Kanina pa nakaalis si Lily, bukas na lang daw kami dumalaw sa bahay nya. Ipinakilala na rin ako ni Dion sa mga kasambahay nila, parang baliw nga, sabi nya wag na wag daw akong pagtatrabahuhin, ano ako dito kung di ako magtatrabaho? Display? Sabi nya si Dylan lang daw ang iprioritize ko, kapag daw nasa school ako may ibang mag-aasikaso kay Dylan. Right now nandito ako sa kwartong binigay sa akin, na malaki pa sa pinagsamang sala at kusina namin, at naghahanda ng matulog pero gusto ko muna sanang i-check si Dylan. Pagkabukas ko ng pinto, muntikan na akong atakihin ng makita ko si Dion na buhat si Dylan at mukang plano atang kumatok kaya lang naunahan kong buksan yung pinto. "Anong ginagawa nyo jan? " bakit ba pakalat-kalat tong mag-amang to? "Nagtataguan" bwisit to, kanina

