RING RING RING!!!
Nakatitig ako sa pangalan sa screen. Diana. Sino si Diana?
Hawak hawak ko ang cellphone ni Ryan at pinag iisipang mabuti kung sasagutin ko ba ito o gigisingin ang mahimbing na tulog nya.
RING RING RING!!!
Hay! Sagutin mo na lang, Maria at nang makapahinga si Ryan tska para malaman mo din kung sino yang si Diana at bakit tumatawag sya ng disoras ng gabi. Halos alas dos na ng umaga oh. Sinong matinong babae ang tatawag ng ganyang oras kundi ito 'booty call'. Hmp!
Huwag mong sagutin! Baka isipin ni Ryan nakikialam ka sa gamit niya at isipin napakaclingy mong girlfriend at pati privacy niya inooverstep mo na.
Girlfriend? Oo tama! Girlfriend ka nya. Wala naman sigurong masama kung sasagutin mo.
RING RING RING!!!
Tumagilid si Ryan at nabitawan ko sa kama ang kanyang cellphone sa gulat. Nagriring pa din ito ng walang tigil kaya kinuha kong muli at nang akmang sasagutin ko na ay saka ito tumigil. Biglang may lumabas na message sa kanyang screen.
'Why aren't you picking up!?'
'Where r u?!'
'We need to talk! ASAP!'
'Call me when you get this! As soon as you get this!'
Natetempt akong buksan ang kanyang cellphone at basahin ang messages ng babaing ito. Sino ba sya para magdemand ng ganun kay Ryan? Baka naman importante ito. Pero wala namang namemention saking Diana si Ryan.
Natutunan ko na dapat may respeto at tiwala ang isa't isa para magwork ang isang relasyon dahil ito ang magsisilbing pundasyon ng samahan ng dalawang taong umiibig.
Can I really trust you, Ryan?
Hindi na muling tumawag si Diana. Ibinalik ko ang cellphone ni Ryan sa kinalalagyan nito sa may bedside table.
Nahiga ako at natulog ng punong puno ng katanungan ang aking isip.
Sino sya at anung kailangan nya? Dapat kasi sinagot mo na lang! Kaso baka isipin ni Ryan pakelamera ka at walang respeto sa privacy nya. Privacy? E di ba magjowa na kayo so dapat wala ng tinatago di ba?
Paikot ikot ang aking isipan sa mga tanong na iyon hanggang sa ako ay makatulog.Kinaumagahan ay nagising akong wala sa tabi ko si Ryan. Narinig ko ang boses niya sa baba na para bang nakikipagtalo. Napatingin ako sa orasan. 6:00 am Sumilip ako sa may labas ng pintuan.
"You think I care?!" Pasigaw na sambit ni Ryan sa kausap niya sa telepono.
"Stop calling me Diana! We are over!" Galit na tono ni Ryan. Napatalon ako sa gulat sa lakas ng kanyang boses. Ngayon ko lang siya narinig na magalit.
Diana. Ex-girlfriend.
Tama ang desisyon mong di sagutin ang tawag, Maria.Kinuha ko ang aking hygiene kit at nagtoothbrush sa banyo. Naligo na din ako at nagbihis ng aking uniporme habang may inaasikaso si Ryan sa baba.
Pagbaba ko ay nakahanda na ang mga pagkain na natira namin kagabi. Ininit nya ang mga ito sa microwave.
"Good morning, my angel. Kain ka na. Sorry, hindi ako nakaorder ng breakfast. I hope okay lang sayo na ininit ko na lang yung natira natin kagabi."
"It's okay, Ryan. Sayang naman ang mga natira kung di natin kakainin. Tara sabayan mo na ako. By the way, ang aga mo ata kanina sa phone. Any problems?"
"No! Nothing, my angel. May inasikaso lang akong importante kanina."
'May inasikasong importante.' Diana.
Diana=importante. Ganun ba yun, Ryan?
"Oh! okay! Akala ko may ex-girlfriend kang tumawag para sabihing buntis siya at kailangan mong panagutan ang bata sa sinapupunan nya." Nasamid sa iniinom na kape si Ryan at natigilan. Natahimik at nanlaki ang kanyang mata na para bang nahulaan ko ang nasa isip niya. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
O.M.G.
"What the hell, Ryan?!" Nabitawan ko ang ininit na pizza na isusubo ko na sana at muntik kong maibato ito sa kanya.
Don't tell me tama ako?!
Kakaumpisa lang namin sa aming rekasyon tapos may ganito agad na rebelasyon?!
"Ha ha ha ha ha! You totally bought it, Ria! If you could just see the look on your face right now! Of course, I'm kidding!" Tawa ng tawa si Ryan sa kanyang pang aasar sa akin.
But then again dinaan niya lang sa tawa.
He isn't admitting or denying anything.
Maybe dapat namang pag usapan ito after ng event nya mamayang hapon.Pagtapos naming kumain ay nagtoothbrush ako. Sya naman ay naligo sa banyo.
Silipin mo kaya ang cellphone nya? Habang naliligo pa sya? Ayan lang sa counter yung cellphone nya. Abot kamay mo Maria. Ichecheck mo lang naman kung may iba pang messages si Diana eh.
Yes, ghorl? Anu na lang ang nangyari sa trust, respect at privacy? Kala ko ba cool girlfriend ka at hindi clingy na jealous at possessive type?
Napadiin ang pagbbrush ko ng aking ipin at nagdugo ang aking gilagid. Binuksan ni Ryan ang translucent na pintuan ng shower at inabot ang kanyang dark blue na robe. Napatalon ako sa tunog at napansin ito ni Ryan.
"What's the matter, my angel? Why are you so jumpy today?"
Palagay mo, Ryan? bakit kaya ako nagkakaganito? Ano bang kailangan ni Diana sa buhay mo at umeeksena pa sya?
"Nothing. Baka antok pa ako or namamahay lang kaya ganito." Kaswal na sagot ko sa kanya.
"Hmm. Gusto mo gisingin kita?" Loko nya sa akin habang nakayapos at nakatingin kami sa harap ng salamin.
"I'm fine. Baka ma late ako for school, Ryan." I dodged his advances sabay halik sa kanyang pisngi.
Unfair. Nauubos ang common sense ko pag nakayakap na sya sa akin. What more pag hinalikan nya ako.
Baka naman di mo dapat pakahulugan yung tawag na yun, Maria. Napapraning ka lang siguro. Huwag ka ng magfocus dun at masisira lang ang araw mo.
Hmp! Denial.
So ano dapat ang gawin ko? Pretend like I don't know anything? Pero hanggang kelan? Ang hirap lalo na at prone ako sa overthinking. The more na dinedeny ko, lalo lang itong babagabag sakin.
Not now, Maria. Now is not the time.Give it a little thought. Baka naman you're just overreacting.Pero bakit di sakin inamin ni Ryan ang totoo?Hayy..ganda problems.
Naging tahimik ang aming byahe pababa ng parking lot. Nakayakap sya sa akin the whole time. Naaamoy ko na naman ang mabango nyang mild cologne. Gumaan ang aking pakiramdam at bahagyang nalimutan si Diana.
"Ready?" Tanong nya sakin ng nakasakay na kami sa kanyang kotse.
"Yup!" Sabay ngiti sa kanya.
"I'll pick you up at 1 pm later. May pupuntahan muna tayo saglit." Sabi nya habang nagdadrive patungo sa aming State University.
"Aabsent ka ulit today? Di ka ba hahanapin ng mga prof nyan? Tsaka hanggang 4 pm pa ang klase ko. Payagan naman kaya nila ako mag out ng 1 pm?" Tanong ko sa kanya.
"Don't worry, I've got it covered. Naipagpaalam na din kita sa mga professors kaya wala ng problem. Pero, it's still your choice if you wanna come. I mean, I don't wanna impose." Sabay tingin sa akin at inaantay ang sagot ko.
"Hmm. I'll think about it. Sabi ng lola ko mahalaga ang edukasyon." Tamang ganti lang sa ginawa mo kanina, Ryan.
"By all means. Take your time. Just let me know before 1 pm, okay? My angel?"
"Ha ha ha! Joke! Syempre naman sasama ako. Matagal pa naman ang exams natin and one day lang naman ang event na iyon. Wait, sino pala ang magmamanage ng Café mo kung papasok ka din sa State Uni?" Tanong ko sa kanya.
"May mga employees na ako last week. I'll introduce them to you later." He winked."Okay! Sounds exciting!"
Malapit na kami sa may entrance ng State University. Naalala ko nga pala na si Ryan ang hot issue ngayon sa buong campus. Mahirap kung makikita kami ng mga kaklase namin na magkasama. Baka maging hot potato pa ako. Lalo na madaming girls ang interesado kay Ryan. Balita ko may fans club na nga sya eh.
"Uhm, Ryan jan na lang siguro ako sa tabi. Lalakarin ko na lang papasok. Baka may makakita satin eh." Paalam ko sa kanya.
"Are you crazy?! What kind of boyfriend am I kung hahayaan kitang maglakad. So what if they see us? People will talk. Let them!" Napalakas ang kanyang boses.
Boyfriend. Ansarap pakinggan.
"Okay okay! I'm sorry! Fine! Wag ka na magalit okay?" I rallied.
Well, slightly worried lang naman ako at baka maging target ako ng mga bully na nasa fans club mo, Ryan.
Pagdating namin sa parking space sa labas ng school entrance ay madaming nakatingin. Halos lahat ng mga studyante ay nagulat. Nakatingin sakin si Ryan at nkangiti. Hinawakan nya ang aking kamay para makita ng lahat. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon ngunit wala akong magagawa.
Haba ng hair mo ghorl. Ni-rejoice ba yan? Sumusunod sa galaw eh.
Hinatid ako ni Ryan hanggang sa labas ng klase at nagpaalam na ito sa akin. Andaming estudyante na nakapalibot at nakatingin sa amin. Hinalikan nya ako sa pisngi at kinilig ang mga tao sa paligid. Isa na dun ang aking kaibigang si Janus.
Pag alis ni Ryan ay pumasok na ako sa loob. May fifteen minutes pa bago mag umpisa ang klase. Ang mga babae ay nagkumpulan malapit sa aking upuan.
Patay. Hot seat ako ngayon.
Nakatuon sakin ang atensyon ng lahat ng aking mga kaklase. Hindi ako sanay sa ganitong senaryo. Naramdaman kong namumula ang aking mukha.
"Teh! Ginugulat mo naman kami! Kayo na pala ng pambansang Oppa ng campus!?"
"Ahh..ehh.."
"Ikwento mo naman! Pano kayo nagkakilala! Pano nangyare teh?!"
Sa tanong mo parang napakaimposible mangyari na magustuhan ako ni Ryan ah. Hmp!
"Ah ano kasi..uhmm..ano.." hindi ko alam kung saan mag uumpisa at hindi din ako komportable na tinatanong ako ng mga personal na bagay.
"Hay nako mga vaklita kayo hayaan nyo nga si ate Maria! Nananahimik yung tao! Kita naman na ayaw nya pag usapan oh!" Depensa ni Janus ng makitang hindi ako komportable sa sitwasyon.
Nagsi-alisan na ang mga kaklase kong nagkumpulan sa harap ko. Napatingin ako kay Janus at nagpasalamat. Napatango naman ito sa akin. Kahit hindi kami magsalita ay nagkakaintindihan kami. Maya maya lang ay dumating na ang aming prof na si Ms. Mayumi at nagumpisa na ang klase. Natahimik na din sa wakas.
First break na namin ngunit ayokong lumabas ng klase dahil baka pagkaguluhan na naman ako. Buti na lang at hindi na ako kinulit pa ng mga kaklase ko. Kumain si Janus kasama si Patricia at Eliza sa pantry. Tahimik sa loob at may mangilan ngilang estudyante ang natira na busy magbasa at gumawa ng assignments. Nagsuot ako ng earphone at nakinig ng latest music sa Spartify.
Ping!
"How's your day going, my angel?"Napangiti ako habang kumakain ng baon kong tinapay.
"It's fine. I'm doing great. How about you? How's your preparations going?"
"A bit dull without you here ;-) Everything is going well with the preparations."Naks gumaganon. Ikaw na talaga Maria.
"Glad to hear! I'll see you in a few. :-x"
"I'll see ya l8r! :-*"
Dumaan ang ilang oras at lunchbreak na. Nagpaalam na din ako sa aking next prof at pumayag naman sya agad. Lumabas ako sa may entrance at nakitang nasa parking na at nag aantay sakin si Ryan. Nakashades sya kaya hindi ko alam kung nakita nya ba ako. Kumaway ako sa kanya. Bumaba naman sya agad upang buksan ang pinto ng kanyang kotse.
"How's school? Ready for later?" Tanong nya sakin sa loob habang inaayos ang seatbelt ko.
"Yup. It's okay. So, where are you taking me?"
"Surprise." He winked and smiled.
Lagi mo na lang akong sinusurprise, Ryan.
Tumigil kami sa harap ng isang kilalang mamahaling mall kung saan namimili ang mga artista at mga myembro ng alta sosyedad at pumasok sa loob. Napatingin naman ako kay Ryan.
"Bakit tayo mag mo -mall?" Tanong ko sa kanya.
"You're choosing a dress for later."
"May isusuot naman ako mamaya Ryan eh tska mukang mamahalin dito."
"I've got it, my angel."
"Pero..--"
Hindi na ako nakatanggi pa. Hawak hawak nya ang aking kamay ng pumasok kami. Nagtitinginan ang mga sales lady kay Ryan. Obviously, gwapo ang boyfriend ko. Hinawakan ko sya sa may braso at natawa sya. Hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay.
Halos lahat ng nasa display ay mga mamahaling brands sa ibang bansa. Jusmiyo Ryan, dress lang naman at isang araw lang isusuot. Bakit naman napakabongga pa nang pagbibilhan natin? Daig ko pa si Cinderella.
Pumasok kami sa isang store. Napakaganda ng mga nakadisplay na dress at halatang mamahalin.
"Take what you want and try it on."
Lumapit ako at namili. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang price tag ng mga damit na nakasabit. Oh my god! Budget ko na ito ng isang bwan! Pero grabe ang gaganda ng fabric at ambango ng mga damit na nakadisplay. Hindi amoy factory. At halatang pulido ang yari.Maganda din ang presyo.
Kumikinang kinang na parang may glitters ang mga fabric sa ilalim ng ilaw. Lumapit sa akin ang isang sales assistant at tinulungan akong mamili ng dress para sa aking size.Nakapili ako ng tatlong dress. Isang ivory white na pleated V-neck dress with puffed sleeves, isang French Bellflower dress na crisscross sa likod in off white, at isang elegant French Retro Fairy longsleeved dress with mesh and floral embroidery in light grey with white and gold tones.
Sinukat ko ito isa isa habang nag aantay sakin si Ryan sa waiting room.Napili kong isuot ang dress na may mesh at floral embroidery. Tinulungan naman ako ng assistant para maisuot ng maayos ang damit. Binuksan nya ang kurtina at napamangha si Ryan sa kanyang nakita.
"How do I look?" Tanong ko with matching twirl.
"Perfect. You look perfect, my angel." Lumapit sya at niyakap ako.
"I'll take those three." Sabay bigay ng card sa sales assistant.
"Hala! Sobra naman ata yung tatlo, Ryan! Wag na! Nakakahiya!" Nagprotesta ako pero wala na kong magagawa dahil naiprocess na ito sa kanyang credit card.
Sunod naman ay dinala nya ako sa store ng mga footwear. Gaya ng ibang store ay mamahalin at branded din ang mga sapatos at sandals. Namili sya at pinapili din ako ng sakin. Isa lang ang kinuha ko at baka bilhin na naman nya lahat. Napili ko ang isang grey and white gold studded scarpin. Binayaran ito ni Ryan kasabay ng napili nyang sapatos.
Pagtapos namin sa store ay pumasok kami sa salon. Pina-hair and make up ako ni Ryan habang nagpapaayos din sya ng kanyang buhok.
Inumpisahan akong i-make over ng mga hairdressers at make-up artists. Naka up-do ang aking buhok na nilagyan ng konting pearl para maaccentuate ang overall hairstyle. Pagtapos syang maayusan ay inantay ako ni Ryan sa labas sa may waiting room.
"Wow! You look amazing, Maria!" Hinawakan nya ang aking kamay at hinalikan ito. Napakagentleman namang talaga. Ibang iba pag nasa kama. Namula ang aking pisngi sa mga naaalala ko.
Gentleman in the streets, freak in the sheets. Ganyan si Ryan.
Tinignan ko ang oras at saktong 2:30 na ng hapon. 3:30 pm ang ribbon cutting at opening ng kanyang café na malapit lang sa U-belt. Excited na din akong makita ang lugar.
Alas tres ng hapon ay saktong nakarating kami sa kanyang café. Napakaganda at napaka-inviting ng modern exterior nito. Instargrommable ang exterior na may al fresco feature pati na din ang simple yet modern interior nito na binalanse ng white, dark wood at golden tones. Sinamahan din ng wooden fixtures at konting greens para magmukang buhay ang loob.
Busy ang staff at nagaayos. May papromo sila na free coffee sa first one hundred customer at may free voucher naman para sa next 100. Mukang magiging jam-packed ang event na ito. Hindi lang kape ang meron kundi tea, smoothies, milk teas, milkshakes, at mga short order ng cakes and pastries. Halos kapareha ng sikat na coffeeshop na Starblocks ang nasa café ni Ryan pero mas affordable, malamig at free wifi. Masarap at ideal tambayan ng mga college student na kagaya ko.
"What do you think?" Kinakabahang tanong nya sakin.
"I think this place rocks! Ang ganda sobra, Ryan! Siguradong dadayuhin ito." Excited kong sagot sa kanya.
"Thank you, my angel. Come with me." Niyapos nya ako at pumasok kami sa loob at pumunta sa kanyang office sa likod.
"I thought this could wait but I can't help it, my angel." Nagulat ako ng sinara nya ang pinto. Naglalagablab ang titig ni Ryan sa akin.
Kuya wag po. De joke. Yamete oni-chan!
Char!
"God! I want to kiss you so bad right now but I don't wanna ruin your make up, my angel." Sabi nya sabay halik sa aking leeg. Isinandal nya ako sa kanyang office table at inangat ang suot kong dress sa may hita. Inurong nya sa gilid ang aking panty at kinain ang aking nagiinit na hiyas.
"Ryan! Pati dito? Baka marinig tayo!" Nag aalala kong sabi sa kanya.
"Sssh! Don't make a sound." Utos nya sa akin.
Nang basang basa na ang kabibe ko ay saka nya inilabas ang kanyang batuta. Binalutan nya ito ng baon nya at itinarak ng dahan dahan sa aking naglalawang hiyas. Mabilis naming narating ang paroroonan. Hinanap nya ang wet wipes at tissue sa kanyang drawer at nilinis at pinunasan ang aking hiyas. Nag ayos kami ng aming sarili. Pagtapos ng aming mabilisang romansa ay lumabas na kami ng kanyang opisina.
Lumabas kami sa may entrance at unti unti ng nagdatingan ang mga bisita at ipinapakilala niya ako sa kanila bilang kanyang girlfriend. Nakaset up na din ang ribbon para sa ribbon cutting mamaya at dumating na din ang pari. Nakahawak sya sa aking braso habang pinipicturan kami ng camera man.
"Hey bruh!" Isang matangkad at gwapong lalaki ang lumapit. Halos magsintaas sila ni Ryan. Itim na itim ang buhok nya at matangos ang ilong. Kahawig nya ang artistang si Ryusei Yokohama. Yumakap ito at nagfistbump pa sila ni Ryan.
"Aki! I thought you couldn't make it bruh! How's the flight? Thanks for making it bruh!"
"I wouldn't miss it for the world. And who's the lovely lady?" Tanong nya samin ni Ryan.
"Aki, I want you to meet my girlfriend, Maria. Ria, this is Aki, my bestfriend."
"Nice to meet you, Aki." Inoffer ko ang aking kamay para makipag-shake hands pero hinalikan nya ito. Ramdam ko ang mapangakit na vibe ni Aki at ang malagkit na tingin nito sa akin. Hindi ko ito pinakahulugan pero nabobother ako sa mga tingin nya. Pakiramdam ko ay hinuhubaran ako.
Dumating na ang lahat ng inaantay na bisita at sinimulan na ang ribbon cutting ceremony pati ang blessing. Maya maya ay dinagsa na ng maraming tao ang café.
Successful ang first day ng event na ito. Masaya kaming nagkkwentuhan ni Ryan kasama ang kanyang kaibigan na si Aki ng biglang may dumating na di inaasahan.
"Ryan! Finally, It's so good to see you again." Boses ng isang babae na hindi pamilyar sa aking tenga. Bigla na lang itong lumapit sa amin at sinunggaban si Ryan. Hinalikan niya si Ryan sa labi habang nakayakap sya ng mahigpit. Napatulala na lang ako sa nangyari.
WHAT.THE.F*UCK?!!
"Diana?! What the f*ck are you doing here?!" Tinulak nya ang babae na parang diring diri at nagpunas ng kanyang labi.
"Excuse me, I gotta go." Namumutla kong sinambit habang paalis. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan ko.
"Ria! Wait! I can explain!" Habol sa akin ni Ryan habang papalabas ako at pumapara ng taxi. Hindi ko alam na tumutulo na pala ang aking luha.
Abangan ang susunod na kabanata.