos niya at diniliaan niya ang gilid ng bibig ko na may naiwan palang sauce. Agad nag-init ang dalawa kong pisngi. Kainis! Ang landi-landi talaga! Ang ngisi niya parang ngiting tagumpay. Akala mo nanalo ng jackpot sa lotto. Kumindat pa ang gunggong!             Malakas na tikhim ang narinig ko. Nagbitaw ako ng tingin kay Vlad at naiilang na napatingin  kay Jonathan na ngayon ay umiinom ng juice at hindi makatingin sa `min.              A.W.K.W. A.R.D             “So, when are you planning to look for a new place to stay?” mayamaya ay tanong ni Jonathan.             Tinaas ni Vlad ang braso niya at umakbay sa balikat ko.             Hoy! Vlad, ha! Nakakadami ka na ng tsansing sa `kin. Pasalamat siya at nasa harapan namin si Jonathan at naalala kong pagseselosin namin ito. Kung hindi, nakatikim na siya sa `kin ng upper-cut sa mukha na may kasamang head-chop.             “Hmm. I don’t have plans yet. Besides, I’m enjoying my stay here with my girlfriend.” He emphasized the last word and looked at Jonathan with a dirty smug on his face.             Napalunok ako nang madiin. Nagbuga ng hangin si Jonathan at nagdabog na binitawan ang kubyertos. “Erin... sorry to say this pero alam ba nila Tita Eileen at Tito Hero na may kasama kang lalaki sa apartment mo?”             Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong namutla. Oh no! Hindi pwedeng malaman nila mama dahil siguradong malilintikan ako. Galitin mo na lahat `wag lang ang mag-asawang Magandanghari. Magkakaroon ng world war three!             “Uhmm.. J-jonathan, ah, baka pwedeng `wag mo munang banggitin kela mama, please? M-maghahanap naman agad si Vlad ng bagong apartment, eh,” natatarantang kong pakiusap.             Nasa mukha ni Jonathan na naiirita siya. Salubong ang mga kilay niya at panay ang pag-iling niya na para bang isang malaking katangahan itong ginagawa ko. I know him so well. He’s very transparent when he’s pissed.             “I dont know if I could promise you that, Erin. Look, I’ll be honest here. I dont trust this guy.” Binalingan niya ng masamang tingin si Vlad. “Kailan mo lang ba siya nakilala? Last week? My God, Erin! What have you been thinking? You already allowed a stranger you’ve only met a few days ago to stay at your house?” Tumaas ang boses niya. Nagulat ako. Never kong nakitang nag-hysterical si Jonathan nang ganito.             “J-jonathan.”             Tumayo si Jonathan kasabay ng pagtayo ni Vlad. Sa gulat ko hinarang ni Vlad ang katawan niya sa `kin. Nagpalitan sila ng masasamang tingin. Para bang may invisible na kuryente ang lumalabas mula sa mga mata nila. Uh-oh. This is not good.             “Who do you think you are, kid?” Mababa man ang boses ni Vlad pero hindi maitatago ang iritasyon doon.             Bumilis ang t***k ng dibdib ko at agad pinapagwisan ng malamig. Pikon pa naman ang bampira na `to at sigurado ako na malalagot si Jonathan kapag nagalit si Vlad.             “Who am I? I’m Erin’s childhood friend! We’ve known each other for years. Eh, ikaw? Sino ka ba? Saan ka nanggaling at bakit bigla ka na lang sumusulpot sa buhay namin? Tell me, may masama kang balak kay Erin ano?”             Bumigat ang tensyon sa paligid. Ang kabog ng dibdib ko daig pa ang nagkakarerang mga sasakyan sa sobrang ingay at bilis. Ngumisi si Vlad at naramdaman kong nanginginig na’ng katawan niya na tila nagtitimpi.             Agad akong pumagitna sa dalaw. “Stop it, you two! Ano ba kayo? Ang aga-aga mag-aaway kayo, pwede ba?”             Hinatak ako ni Jonathan sa braso. “Makinig ka nga sa `kin, Erin! Palayasin mo na ang lalaking `yan! You’re not safe with him. Dont you find it weird? Kakakilala mo lang sa kanya inakit ka na niya agad, and now bigla na siyang nakikitira sa `yo? Baka mamaya modus niya `yan! He’s just using you.”             Gusto ko sanang kiligin at ma-touch sa pinapakitang concern ni Jonathan pero dahil aware ako na hindi na maganda ang mood ni Vlad kaya isinantabi ko muna ang sariling kaligayahan.             “Jonathan, hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi ganun si Vlad, okay? Mapagkakatiwalaan siya, so will you please calm down?”             “No! I dont trust him! And I dont want him for you!”             Natigilan ako sa sinabi niya. Eh?             Bigla din niyang narealize kung anung nabitawang salita. Napalunok siya’t mabilis na nag-iwas ng tingin. Tawagin niyo na akong assumera ng taon pero tama ba `tong nararamdaman ko? Is this feeling that he’s jealous is true?             Ang haba ng hair ko! Bagong Rejoice!             Hinatak ako ni Vlad palapit sa kanya. “And who do you want for her, you?”             Natahimik si Jonathan. Matalim ang tingin niya kay Vlad pero namumutla siya. Nag-aasam na tinitigan ko siya hoping that he would say yes. But instead, he glanced away and walked towards the door. “Jonatha––”             Agad akong pinigilan ni Vlad sa braso. “Dont.”             Wala akong nagawa. Muling sumulyap si Jonathan sa`min. “I’m sorry for ruining your morning Erin. Let’s just see each other again at school.”             And just like that. Umalis na siya.             Naguguluhan ako sa mga nangyari. Am I correct that I saw hurt in his eyes? Pero binasted niya nga ako diba? Sinisterzoned pa nga! Bakit ngayon kung makapag-possessive siya parang higit pa roon ang turing niya sa `kin? Am I just imagining things? Nanlalambot ang mga tuhod ko at muntik na `kong matumba.             “Hey.” Agad akong sinalo ni Vlad. “He’s a coward. He can’t face his true feelings for you.”             Umiling ako. Ayokong mag-assume. Baka lalo lang akong masaktan. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Jonathan. If it’s true that he has special feelings for me, then why is he afraid to accept it? Is it because I’m not perfect enough for him? Dahil ba malayo ako sa taste niya? Sa mga cheerleader at queen-bee na nagiging girlfriends niya? I’m starting to really hate Jonathan, but my heart still craves nobody but him. Love is so cruel. It’s a game you dont know how to play.             Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak sa mga dibdib ni Vlad. He’s hushing and patting my hair like a little girl.             “I hate him. I hate how much I love him,” bulong ko sa pagitan nang paghikbi.             Humigpit ang yakap sa `kin ni Vlad. He cupped my face with his two hands and left a light kiss on my forehead. Tumingin sa `kin ang berde niyang mga mata. It was unexpectedly comforting like a lullaby song in the silent night; like a warm cloth in the cold winter.             “Hush. I’m here Erin. I’m here to take away all your pain.”             I don’t know if vampires have a soothing power. But when he said those words, I felt like Vlad was really my pain reliever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD