"Aaaaah!" nagulantang ang klase sa sigaw ni Janus na sinabayan nya ng dramatic nyang ungol. Nahimasmasan ako at tinanggal ang pagkakakurot ng daliri ko sa kanyang braso.
"Ahhhh..aaat isa na naman pong kababayan natin ang makakaahon sa kahirapan! Another success story mga shupatid! Ihanda na ang mga gulay, pechay, merlat, at itich-me-how mga jubelitang klasmarurut! Pekeret ne nemen si atashi! chovaline kyle!" sabay hawi sa kanyang noo na para bang may napakahaba syang buhok.
Nagtawanan ang buong klase sa mga witty remarks ni Janus. Napatingin sa bandang likuran si Ryan hanggang nagkasalubong ang aming mata. Namula ang aking pisngi dahil titig na titig saken si Ryan sinabayan pa ng kanyang killer smile.
Oh my god. Sizt! Ganito ba talaga buhay ng nadidiligan? Oh tukso, layuan mo ako. Kahit tuwing school days lang sana ang pahinga kaso pinalala mo lalo. Dinala mo pa dito sa klasrum.
Hayy, Maria. Ang babaing walang pahinga.
"Guys! Settle down! Later na kayo magpakilala isa isa kay Ryan. Mr. Kim, you may sit at the back. Observe ka lang muna as of today, okay." Ryan nodded and found himself a seat. How convenient na empty ang seat ko sa likod. Syempre andaming girls na nagpapacute. Chinito, mala-anghel at kahawig ni Ryan si Cha Eun Woo na isang sikat na K-actor kaya naman di mapakali ang mga kababaihan sa aming klasrum. Mukang good boy na di gagawa ng kalokohan at kababalaghan pero girls, akala niyo lang yun.
Napadaan sya sa may upuan ko.
"Hi, Ria! Did you sleep well?" pasimpleng bulong nya sa may tenga ko bago sya umupo sa likod ko. Buong araw ata nagblush ang muka ko.
Kailangan kong humiram ng BB cream at foundation kay bakla at kailangan matakpan ang muka kong pulang pula sa kahihiyan. Di pa sya napakali at kinalabit ako. Lumapit sya para muling bumulong.
"Good morning, my naughty angel. Nakalimutan mo ata akong gisingin kanina. Look forward to your punishment later." Napasinghap ako sa aking kinauupuan.
Uminit ang aking mukha. Pasalamat na lang ako at may earphone sa kanang tenga si Janus at mejo may espasyo sa pagitan ng upuan namin, kundi ay maririnig nya ang pasimpleng bulong ni Ryan.
Hindi ko mapigilan magtanong kay Ryan. Bakit? Bakit dito pa sa State College namin? Napakadaming magagandang University sa Maynila. Mga prestihiyoso at kilala pa. Bakit dito pa nya naisipan mag enroll? At akala ko ba busy sya sa business nya? Bukas na ang opening nun. Anu na bang nangyayari? Bakit sya nandito?
Ghorl iniigihan mo kasi, ayan tuloy! Keeping up with your kaharutan lang ang peg?
Ikaw kasi kung anu anong pinapakain mo, ayan tuloy daig pa ni Ryan ang nagayuma. Pinapahiran mo ba ng gayuma yang kabibe mo? Hayyy.. Naniniwala na talaga ako sa gayuma.
Nagsulat ako sa isang papel at inabot ng palihim sa kanya. Buti na lang ay nasa bandang likod kami nakaupo. Tahimik ang buong klase habang naglelecture si Ms. Mayumi ng Communications 101.
'Why are you here?' tanong ko sa kanya.
Narinig kong kumukuha sya ng gamit sa loob ng kanyang maliit na body bag. Maya maya ay naririnig ko na nagsusulat na din sya.
'I'll tell you later sa hotel, my naughty angel.' sagot nya sa ipinasang kapiranggot na papel sa akin.
Hindi ako mapakali sa aking upuan. Andaming tanong saking isipan. Bigla kong naalala na maghahang out nga pala kami ni Tracy later. At naku si Stefan pa nga pala. Kailangan ko syang makausap sa lalong madaling panahon. We need to straighten out some things para di na din siya umasa sakin.
Wait. Kailangan ko ba talaga? Kasi di ba wala naman kaming relasyon. We never made it official. We just had s*x. And then, the next day, may iba na agad syang kasama. Ang sweet sweet pa nila habang nakakapit sa braso nya yung babae. Magandang babae, maputi, sexy, mahaba at straight na straight ang blonde na buhok. Kamuka ng artistang si Ivana. At dun pa talaga sila sa AsianMart sa Bayan. Right after I gave him my first. Para akong binuhusan ako ng malamig na tubig nung araw na yun. So bakit parang ako pa ang dapat maghabol at magexplain. Mukha naman akong pathetic na pushover nun. Kaso di ko naman sya maiiwasan lalo kung lagi kaming mag ha-hang out ni Tracy. Hay ewan ko ba. Bahala na.
'Who says I'll be with you later?' sagot ko kay Ryan.
Nararamdaman ko na hindi din mapakali si Ryan sa kanyang kinauupuan. Lagot ka Maria. Ginalit mo ang dragon.
Naramdaman kong nagvibrate ang naka silent kong cellphone sa loob ng aking bag. Chineck ko ito ng palihim habang tuloy pa din si Ms. Mayumi sa kanyang lecture about The Art of Communication.
Buzz! Buzz! Buzz!
"What do you mean?" tanong sakin ni Ryan. Napalingon ako sa kanya at napakunot ang aking kilay.
"My friend wants to talk to me. We'll prolly hang out l8r." reply ko sa kanya.
Buzz! Buzz! Buzz!
"Hmm. Is that friend a he or a she?" tanong sakin ni Ryan. Hmm. Jealous much?
"It's Tracy and she's a she." napalingon ulit ako sa kanya at nilakihan ang aking mata para tigilan ang ginagawa nya.
Buzz! Buzz! Buzz!
"Okay. I guess I'll have to postpone your punishment later."
Napansin ata kami ni Janus dahil nahuli kong nakatingin sya samin ng parang nagtataka at napapangiti. Nag ring ang bell at natapos ang klase at sinundan ito ng isa pang minor subject. Hindi ako makapagfocus dahil ramdam ko ang presensya ni Ryan sa likod ko. Malapit na kaming mag break time ng bigla uling nagvibrate ang cellphone ko.
Buzz! Buzz! Buzz!
"Meet me later at the library." binasa ko ito at hindi nireplyan. Ano naman kaya ang binabalak nitong si Ryan.
Saktong 10:30 am ay nagring na ang bell. Hudyat ng aming first break. Nagmadali lumabas si Ryan. Nagulat naman at nadismaya ang mga kababaihan sa loob ng klasrum pati na din si Janus.
"Ay may lakad sya teh? Gumoraboom boom agad? Baka jojonta na sa jowabelles nya." ani Janus sabay ang kanyang iconic forehead swipe at hair whip.
"Sana all may jowa!" sigaw ni Janus sa loob ng klasrum.
Kung alam mo lang vaklitang Janus. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta ng girl's restroom. Nagvibrate ulit ang aking cellphone.
Buzz! Buzz! Buzz!
"Where are you? I'm waiting for you at the lib." chat ni Ryan.
"I'm c*****g!" sinadya kong i-misspell ang aking reply kay Ryan.
"Oh! YOU.WILL. :-p" hamon nya at emojing nakadila naman ang reply nya. Hmmm. Naalala ko yung dila nyang flexible. Umayos ka, Maria! Nasa school ka! Pitikin ko yang doorbell mo eh!
Pagpasok sa library ay may dalawang estudyante lang akong nakita. Yung isa tulog, yung isa naman nakasuot ng earphones at busy sa sinusulat nya. Wala ang Librarian sa kanyang cubicle sa kabilang dulo sa may entrance ng library. Dumiretso ako sa may shelves at hinanap ko si Ryan. Nakita ko sya dun sa may dulo at nakasandal sa pader at may hawak na libro na nakaharang sa kanyang mukha. Nakilala ko lang dahil sa kanyang mataas na height na 6 ft. at maputing balat. Siya lang naman ang lalaking nakita ko sa campus na ganun katangkad. Grabe parang model lang.
"What took you so long, my angel?" ibinalik niya ang libro at niyapos nya ako papalapit sa kanya at binulong ito sa aking tenga.
"Shhh! Anung ginagawa mo dito, Ryan?" sinubukan kong kumawala sa kanyang pagkakahawak ngunit lalo pa nyang hinigpitan ang yapos nya sa akin. Sumisilip silip ako sa paligid at baka may makahuli saming dalawa.
"You forgot your panties, my naughty angel." napasinghap ako sa pagkakamention nya ng aking panties. Namula ang pisngi ko. Naalala ko ang walk of shame ko kanina. Hindi ko nahanap dahil nasa bulsa nya nga pala ito pagtapos nyang hubarin sakin sa elevator. Biglang pumasok ang mga alaala ng mga nangyari kagabi. Namula lalo ang aking pisngi.
"Akin na yan!" pinandilatan ko sya sabay agaw sa aking panty na inilayo naman nya sakin. Hinampas ko sya sa braso.
"These are mine! Wala ng bawian." muli nyang bulong sakin. Sabay tago sa kanyang bulsa na agad ko namang sinubukang kunin ngunit hinawakan ako ng malakas nyang mga braso.
"Seriously, Ryan? Anung ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Masama ba kung dito ko gusto mag-aral, Maria? Ikaw lang ang kakilala ko dito sa Pinas. You're my only friend..but I think we're way past friendship and I know you feel the same. Sorry if I've offended you in some way. I just thought, uhmm.. well, uhm..after what happened last night.. we're cool. Are we cool?"
Ghorl ang haba ng buhok mo. Napapatid kame.
Sana all, Maria.
"You don't even know me, Ryan."
"I know you, Ria. I know what makes your knees weak, what makes your heart flutter..and most of all, what makes you c*m. Damn! I can't forget how sexy you look when you c*m!" bulong sakin ni Ryan gamit ang mapangakit nyang boses. Hinalikan nya ako muli at isinandal sa may pader sa may pinakadulong hilera ng shelves.
Hinalikan nya ang aking leeg at inangat ang palda para mahawakan ang gitna ng aking hita. Ipinasok nya sa loob ng aking panty ang mahaba nyang daliri at kinuskos ang namamaga at mamasa masa kong hiwa. Mabilis nya itong hinubad at ibinulsa. Buti na lang ay maayos na plain black panty ang suot ko.
Ryan, yung totoo? Kokolektahin mo ba ang mga underwear ko?
"Sh*t! Ryan! Ahh! Baka mahuli tayo!" di ko mapigilang sambitin ang kanyang pangalan.
"Don't make a noise, Ria. You wouldn't want us getting caught doing hanky panky in the library now, do you?" binulong nya sa aking tenga. Napatango ako habang nakakagat sa aking labi. Pigil na pigil akong umungol sa sarap ng ginagawa sakin ni Ryan.
"Oh f*ck! You look so sweet, my naughty angel." patuloy pa din si Ryan sa pagbulong sakin ng mga dirty words. Naramdaman kong malapit na kong magcum. Nagulat ako ng ihinarap ni Ryan ang katawan ko sa mga bookshelves habang tuloy sya sa pagpindot ng doorbell ko. Ramdam ko ang matigas nyang alagang bumubukol sa may puwitan ko.
"If only they could see your face, my sweet, sweet angel." dahan dahan nyang bulong sakin. Pigil na pigil ang bibig kong mapasigaw sa sarap. Tinakpan ni Ryan ang aking bibig gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay busy pa din sa ginagawa nya. Nakagat ko ang kamay ni Ryan kasabay ng pagc*m ko. Habol hiningang napasalampak ako sa sahig dahil nanghihina pa din ang tuhod ko sa ginawa nya. Tinignan ko si Ryan. Dinilaan nya ang kanyang daliri.
"You taste so sweet, my naughty angel. If we had more time, I swear I'll do more than that." tinulungan nya akong tumayo at isinandal muna saglit sa pader hanggang sa kaya ko nang tumayo ng maayos. Naglakad kami palabas ng library at bumulong sya muli sa akin.
"I hope you remember what we did and how I made you c*m when you visit your friend later." kumindat pa sabay takbo si Ryan. Lokong to! Nagdali dali naman ako ng CR para punasan ang dapat punasan.
Chinat ko si Ryan habang pabalik ako sa klasrum.
"Is that your idea of a punishment?!"
Buzz! Buzz! Buzz!
I checked my phone.
"Nope. That is barely a punishment, my angel. I just can't help but taste you. If you're that curious about your punishment, I'll see you later. After you meet with ur friend, of course."
"Give me back my underwear!"
Buzz! Buzz! Buzz!
"Check your bag."
Nagulat ako at may maliit na bagay na nakabalot ng papel sa loob ng aking bag. Sinilip ko ito. Wow! Crochet lace underwear in baby pink from Liberté! Yung bagong model na lumabas! Mahal to ah. Yung totoo Ryan? Balak mo lang ata palitan ang undies ko?
Pupunta sana ako ng CR ng biglang pumasok ang susunod naming prof.
Ano girl, going commando na naman tayo?
Nacurious ako kung anung klaseng punishment naman itong pinagsasasabi ni Ryan. Hmmm. Mala 50 Shades of Color Gray na ba ito mga sizt! Hmmm.. kahit 100 Shades pa!
Nagpaexcuse si Ryan pagtapos ng breaktime dahil may kailangan siyang ayusin at pinayagan naman siya ng mga Prof. Nagpatuloy ang klase sa hapon hanggang natapos ito ng bandang alas kwatro. Ako naman ay uuwi at didiretso kina Tracy. Sana wala dun ang mokong.
"Bye teh! See ya tomorrow! Remember, Don't?---.."
"Subo." sagot ko sa kanya na galing sa isang TV commercial ng isang sikat na gatas ng mga bata.
"And when you sneeze?---"
"Cover! Ha ha ha! Lucresia ka talagang vaklita ka! O sya, mag ingat ka na mahal na punong babaylan. Ay, sila pala mag ingat sayo. Ha ha ha!" rinig na rinig sa hallway ang masaya naming tawanan ni Janus. Nagpaalam na sya at mahaba pa ang biyahe nya pauwi.
Nagchat ako kay Tracy na pauwi na at papunta na sa bahay nila. Sabi niya malelate sya ng kaunti dahil mahirap sumakay.
Nang makarating ako sa aming Village, nakita kong nagkumpulan ang grupo ng mga chismosa sa tapat ng tindahan ni Aling Marites. Syempre present sa attendance si Aling Chabelita habang kinukutuhan ang anak niyang si Kat-kat at ang balo na si Aling Nenita kasama ang six years old na apo niyang si Jane.
May meeting de avance na naman.
Bising bisi ang grupo nilang pagchikahan ang bagong ulam. Malamang isa na ako sa putahe nilang katakam takam judging from their looks and awkward silence nung napadaan ako. Jusko anu na lang ang matututunan nung mga bata. Napaface palm na lang ako pero muli akong inusig ng konsensya.
Ay yes makajudge teh? Parang banal na banal ka din, Maria?
Well, ikumpara mo naman sa kanila na ginawa nang hanapbuhay ang pagchika at manira ng iba. Huwag ka, nagsisimba pa mga yan tuwing linggo at walang palya magpabasa tuwing Holy Week, pero antatanda na di pa din nagbabago mga ugali.
Hay, bagay na bagay yung kantang Banal na Aso, Santong Kabayo.
Natatawa na lang ako. Hi hi hi hi. Pero sino ba ko para magjudge di ba?
Nakarating di ako sa wakas sa bahay at dumiretso agad sa CR para maligo. Nagbabad ako saglit sa bath tub at sinubukan ang bagong Lush bath bomb na inorder ko from Cheapee. Nakakarelax ang amoy nitong Lavander and Chamomile. Tamang tama para makapag isip isip ako ng maayos. Pagtapos ay nagpatuyo ako ng buhok at hinanap ang sexiest pair of jeans ko sa baul at tinernohan ko ng plain white t-shirt. Sinuot ko ang bigay na underwear sakin ni Ryan. Pagtapos ay chineck ko muli ang aking cellphone kung mayroon bang message si Tracy. Wala akong nakitang bagong message maliban sa huli nyang sinend kanina na baka malate sya dahil traffic.
"Besh, san ka na?" chat ko kay Tracy.
Ping!
"Eto na besh, malapit na. Papasok n ng Village naten." reply nya.
Maya maya lang ay narinig ko syang dumating at binuksan ang gate nila.Sumilip ako. Aba himala di nya ata kasama si Mark. Lumabas ako ng bahay at sinalubong sya.
"Besh, himala wala kayo lakad ni Mark?"
"Wala ngayon besh, busy kame parehas kasi madaming pinaassignment samin. Wala munang ganap. Tara pasok sa loob may dala akong meryenda." kung meron mang hindi nakakaligtaan si Tracy, yun ay ang pameryendahin ako lagi sa kanila.
Pagpasok ay diretso kami agad sa kanyan kwarto. Wala ang ulupong na si Stefan. Mukang bising busy dun sa bago nyang jowa. Buti naman at walang asungot. Nagbihis ng pambahay si Tracy at napuna ang suot ko.
"Oh besh, san lakad at nakapantalon ka?"
"Susunduin ako ni Ryan later besh."
"Ooohhh at sino naman yang Ryan na yan? Ikaw ha. Pumapag ibig ka na din pala di mo agad sinasabi saken. Nakailang base na?"
"Ghorl kung may 10th base lang nandun na kame!" at sabay kaming nagtawanan.
Nilabas ni Tracy sa bag ang meryenda naming kwek-kwek, calamares, at inihaw na isaw. Hindi kamu maarte ni Tracy sa pagkain, kahit street food pa yan papatulan namin yan basta masarap at alam naming malinis ang pagkakagawa.
"So anu na besh? Kwento na. Anu nang pangyayari kahapon? Lam mo ba usap usapan ka nila chabe kaninang umaga narinig ko pag daan ko sa may tindahan ni Aling Marites. Sabi di ka daw umuwi kagabi. Baka daw nagpup*ta ka na. Ahahaha!" tawa ng tawa si Tracy habang kinekwento sakin ang mga chikang nasagap nya.
"Hay nako ganyan naman sila. Wala ng bago. Anyway, so ayun na nga kahapon nasa AsianMart ako kasi maggogrocery sana kaso biglang naramdaman ko naiihi na ko kaya naki-CR muna ako dun sa may fastfood tapos na meet ko dun si Ryan. Sila yung pamilyang nakatira dito sa bahay nyo dati. Di ko lang alam kung naaalala mo pa." hayag ko sa kanya. Di ko lang masabi na nakita ko ang kuya nya na may kasamang ibang babae kaya di ako natuloy sa paggrocery. Hindi ko din masabi na umiyak ako sa loob ng CR nung fastfood kaya ako napadpad doon.
"Tapos ano pa nangyari? Oo nalala ko nga na sila yung napagbilhan namin ng nitong bahay. Pano? Saan kayo nagkita? Details please." seryoso ang pakikinig nya habang kumakain ng meryenda.
"Saktong paglabas ko ng CR di ko napansin yung dumaan sa harap ko. Nasanggi ko sya tapos natapon yung juice sa white na polo nya. Then nagkatinginan kami besh! Sabay tinanong nya ko kung naaalala ko pa sya. Besh pano ko naman malilimutan ang first crush ko? Grabeng kaba ko nun besh. Sobrang wa poise moment. Pero nagulat ako hiningi nya number ko tska in-add ako sa FaceLog."
"Ay ang galing naman besh! Parang sa mga movies lang huh! Malay mo yan na pala ang 'The One' mo. Kelan mo ba ako ipapakilala?" tanong sakin ni Tracy.
"Naku besh ewan ko ba kasi parang nabibilisan din ako sa mga pangyayari. Ay nga pala besh, aalis ka? Kanina ko pa kasi napapansin yung maleta na yan sa likod ng pintuan mo. Ikaw ha? Don't tell me magtatanan na kayo ni Mark? Ha ha ha!" paloko kong sabi sa kanya.
"Ay hindi besh. Grabe naman sa tanan. May pangarap pa ko besh. Saka na yang tanan tanan na yan. Ha ha ha. Di ba sabi ko sayo may ipapakilala ako. Sa pinsan ko yan galing Germany. Di mo pa na mimeet yun kasi first time niya sa Pinas. Ngayon nga lang din namin sya na-meet. Bali 5 days lang siya dito kasi nag aayos lang ng passport tapos uuwi ng Zambales kasi taga roon talaga mga kamag anak nya. Second cousin kasi kami sa side ni papa. Mabait un si Andie."
"Ah okay okay akala ko lalayasan mo na ako eh."
"Ikaw naman besh, syempre hinding hindi mangyayari yun." ani Tracy. Narinig naming tumunog ang pintuan.
"Mukhang anjan na sila. Tara sa baba ipapakilala kita besh." yakag sakin ni Tracy. Kinuha ko naman ang mga platito na pinaglagyan ng aming kinain para madala sa kusina.
Pagbaba ay sumalubong sa akin ang isang babaeng nakangiti. Blonde at straight na straight ang buhok. Maganda at kamukha nung artistang si Ivana. Wait. Ivana?
"Hi!" bati niya sakin habang napatulala ako sa babaeng nasa harap ko.
"Maria, meet Andie, our second cousin. Andie, meet Maria, my best friends s***h sister." pakilala ni Tracy. Kasabay naman nya pumasok si Stefan na may buhat buhat na mga gamit at groceries at napatingin ito sa akin na para bang nagtataka.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at napatakip ng bibig.
O. M. G.
Mali ako.
Oh no. Stefan. Oh no.
Beep! Beep!
Nahimasmasan ako at naulinigan ang busina ng sasakyan ni Ryan.
Abangan ang susunod na kabanata.